ANGELA'S POV'S
Nakahinga ng maluwag si Angela ng mawala sa mata niya ang pulis na humuli sa kanya. Maging ang pulis na siyang nakakilala rin sa kanya ay nawala na. Harriet, Harriet pala ang pangalan ng siraulo na pulis na yon. aniya na naibulalas pabulong ni Angela habang tanaw-tanaw niya na lumalayo sa kanila ang dalawang pulis na pumalabas ng station. Naiwanan na sila nila Attorney Jake Suarez at ang kanyang bodyguard na si James sa isang sulok ng presinto.
“Ayos ka lang?" muli na naitanong pabulalas ni James ng mapansin ang pananahimik ni Angela. “Wag mong pansinin yung sinabi nung pulis na yon." aniya na pagpapalakas ng kanyang loob.
Sa totoo lang talaga nakaramdam siya ng matinding pagkainis sa sinabi ng pulis. Yung pulis na nakakilala sa kanya kangina. Iniwasan lang niya na mapatulan at nagpigil lang si Angela na wag ng payulan ng dahil sa kasama at kaharap si attorney Jake Suarez. Kinabahan siya na baka makarating pa sa kanyang Daddy lahat ng kanyang mga pinasok sa araw na 'toh! Kaya ayun, imbis na daanin sa init ng kanyang ulo. Pinilit niyang maging mahinahon at nanatili na walang kibo kahit halos sumabog na ang tenga sa mga narinig mula sa pulis.
“Okay lang ako, Kuya James. Huwag kang mag-alala. Hindi ako papaapekto ron. Hehehe." tumawa na siya mula sa naisagot niya sa bodyguard.
Pero ang totoo naapektuhan rin siya. “ Tama din naman sinabi niya? Ang laki kong tanga dahil hindi ko makita ang mali sa pagsama ko sa mga babae na yon. Baliw nga siguro at tanga ako. Bobo nga raw sabi pa sa akin nung pulis na humuli sa akin. Dahil sa pagsunod ko sa mga pinagawa nung mga yon. At least narealize ko na ngayon." aniya mabigat sa dibdib na inamin ni Angela. Inamin niya na rin ang mga maling kanyang ginawa. Ang mga paulit-ulit na maling pinasok.
“Buti naman natauhan ka na... Alam mo bang matagal na namin nais marinig yan sayo? Buti naman at ngayon ay natanggap mo na rin lahat. Natanggap mo na rin na ikaw ang may mali sa pagsama-sama mo sa kanila. So, siguro naman. Last na 'toh?" aniya ng maitanong ng may biro at may ngiti ni Attorney Jake Suarez. “Angela,. alam mo naman kung gaano kami madalas mag-alala sayo. Lalo na ang Daddy mo na madalas ka nalang ihabilin sa amin dahil sa oras-oras, minuto pa nga. Sobrang pag-aalala sayo. Kaya nga grabe ang pagtatakip namin tatlo nila Nana mo, itong si James. Dahil ayaw namin makaapekto sa inaasikaso ng Daddy mo. Lalo na pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Nahihirapan rin Daddy mo, tinitiis lang lahat para sa kapakanan mo at para sa inyo. Kaya sana itong narealize mo. Magtuloy-tuloy na at huwag mo na dagdagan o sundan. Huli na ito, dahil kung hindi. Ako mismo mag-suggest sa Daddy mo na ipadala ka nalang sa America at duon na magtira. Ang hirap dahil gaya nga, nakita mo na mga itsura namin ni James? Mapuntahan ka lang rito para ayusin ang gulo na pinasok mo. Tingnan mo mga suot namin..." aniya ng may pambabanta at pagpapaalala na dinaan pa sa biro at tumawa na kinatawa rin ni Angela.
Tulad ng sinabi ni Attorney James hahaha talaga nakakatawa ang mga suot nila. Mukhang kagagaling lang talaga nila sa ka ilang pagkakatulog dahil sa mga suot. Lalo na si James na suot pa ang t-shirt na may punit at maong na shirts na punit-punit. Designs, habang si Attorney Jake Suarez ay ganoon rin subalit suot nito ay talaga pantulog at mukhang naabala sa kanyang pagtulog lalo at suot nito ay magkaiba pang tsinelas na hindi na rin nagawa na makapagpalit tiyak sa pagmamadali na matunguhan lang siya ng tawagan ni James o ni Nana niya. Kaya heto, dinadramahan na siya.
Mabait naman si Attorney Jake Suarez pero sa pagkakataon na ito ngayon niya lang narinig na nagsalita ng ganuon ito. Ngayon lang ito kumibo at nagbigay ng sariling reaksyon mula sa ilang ulit na pabalik-balik niya sa presinto dahil sa kanyang mga mali na pagsama sa mga babaeng kanyang itinuring na mga kaibigan.
“Si Attorney naman, nagagawa pang manakot at magbiro." aniya na sabi ni Angela ng nakatawa rito. “Hayaan niyo, last na ito pangako yan sa inyo. Basta wag mo na iparating pa kay Daddy. Hindi na mauulit promise." aniya muli at kumapit sa isang braso na kala mo ay isang bata na nakikiusap at malambing na nagsalita masiguro lang na hindi siya mapaparusahan.
Mabait naman din Daddy ni Angela na may pagkastikro nga pero tama si Attorney Jake Suarez na para lahat naman sa kanya iyon kung bakit madalas na mag-alala at maghigpit ang kanyang ama. Natural lang dahil nag-iisa nga siyang anak. At natural na pangalagaan siya ng mabuti wag lang siya malagay sa ikapahamak ni Angela.
“Oo nga pala, hiningi ka ng sorry duon sa pulis na umaresto sayo." anito ni Attorney Jake Suarez sa kanya na kinalaki ng kanyang mata.
“Bakit naman ako hihingi ng sorry roon? Kasalanan naman niya kung bakit nangyari sa kanya yon. Bakit kailangan ako ang magsorry na dapat siya pa nga ang gumawa non." pagmamatigas ni Angela na hindi mapilit na magbaba ng kanyang pride. “Saka attorney, ako naman yung nadehado rito. Hindi naman siya, nakakahiya kaya itong nangyari sa akin ng dahil sa kanya. Bakit ako magsosorry? Sabihin mo siya ang magsorry sa akin." muli na pinagkadiinan na pagmamatigas ni Angela sa ayaw niya na siya ang lalapit kay Harriet at hihingi ng sorry.
Ayaw na ayaw niya gawin at lalo na hindi siya mapilit. “Sige na please. Para matapos na lahat at makauwi na tayo." ani ni attorney Jake Suarez ng may pakiusap kay Angela na inismiran naman siya.
Nagmamatigas at ayaw na pumayag mula sa mga pakiusap ng Attorney na kaibigan ng kanyang Daddy. ”Gusto mo bang matulog rito?" ani na may pananakot na sambit ni Attorney. “Pag-isipan mong mabuti kung okay lang naman sayo ang matulog rito at magpalipas ng gabi kasama ang mga iyon." Turo sa ilang mga preso na mukhang mga sanggano. “Yung babae na yon, nakulong siya rito ng dahil sa pambubugbog sa kanyang kapitbahay. Habang yung isa, nakapatay. Napatay niya yung kainuman niya ng biglaan nalang siya pagwalaan. Sa galit sinaksak yung kainuman at ayon napatay. Dead on the spot. Hindi na umabot pa ng buhay sa hospital. Yung isa naman..."
“Teka, wag mo na ituloy ayaw kong marinig." gusot-gusot ang buhok na pinigilan si Attorney Jake Suarez na maituloy pa ang kanyang sana sasabihin. “Okay, okay sige na susunod na ako. Gagawin ko na yung nais niyo." aniya na napipilitan na naisagot sa attorney. “Gagawin ko na." aniya muli ng dahil sa bigla nalang siya inakyatan ng kaba at takot na marinig ang mga sinabi nito. Ayaw niyang makasama ang mga pasaway na tao na yon at lalo na ayaw niyang matulog na ito ang mga katabi at kasama. Kaya agad siyang nagsalita para pigilan na ang mga sasabihin pa sana ni Attorney.
“Buti naman at nagkakaintindihan tayo Angela, dahil kung hindi talagang matutulog ka rito kasama ang mga taong itinuturo ko sayo. Sabagay isang gabi lang naman..." ngumiti si Attorney at muli nagbiro. “Isang gabi matutulog ka kasama ang mababaho na yon. Matitiis mo ba? Kung hindi ikaw mismo ang magbaba ng sarili mo? Angela, isipin mong mabuti bago ka magdesisyon palagi ng hindi ka nalalagay sa panganib. Pagkatandaan mo yan, dahil hindi sa lahat ng oras naririto kami tatakbo para lang ayusin ang lahat ng gusot na masasangkutan mo. Kaya please Angela, maging mabuti ka na sana halimbawa sa iba. Hindi dahil sinasabi ko ito dahil galing ka sa mayamang pamilya. Kundi sinasabi ko ito bilang nakatatanda sayo at pamilya na rin tulad ng trato sa akin ng Daddy mo. Alagaan mo ang sarili mo, para sayo at sa Daddy mo. Isama mo na rin ang mga tao na nasa paligid na madalas na mag-alala sayo." madrama na mahabang lintehiya ni Attorney Jake Suarez na kinabuntong hininga ni Angela at maging si James na nakamasid lang sa mga sinasabi at lumalabas sa bibig ni Attorney.
“Ang drama mo naman, attorney. Sinabi ko na nga di ba? Papayag na ako at gaya ng nasambit mo. Hindi ko makakaya ang matulog ng isang gabi na kasama sila. Baka mas ikapahamak ko pa. Di ba, gaya sa mga movie at drama. Hahaha, nabubugbog yung ipinapasok sa selda na puno ng mga gaya nila." naitugon na naituro ni Angela ang mga ilang babae na laman sa loob ng selda.
Hindi ma-imagine ni Angela sa kanyang sarili ang makasama at makatulog ng isang gabi kasama yon. Yung itinuturo niya kay Attorney Jake Suarez na ngayon ay mga nakangisi kasama si James. Napapaisip na kinabuntong hininga niya ang maisip ng paulit-ulit sa kanyang sarili kung papaano na nga kaya kung mangyari ang nasambit ni Attorney. Lalo ng sabihin sa kanya na hindi napayag makipag areglo ng pulis na humuli sa kanya at lalo na ang tanggapin ang pera na inaalok ni Attorney para sa danyos sa mga nagawa niya rito at abala na rin ng dahil sa mali nga na napasok ni Angela.
Isa lang ang hiningi nitong kapalit, kung hindi niya magagawa. Matutuluyan na matulog si Angela sa loob ng presinto na hindi naman magagawa at makakaya. Kaya nagpag-isip ng mabuti si Angela at ayun na nga. Wala na siyang pagpipilian kundi ang sundin ang pakiusap ng kanilang family Attorney na siyang ngayon na umaayos sa lahat at nakiusap sa pulis na si Harriet.
“Sige gagawin ko na Attorney." aniya ulit ng may bigat sa dibdib.
“Hindi ka naman napipilitan?" aniya na naibulalas na pabiro ni James.
“Bakit mapipilitan? Kung yon naman ang nais ng baliw na pulis na yon. Ano pang magagawa ko? May habol ba ako? Pwede pa ba ako umatras kung wala naman ako pagpipilian malibas sa matulog na kasama yung mga yon. Ikaw kaya matulog ron, Kuya James." sagot niya kay James na kinatawa nila.
“Minsan pala may takot ka rin, Angela." biro pa muli nito sa kanya na kinalingon nila ng marinig na nakabalik na at nakapasok na sa loob muli ang pulis na si Harriet. Kausap nito ang kanyang mga kasamahan na pulis na ngayon malalakas pa ang mga tawanan na nakakuha sa mga atensyon nilang tatlo.
“Kita mo na, anong klaseng pulis ang ganyan umasta?" ani na nagparinig si Angela.
Nakikita niya kasi kung papaano ito makipagharutan sa mga kapwa pulis.
Kung papaano ang mga ito na magsipagtawanan na para bang wala sa isang pribadong lugar kung saan dapat mga tahimik at hindi para mga bata na naghaharutan sa loob ng police station. Kaya naman si Angela mabilis na nainis sa mga nakikita ng kanyang mga mata.
“Dian ba sa tulad niya ako dapat humingi ng pasensya? Look, attorney palagay mo matino ang isang tao na yan?" sambit ni Angela ng hindi naaalis ang kanyang mga tingin mula sa mga mahaharot na pulis. “Dapat talaga siya yung lumapit at humingi ng sorry. Hindi ako!" aniya na may ismid sa sarili.
Napapaisip at napailing nalang siya muli habang hindi naiaalis ang kanyang tingin ng mapalingon nalang ito bigla at makita siya na nakatingin. Umiwas agad si Angela ng kanyang tingin at binawi ang kanyang mga mata na nakatingin rito. Agad siyang bumaling kila Attorney at James na kapwa mga natawa sa naging kilos. Si Angela nagtaas ng kanyang kilay habang pinagtatawanan ng kanyang Kuya James at katabi na si Attorney Jake Suarez.
“Bakit na tumatawa kayo?" aniya na may sungit na pagsasabi na pagtatanong.
“Pinamulahan ka kasi, Angela." Tukso na may biro ni James habang kinatawa muli ni Attorney.
Namumula nga naman siya. Pinamulahan siya ng kanyang mukha ng mahuli siya ng pulis na si Harriet na nakatingin. Hahaha, namumula at hiyang-hiya si Angela mula sa mga pambubuska sa kanya ng dalawa. “Angela, bakit.."
“Tigilan niyo nga ako." aniya na sinabi at mabilis na tinalikuran yung dalawa. “Anong arte yan? Mukhang si Angela namin eh..."
“Sabi na tumigil ka na, Kuya James. Hindi nakakatulong yang mga biro mo sa akin. Ano ba!" aniya ng hawakan siya bigla sa braso at mabilis na pinalis iyon.
Mabilis na tinanggal ni Angela ang kamay na humawak sa kanya. “Kuya James, Isa... Bibilang ako tatadyakan na kita.." nang marinig ang malalakas na tawa nila Attorney at James na kapwa nanunukso sa kanya.
“Sige na.. Lumapit ka na roon at humingi ng pasensya ng matapos na tayo rito at makauwi. Tama na James, tama na panunukso kay Angela at namumula na. Baka paglumapit pa siya kay Officer mas lalo lang siya mapaghalata sa itsura niya." anito ni Attorney na siniko pa si James ng pabiro na sinita ang panunukso nito kay Angela. “James, tigilan mo na nga si Angela. Baka mamaya hindi pa makapagsalita yan pag anduon na sa harap ni officer Harriet. Wag mo na tuksuhin. Hahaha." tawa na sabi nito ng may biro.
Hahaha tumatawa yung dalawa na ipinagtulakan na siya.
Pinagtulakan siyang lapitan na ang pulis na siyang humuli sa kanya. “Lapit na.." ani ni Attorney na sinundan ng sabi ni James. “Sige na Angela lumapit ka na... Nang makauwi na tayo." ani na sabi ni James na tulak-tulak siya na naiharap papunta sa gawi ni Harriet.
Napilitan na siya, si Angela na lumakad papalapit sa gawi ni Harriet para humingi ng paumanhin sa naidulot niya at p*******t rito.
Wala na nga siya nagawa kaya lumakad na siya at lumapit sa mga nakaumpok at nagtatawanan pa rin na mga pulis.
-------------++++++++++++++----------------
HARRIET'S POV'S
“Pre, ayos rin pala ang nakuha mo ano? Biruin mong babae nga ba ang gumawa niyan sayo. Hahaha, grabe ang laki ng bukol..." nang magawang hawakan ang bukol sa kanyang ulo.
Pinindot pa yon ng kanyang kasama ng mahawakan na kinadaing ni Harriet na kinatawa naman ng iba. “Masakit? Hahaha." tanong na sabay tawa.
“Gago, paano di sasakit? Ikaw kaya mabugbog at malagyan ng maraming bukol. Tapos itatanong mo pa kung masakit? Nagawa mo pa talaga na pindutin? Nakita mo na masakit kaya.." aniya na sagot niya sa kanyang mga kasama na pinagtatawanan siya. “Gusto mo sayo ko gawin? Para malaman mo kung masakit ba o hindi." aniya na may biro ng kanya itong lapitan at akmang iniangat ang isang kamao na sinadya na kunwari nga ay kanyang ipatatama sa ulo nito. Nagkatawanan sila at malalakas na hagikhik ang pumuno sa buong station.
Nagkakatuksuhan sila habang nagkakatawanan na naibulalas ni Harriet ang pagbabanta na kanyang nasabi sa kanyang katukayo na madalas magbiro sa kanya.
“Anong nangyayari rito?" nagulat sila ng mapalingon sa nagsalita.
Si Arnold ang kapareha ng kanyang Ate Samantha. Ang boyfriend din ng kanyang Ate Sabrina. Nagkakasiyahan sila ng dumating ito at makigulo sa kanila. “Anong meron at mukhang nagkakasiyahan kayo?" aniya na naitanong muli ng hindi pa nito nakikita ang mga pinagtatawanan ng kanilang kasama.
Mabilis kasi na tumalikod si Harriet upang umiwas na makita nito ang mga nangyari sa kanyang mukha. Maraming galos, pasa na halos napuno rin ng kalmot mula sa matatalim na kuko ng babaeng dinampot.
“Wala naman, si Harriet lang kasi... Hahaha" na natawa pa ng mahirapan na maipaliwanag ang mga tunay na nangyari. “Si Harriet kasi... Kasi Arnold si Harriet kasi... Hahaha" Bumulalas ang tawa nito na pilit na pinipigilan subalit kusa na siyang pumaibabaw sa kanilang mga pagiging walang kibo.
Wala kasing kibo ang ilan at habang si Harriet nakatalikod at ayaw humarap. “Hoy, Harriet ano bang nangyari? Hindi ba Day-off mo ngayon? Ano at naririto ka sa station? Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka na naibulalas ng maitanong at hawakan siya sa kanyang isang balikat. “Harriet, bakit ba ayaw mong humarap? Wag mong sabihin...?" nang hindi na naituloy ng kanya itong iharap. Si Harriet, iniharap ni Arnold at duon ikinabigla nito at ikinalaki ng kanyang mga mata ang kanyang nakita.
“A-anong nangyari diyan? A-ano't ganyan ang itsura mo Harriet? Napaaway ka ba? Huh? Sumagot ka! Anong nangyari sa mukha mo? Ano't nagkaganyan iyan?" paulit-ulit na naitanong pabulalas ng kinagulat ni Arnold ang makita ang sinapit ni Harriet.
Nanlaki ang mga mata ni Arnold mula sa kanyang itsura. Si Harriet, nawalan ng kibo mula sa mga titig ni Arnold sa kanyang mukha. Napapikit pa nga siya at hindi masabi ang tunay na nangyari sa kanyang sinapit.
“Ano bang nangyari? Sumagot ka nga? Mayayari ka na naman sa mga Ate Samantha mo, lagot ka na naman duon sa tatlo. Baka hindi lang yan ang makuha mo. Oras na sila na ang dumisiplina mula sa pinasok mong ayaw naman sabihin kung ano." ani Arnold anduon ang pagpapaalala at banta mula sa pagsasabi nito sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
“Napaaway ka ba?" na kinatawa ng marami nilang kasama.
“Mas grabe pa kamo ron." sagot ng isa sa tanong ni Arnold ng hindi niya sinasagot. Si Harriet na nahihiya pa rin masambit ang tunay na nangyari sa kanyang mukha. Sa kanyang sarili ma hindi makaya na aminin at ikwento ng baka mapagtatawanan rin siya ng gaya nalang ng nakukuha niyang mga panunukso galing sa kanyang mga kasamahan.
“Huwag mo nalang banggitin kila Ate Samantha ahh, Kuya Arnold please." pakiusap na sabi niya ng magsalita at sumagot. “Yun kasi ang gumawa nito." aniya na naituro ang babaeng ngayon pala ay nakatingin sa kanila.
“What? Babae may gawa niyan sayo? Wag mong sabihin..."
“Kuya Arnold, hindi ganoon ang nangyari. Malabo ang nasa isip mo ngayon. May hindi lang naging pagkakaintidihan rito. Kaya nangyari ito." aniya niya na sabi ng kanyang maipaliwanag.
Napahugot siya ng malalalim at nang magtama ang mata nila ng babae. Agad ito nagbawi ng tingin. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit nagkaganyan yang mukha mo? Babae pa talaga may gawa?" anito na kinatawa na rin nito ng matitigan ang mukha ng babae na naituro ni Harriet sa kanya. “Sino ba siya? Saka saan mo naman nakilala? Baka naman kasi nabastos mo? Kaya ayan ang ginawa sayo." ani na may paninisi at sa kanya pa naisisi ang mga natamong sugat at galos.
“Naku, Arnold. Okay nga sana if ganoon ang nangyari. Hindi ehh, siya na dinukutan. Siya pa ang nabugbog ng subukan bawiin yung kinuha sa kanya. Ang nakakatuwa lang, babae... Isang babae ang gumaya niyan sa kanya. Nakakahiya na isang napakagaling na pulis. Nabugbog lang ng isang mayaman... Mali isang anak ng pinakamayaman at kilala pa sa bansa ang siyang gumawa niyan sa kanya. Kita mo? Maging mga braso panay sugat bakat yung mga kagat sa kanya nung babae. Wala, mabait masyado itong bata natin ng hindi niya talaga pinatulan yung babae. Kung ako yan... Baka nakita niya ang hinahanap niya." ani ng may kayabangan na sinabi ni Dos.
Si Dos na yung nagsalita. Nagulat nalang sila ng dumating na pala ito buhat sa mga pakikipagchika sa labas ng makakita ng mga tambay na babae na mga nagbebenta ng sigarilyo. Basta babae malakas at mabilis ito. Hindi nga lang tulad ni Harriet na may isang salita at magalang pagdating sa babae. Isa lang kasi ang kanya.
Iisa lang ang babaeng pinakamamahal niya at iisa lang ang babae na nais niya maiharap sa altar oras na ready na sila.
Si Mia Marquis ang girlfriend ni Harriet ang nag-iisang babae sa buhay niya maliban sa tatlong babae na mahahalaga sa kanya. Maliban sa mga babaeng yon. Wala na. Si Mia ang babaeng nais niyang iharap sa altar subalit dahil sa paggalang niya kay Mia, mas pinili niya ang maintay ito bago dumating ang kanilang nalalapit na pagsasama. Hahaha. Si Harriet lang naman, dahil nais na niya makasama si Mia, inaantay lang niya ang magiging sagot nito na sinabi naman niya na mag-iintay siya hanggang ready na ito na sumama sa kanya at magsama sa iisang bahay. Gusto na nga kasi niya na maiuwi si Mia sa kanila at magsama na silang dalawa. Isang nurse si Mia sa isang hindi naman kalakihang ospital. Pero sa ngayon ang priority ni Mia ay ang kanyang trabaho at career bilang isang nurse na matagal na nitong pinangarap. Habang si Harriet, ang pagiging isang pulis ang pinili matapos sila magtapos ni Mia sa kanilang pag-aaral nung panahon na nasa high school sila. Magkaklase at magkaibigan si Mia at Harriet na natutunan na ibigin ang kanilang mga sarili. Kaya ayun. Naging sila, hanggang sa pareho nila narating at naabot ang kanilang mga pangarap.
“Pero, Arnold. Maganda yung babae hindi ba?" anito na nagkipit balikat naman si Arnold sa tanong ni Dos. “Sayang, kung wala lang si Harriet na Mia, okay na sana pagtiyagaan yung babaeng bumugbog sa kanya. Maganda, hindi na siya lugi, mayaman, yun nga lang... Amasona naman. Hahaha nakita mo na kung papaano nabugbog itong bata natin. Dinaig pa sa pagiging isang batang paslit ng mabugbog ng kalaro niya." Muli ay kinatawa ni Dos habang nagsisunod na ang kanilang mga kagroupo.
“Harriet, hindi ko sasabihin ang nangyari sayo. Pero make sure na ikaw mismo ang magkwento at magsabi ng tunay na nagyari kung bakit nagkaganyan ang sarili mo. Tingnan mo nga, halos masira na ang mukha mo sa dami ng dumi na nakuha mo." tukoy sa mga pasa at sugat na nakikita sa kanyang mukha.
“Salamat, Kuya Arnold. Pasensya ka na sa akin. Hindi ko naman ito kagustuhan. Nangyari lang talaga ito at wala naman ako nagawa. Kesa naman saktan at labanan ko yon. Ako pa ang masisira sa tungkulin na meron tayo. Alam mo naman, kung ano ang sinumpaan natin sa ating mga trabaho. Ayoko masira yon ng dahil lang sa babaeng yon. Saka ayos lang ako, mawawala rin ito. Lilipas, mawawala rin ito." aniya na kanyang sagot. Si Harriet na tinapik pa sa kanyang balikat ni Arnold bago ito nagpaalam upang muli bumalik sa kanyang pamamahinga.
Hindi na naiuwi si Arnold mula ng ilang araw na maidestino sa kanya ang isang misyon. Kasama rito sa misyon ang kanyang Ate Samantha. Subalit si Ate Samantha niya nauuwi pa ng bahay upang magpahinga kahit saglit lang. Kaya naman si Harriet maswerte ng dahil wala sa station ang kanyang Ate Samantha. Kasama niya rin sa iisang station ang dalawa pa niyang kapatid na ngayon nasa bahay nila at nagpapahinga.
“Oh siya, sige at babalik muna ako sa pamamahinga. Medyo napagod ako sa pag-ronda kangina. Medyo inaantok na rin ako. Dian ka muna, dian muna kayo. Ayusin mo na rin ang gulo mo sa babaeng yon." turo ni Arnold mula sa papalapit na babae na napansin na pala ni Arnold at nakita na papalapit ito sa kanila. “Mag-usap kayo. Mabuti na ayusin niyo nalang ito. Mukha nga na maganda siya.." ani na kinatawa rin ng iba. Ang biro ni Arnold na kinatawa ng kanyang mga kasama. Kinatawa ng mga baliw niyang kasama na napabungisngis pa sa tawa ang mga ito habang ang mata nasa gawi ni Angela.
Yumuko si Angela bago pa man magsalita. Nang makalapit agad na narinig ang mga salita ng kasama ni Harriet. “Pwede ba kita makausap saglit, Officer Harriet?" ani Angela ng makapagsalita.
Sa pag-angat ng kanyang mukha duon ay nakita niya ang nakatingin na mga mata ng mga kasama ni Harriet. “Bakit?" masungit na sagot ng makapagsalita rin siya. Si Harriet na masungit na nagsalita at muli kanyang sinabi. “May sasabihin ka? Sabihin muna." ani ng pabiro na may panghahamon. “Bakit ayaw mo pang magsalita? May sasabihin ka di ba?" muli na sinabi na itinanong na kinangisi ni Harriet.
Nagtawanan naman ang mga kasamahan niya mula sa pagbibiro na kanyang ginagawa sa babaeng bumugbog sa kanya. Hindi niya magawang magalit dahil para sa kanya babae pa rin ito. Kahit papaano nagagawa niya pigilan ang sarili kainis nakaramdam siya ng pagkainis ng masaktan siya ng dahil rito. “Sabihin muna, sa harap nila kung ano ang nais mong sabihin. Gusto mo ako makausap di ba? Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" anito na sabi may pag-uutos pero dinadaan niya lang sa biro.
Kaya nga lang, yung babaeng binibiro niya ay hindi mabiro. Dahil sa kung si Harriet nagpipigil sa galit. Itong si Angela hindi na mapigilan ang namumuong inis mula sa pagpapahiya sa kanya ni Harriet na pakiramdam niya ay sinasadya upang makaganti sa kanya. Kaya naman sa inis ni Angela... “Aray!" sigaw ng napakalakas. Namimilipit si Harriet sa sakit ng tadyakan siya bigla ni Angela na tumama sa kanyang gitnang bahagi na ngayon ay sapo-sapo at hawak. “Baliw ka na ba?" aniya na naiinis na hindi naman magawang patulan.
“Masakit ba? Gusto mo isa pa?" Anito ng hindi rin naiwasan at muli tumama sa kanyang hita.
”Ikaw..." aniya ng pilit na pinipigilan ang kamay na naitaas papasampal sana kay Angela.
“Sige, subukan mo lang ituloy. Maraming nakakakita sayo... Bakit hindi mo ituloy?" aniya na may panghahamon subalit nakikita ni Harriet na lahat sa paligid nanunuod.
“Ikaw na babae ka.." anito ng kanyang hilahin si Angela palabas ng station. Habang tinitiis ang sakit ng kanyang bahagi na sinipa nito. Tinadyakan pala ng ubod ng lakas na halos mawalan na siya ng lakas sa sobrang sakit nuon. Pilit lang niya tinitiis mailabas lang ang babae sa loob ng station.
Hila-hila niya si Angela palabas at duon sa walang makakakita sa kanila kanya itong dinala. Dinala niya ito mula sa likod kung saan sila madalas na magpahinga kasama ang buo niyang barkada. Sa isang kubo medyo may kalayuan sa kanilang quarters kung saan naroroon ang opisina ng kanilang Chief na siyang nagturo kay Harriet bago makapasok ng tuluyan sa service.
Kanya itong ibinalibag na muntikan nang bumagsak. Hindi pala, dahil bumagsak ito pabagsak ng siya ay ibalibag ni Harriet at mapaupo sa isang bahabang sofa na gawa sa kawayan. “Ikaw!" sambit ni Harriet ng hindi na nakapagpigil. “Sumosobra ka na kangina pa ako nagtitimpi sayo. Mula ng dukutan mo ako at pahirapan makuha lang yung kinuha mo. Sinaktan mo pa ako at binugbog. Nakikita mo ito? Hindi pa ba sapat yan para ipahiya at saktan ako sa harap ng mga kasama ko?" Pilit na pilit na pinipigilan ni Harriet ang sumabog ng buo ang kanyang pinipigilan na galit.
Hindi pa lahat, dahil kung lahat ay nailabas ni Harriet. Baka nasaktan na niya at napatulan si Angela sa harap ng kanyang mga kasama. Kahit kasama pa nito ang family attorney nito at bodyguard na kangina alam niyang nakasunod sa kanila.
“Kangina pa ako nagpipigil talaga, pasalamat ka at babae ka. Dahil kung hindi... Higit pa rito sa mga ginawa mo at binigay na sakit sakin ang gagawin ko sayo. Baka nga hindi ka na makauwi pa ng buhay. Bwisit ka, akala mo ba madadaan mo pa ako sa pakiusap mo ngayon. Kahit humingi ka pa ng despensya sa mga ginawa mo... Hinding-hindi kita mapapatawad. Sinasabi ko sayo. Dito ka matutulog.." sigaw ng galit. Agad niya inilabas ang posas na nakaipit sa tagliran at duon ay mabilis na hinawakan si Angela at ipinosas sa hawakan ng mahabang sofa ang isang kamay.
Nagsisisagaw si Angela. Subalit wala siyang magawa ng dahil sa walang makaririnig sa kanya dahil sa kasalukuyang na wala pang tao ng ganuong oras sa lugar. “Sumigaw ka hanggang gusto mo. Pero sinasabi ko na sayo. Walang makaririnig sayo rito. Kahit ano pang sigaw ang gawin mo. Walang makaririnig sayo rito." galit at malakas ang boses ni Harriet na kanyang pananakot sa babaeng nanakit sa kanya.
Nagpupuyos sa galit so Harriet subalit mabait pa nga siya ng dahil sa iyon lang ang kanyang ginawa rito. Dahil kung hindi ay nailublob na niya ito sa drum ng tubig malapit sa kubo.
Duon niya madalas gawin ang kanyang interrogation sa tuwing ayaw umamin ng kanyang nahuli. Duon niya pinahihirapan hanggang makuha ang detalye na nais makuha at oras na magmatigas isang katutak na pagpapahirap ang kanyang ginagawa sa mga kanyang bihag. Pero dahil sa naawa pa rin siya sa bihag niya ngayon. Ito lang ang kanyang gagawin maturuan lang ito ng leksyon.
“Pakawalan mo ako rito." sigaw ni Angela. “Pakawalan mo sabi ako." aniya na nagbanta pa ito. “Sinasabi ko sayo. Oras na makawala ako rito humanda ka sa akin. Makikita mo mas matindi pa rito ang gagawin ko sayo. Hayop ka, pakawalan mo ako." sigaw ng sigaw si Angela pero hindi siya pinakikinggan ni Harriet na may kausap sa cellphone.
“Yes, Attorney. Oo, kasama ko alaga niyo. Wag kayo mag-alala. Bukas ibabalik ko rin siya sa inyo. May mga pag-usapan lang kami at aayusin. Wag kayo mag-alala dahil hindi ko siya pababayaan." anito na naisagot sa mga nag-aalagang attorney at bodyguard ni Angela.
“Attorney, Kuya James tulungan niyo ako.." sigaw ni Angela subalit bago pa siya nakasigaw...
Nilingon siya ni Harriet at nakatawa na ito. “Hahaha, joke lang... Sabi ko na sayo. Walang tutulong sayo kahit pa magsisigaw ka man rito walang makaririnig sayo. Ubusin mo man lahat ng meron ka riyan.. Walang mangyari. Sinasabihan na kita. Ikaw ang siyang kawawa hahaha." Muli na tumawa ng malakas.
Asar na asar si Angela habang natutuwa na si Harriet ng dahil sa nakaganti rin siya sa wakas.
“Humanda ka talaga sa akin. Pagmakalabas na ako rito. Humanda ka sa akin. Bwisit ka. Humanda ka, makikita mo. Siraulo.." sigaw ni Angela ng nanlilisik ang mata sa galit habang tinawanan lang siya ni Harriet.
“Edi gawin mo. Ngayon na, dali. Gawin mo na.. Ang tagal naman. Ang bagal mo naiinip na ako." pang-aasar niya rito. “Ano di ka makawala ano? Hindi mo magawa? Hahaha, tanga.. Nakatali ka nga di ba? Papaano mo pa magagawa ang gusto mo? Baliw.. Baliw.. Miss Angela na baliw.." ani na sambit ni Harriet na paulit-ulit niya na kinanta-kanta pa ang lahat ng kanyang sinabi.
“Siraulo ka!"
“Hahaha, siraulo? Sino kaya sa atin ngayon ang nasisiraan ng ulo? Huh, Angela." anito tawa-tawa na inaasar si Angela ng ilapit pa ang mukha.