“HE’S REALLY SO HANDSOME, IZZY. He is obviously rich too dahil sikat na car racer pala iyan. Siguradong hindi iyan magkakaroon ng sports car na pang-race kung hindi iyan anak mayaman,” sabi ni Mira sa kaniya. Nasa mga mata ang panunukso nito habang nakatingin sa kaniya.
Hindi naman siya nakaimik. Ang nasa isip ay si Allejo na kasama niya kanina sa mall at hindi niya maintindihan ang sarili na noong una ay tila naaakit siyang yayain ang binata sa birthday na magaganap pero dahil sikat ang lalaki ay nahiya siya rito. Mabuti na lang at nahiya siya dahil huli na niya naisip na hindi naman pala normal na birthday party ang magaganap, na ibebenta siya.
Kanina noong nakasakay na siya sa taxi pauwi dahil tinanggihan niya ang lalaki na ihatid siya ay nangarap siya na sana ay muling magtagpo silang muli nito, kahit numero niya na hinihingi ni Allejo ay hindi niya ibinigay at idinahilan na empty batt siya at hindi niya saulado ang numero niya.
Habang nasa taxi kanina ay hinanap niya ang pangalan ni Allejo sa mga social media application na mayro'n siyang account, agad naman niya nakita ang account ng lalaki. She looked at some sites that caters videos at kahit doon ay maraming mga videos tungkol rito. He was indeed famous at nanliit siya dahil doon. Sino ba siya para muling hanapin nito. She has no value for someone like Allejo Serra.
“Don’t you think na pwede ka niya tulungan?” tanong ni Mira sa kaniya na naging dahilan para mapatitig siya rito.
“I just thought about inviting him to my birthday, Mira. But… but I changed my mind as I can’t let him see that I will be auctioned,” malungkot na sabi niya.
“You knew that you would be auction?” malungkot na tanong ni Mira sa kaniya na sinagot niya ng tango.
“I knew it, I heard Basti and Martha talking about me and how some business associates of them want to have me,” naiyak na siya sa kaisipan na isang linggo na lang at mapapahamak na siya.
Hindi naman ito nakaimik. Nababakas din sa mukha nito ang kawalan ng pag-asa sa sitwasyon nila.
“Do you remember what Basti and Martha did with the known beauty queen?” tanong niya kay Mira at nakita niya ang pagtango nito bilang tugon sa tanong niya. “They sold her to their underground bosses. She was reported missing eight months after her coronation but we know the truth at hindi lang natin magawang magsalita dahil sa totoo ay takot tayo,” pabuntong-hiningang dagdag na sabi niya.
Patuloy naman na walang imik lang si Mira na nakatingin lang sa kaniya. Ang mga malamlam na mata nito ay lalong lumamlam dahil sa kalungkutan na nadarama. They both know what Martha and Basti could do para lang sa pera. Nakakatakot ang mga ito lalo na at hindi nila alam kung sino ang mga boss ng mga ito na nasa underground. Ang alam lang nila ay masasamang tao sina Martha at Basti at may pumoprotekta sa mga ito. Kung sino man ang mga connections ng dalawa ay wala silang ideya pero isa lang ang sigurado nila, na mas nakakatakot ang mga pinagsisilbihan ng mga ito.
“I don’t know but I was hoping that the man you met, the man named Allejo Serra, could attend your birthday party and hoping that he will buy you, Izzy. That is the only thing that could give me peace of mind kung sakaling siya ang bibili sa iyo. I hope that he likes you too as I can see you like him, and he is very wealthy so he could buy you at the price that Ate Martha would say,” Mira said in her hopeful tone.
“Hoping that he could buy me…” malungkot na ulit niya sa tinuran ng kaibigan, “it’s so sad to think that I would for sale like some prostitutes.”
“That is why kanina ay hoping ako na tumakas ka na. I was planning too, that on your birthday I will help you escape but since you met a man… I am now hoping that he could help you by buying you at the auction. I’m sorry, Izzy. All that matters now for me is your safety from the she-devil sister of mine.”
Hindi siya umiimik at nakatingin lang kay Mira na parang gustong sabihin na pareho lang naman silang kailangan na tumakas dahil siguradong pareho lang naman sila ng kahahantungan. Mauuna nga lang siguro siya pero isusunod na rin ito nina Martha at Basti.
“I have no courage to invite him on my birthday, Mira…” nasabi niya na ang puso ay punung-puno ng pag-aalinlangan. She was in the middle of wanting to invite the man and wanting not see him again dahil alam niya na walang patutunguhan ang kung ano man na damdamin na mayroon siya na maaring umusbong para rito.
“Why not?” Mira desperately said.
“I don’t know. The truth is nahihiya ako dahil bagong kakilala ko lang siya at hindi ako sigurado kung gusto niya ba ako makita pang muli. He is very famous at imposibleng walang mga babae na umaaligid sa taong ‘yon. Isa pa ay ayoko isipin niya na isa akong binebentang babae at ang paghingi ko ng tulong niya ay nangangahulugan na inaalok ko ang sarili ko sa kaniya. I can’t do that, Mira…I… I don’t want him to have a bad impression of me.”
“I think you really like him.”
“I just met him today.”
“It doesn’t matter how long or how short you knew someone, Izzy. You might be attracted now because of his good looks and status but eventually if he continually sees you then you will fall for him for sure.”
Hindi siya nakaimik dahil alam niyang tama ang kaibigan niya. Kung ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng lungkot sa hindi pagpayag na maihatid nito o ibigay ang numero niya rito. How she wished everything could be easy for her.
“You should invite him, Izzy…” narinig niyang nagsalita muli si Mira.
“I don’t know what I want now,” naguguluhan na niyang sabi na nakatingin dito.
Mira sighed while looking at her then said… “Giving your virginity to a man na gusto mo ay mas okay na kaysa sa isa sa mga business associates nina Ate Martha at Basti. How I wished that Rex, your brother would appear one of these days. Praying for it to happen, Izzy. Siya na lang ang pag-asa natin pareho.”
“YOU NEED TO SEE THIS AS WE WILL INVADE THE PLACE AT MIDNIGHT ON THE NEXT DAY,” agad na sabi ni Rex sa kaniya pagpasok niya pa lang sa opisina nito. Kararating lang niya dahil sinundan niya ang taxi na sinakyan ni Izzy kanina. Ayaw nito magpahatid sa kaniya but he needs to be sure na makakauwi ito ng maayos kaya matiyaga niya sinundan ang kotse nito kanina.
Sa ilang linggo na nila dito sa Metro Manila ay nakagamayan na rin niya ang traffic at hindi man siya sanay sa mga kalsada noong una ay agad niya naman natutunan sa araw-araw na nagda-drive si Rex at sinasama siya.
Nagtataka man kung bakit tila sanay na sanay na ang boss niya sa mga kalsada sa Pilipinas ay natutuwa pa rin siya. Mukhang hindi lang ang pagsasalita ng wikang Filipino ang kabisado nito kung hindi pati na ang mga sulok ng Maynila.
Tiningnan naman niya ang pinapakita nitong picture na nasa phone nito. The one he was looking at is an abandoned building kung babasehan ang istruktura nito na niluma na ng panahon.
“What is there?” curious na tanong niya rito.
“I don’t know actually but there was a hint I received that some illegal transaction was happening there. I’m interested to know,” sabi ni Rex sa kaniya.
“Illegal transactions? That is also our way of living, Rex. Are you planning to work for the police in this country?” natatawa niyang tanong dito.
“Shut up, Allejo! Any illegal transactions that I could penetrate will be a problem of some mafia or syndicate group that is operating. Any problem that I would create for them would be a gain for Pellegrini's organization.”
Namamangha naman siyang napatingin kay Rex sa sinabi nito. Rex is not yet the king of their organization yet he is already making his ruthless way to be respected. Dahil sa mundo ng mafia na ginagalawan, kung sino ang dapat katakutan ay ang siyang dapat irespeto.
“I’M REALLY PISSED OFF WITH ISABEL AND THAT HALF-SISTER OF MINE!” inis na sigaw ni Martha kay Basti habang naglalakad pabalik-balik sa harap ng lalaking kasabwat sa lahat ng ilegal na gawain, panloloko, at kung anu-ano pang krimen.
“Martha, pabayaan mo na. Ang importante ay kasama pa rin natin sila,” kalmadong sabi ni Basti kay Martha.
Wala pa rin tigil si Martha sa paglalakad at natigil lamang ito nang dumating ang mga tauhan nila na hinihintay habang hila-hila ang mga babaeng nakapiring at nakatali palapit sa kanila. Ang mga babae ay ang mga kontrabando na ipapadala nila kay Johnson, ang boss nila.
Lumapit naman si Martha sa mga babae at isa-isang kinilatis ang mga ito. Nakangising tinitingnan nito ang bawat babae at nakaramdam siya ng pagtigas ng p*gk*lalaki nang makitang hinahaplos ni Martha ang katawan ng mga ito. Kinakapa ni Martha isa-isa ang dibdib at kaselanan ng mga babae. Iyon ang paraan nito para mapresyuhan ng angkop sa kalidad ng mga ito ang bawat babae. Gusto niyang siya ang gumawa ng pagkilatis pero hindi papayag si Martha kaya hinayaan na lang niya, ito na ang bahala.
“Naligo ba ang mga ito?” narinig niyang tanong ni Martha habang ang isang kamay ay nakapasok sa suot na shorts ng isang babae. Ang babae ay nakikita niyang naninigas sa takot habang pinapakialaman ni Martha ang p*gk*babae nito.
Tumango naman ang tinanong nito na si Ador. “Opo, madam. Mababango po ang mga iyan ngayon,” nakangising pagmamalaki nito.
Ang mga babae naman na nakapiring ay pare-parehong nanginginig sa takot sa ginagawa sa kanila ng partner niya. Ginaganahan siyang pinanood na lang ang mga pinaggagawa ni Martha.
“Baka naman pinakialaman niyo na ang mga ito?” nanlilisik ang mga mata na sabi ni Martha kay Ador.
“H-hindi po, madam!” natatakot na sabi nito.
Natawa naman siya sa reaksyon ni Ador dahil nakikita niya ang takot sa mukha nito dahil sa sinabi ni Martha. Alam niya kung bakit ito takot. Si Ador lang naman ang kaisa-isang itinira noon ni Martha na buhayin sa grupo ng mga kasama nito. Nagalit si Martha at pinambabaril ang mga kasama noon ni Ador dahil nalaman na ang mga babaeng ipinadukot nito ay ginahasa ng mga tauhan. Kitang-kita noon ni Ador kung paano magalit si Martha at iyon ang naging simula ng takot nito sa partner niya.
Nang kumbinsido na si Martha na walang ginawang kalokohan si Ador at ang mga bagong kasama nito sa mga babaeng inenegosyo ay ang mga kasama naman ni Ador ang kinilatis nito. Mga dati pa rin ang mga tauhan na kasama ni Ador maliban sa dalawang lalaki na nakayuko at mistulang bagito pa sa uri ng trabaho na pinasok.
“Mukhang tatanga-tanga ang dalawang iyan!” sabi ni Martha kay Ador habang may itinuturong dalawang lalaki. “Sino ang nag-recruit sa mga iyan?”
“Si Boy po, madam. Ang sabi po ni Boy ay hindi tatanggi ang mga iyan dahil mahigpit ang pangangailangan sa pera. Nakausap na rin po sila ni Boy at sinabihan na rin kung ano ang rules po ninyo ni sir Basti sa grupo,” nakangiting yabang nito.
“Ayoko na patanga-tanga ang mga kinukuha niyo. Gawin niyo na lang munang tagabantay ang mga iyan ng mga babaeng ito. Siguraduhin niyo rin na walang makakatakas ni isa dahil kapag may katangahan kayong ginawa ay sisiguraduhin ko na babaunin niyo sa impyerno ang katangahan na iyon!”
“O-opo, madam…” nanginginig pa ang boses na sabi nito pagkatapos ay nilingon ang mga kasama. “Hoy, mga g*go! Siguraduhin ninyo na hindi magagalit si madam at ako mismo yayari sa inyo!” banta ni Ador sa mga kasama.
“Tama na ‘yan, Martha! Kailangan natin ang mga tauhan natin kaya huwag mo na sila tinatakot pa. Mauubusan tayo ng tao sa ginagawa mo…” malumanay na sabi ni Basti kay Martha at paakbay na hinihimas ang braso nito.
Hindi na matiis ni Basti ang nararamdaman at kanina pa siya nag-iinit dahil sa mga magaganda at seksing mga babae sa harap niya. Kailangan na niya mapakawalan ang nag-uumapaw na pagnanasa at pagkatapos niya himasin ang braso ni Martha ay binulungan na niya ito na bumalik na sila sa kotse nito.
“Basti…” saway ni Martha sa kaniya.
“Just don’t mind them, Martha. Let us have some fun rather than stressing ourselves with those idiots,” pabulong niyang sabi sa tainga nito at kitang-kita niya ang pagbangon ng pagananasa rin sa mga mata nito.
Ngumisi siya. Iyon naman talaga ang gusto niya kay Martha, maliban sa suportado nito ang mga plano niya noon ay nagawa pa nitong makahanap ng mga mabibigat na koneksyon sa underground. Hanga talaga siya sa kakayahan nito. Noon ay tinuturuan niya lang ito sa kalakaran na kinamulatan niya pero ngayon ay kaya na siya nitong lagpasan.
He was a small smuggler before, mga produkto sa mga kalapit na bansa ang ini-smuggle niya nang makilala niya ang batang-bata pa na si Martha pero bihasa na sa panloloko sa daming lalaki na bigtime na kinakabitan nito. He was a smuggler and she was a thief, con-artist and scammer and they teamed up. Ang huling lalaking kinabitan nito bago tuluyan na umibig sa kaniya ay isang mayaman na pag-aari ang isang entertainment industry. Sinabi ni Martha na gusto nito maging beauty queen, pinagbigyan ito ng mayaman na lalaki at ginawa ang lahat para ito ang tanghalin na panalo sa prestihiyosong beauty pageant ng bansa.
Matalino naman at ismarte si Martha, maganda ang hubog ng katawan at napakaganda kaya walang mag-iisip na hindi nito deserve ang korona. Iyon ang simula hanggang sa ipakilala niya ito sa kaibigan niyang si Rex Alfonzo. Wala siya plano gawan ng kalokohan ang kaibigan niya pero hindi niya matanggap na matagumpay itong negosyante samantalang trabahador lang siya nito, kaklase niya ito noong college na noong malaman niya na may matatag na negosyo dahil sa real estate business nito. Lumapit siya rito para makiusap na magtrabaho rito. Hindi naman siya tinanggihan nito at lalong naging malapit sila dahil kay Martha. Inibig nito si Martha na ipinakilala niya rito na kinakapatid niya.
Pabuntong-hininga siya na itinigil na ang kaiisip sa nakaraan. Napangiti sa naisip na kalagayan ng kaibigan na si Rex, kung saan man ito ngayon ay sigurado siya na hindi na ito makapanggugulo.