Dahan na dahan na pumasok si Jeremy sa small office ni Yuan sa bahay nila. Hindi sya nakapasok ngayon dahil nagkaroon nanaman sya ng morning sickness kanina ng magising. Hindj na rin pumasok si Yuan sa pag aalala nito sa kanya. Kaya sa office nalang nito ito nag trabaho. Ang mga meetings nito ay ginawa nalang thru zoom apps. Nag angat ito ng ulo habang nakatingin sa laptop ng makita syang pumasok ng office nito. Ngumiti si Yuan na isinenyas na nasa meeting daw ito. Tumango naman sya at umikot pa para ipakita rito ang dress na binili ni Yuan para sa kanya. Maternity dress iyon at nagustuhan naman nya. Hindi sya sanay sa mga dress pero ngayon feel nyang mag suot ng ganun ka komportableng damit. Nag blow naman ng kiss si Yuan sa kanya. Hindi na lumabas ng office si Jeremy nag ikot ikot nala

