NANG PUMASOK ANG NURSE para i-check ang lagay ni Izzy ay saka niya naisip na sundan sa labas si Mira. Nakita niya ang dalawang tauhan niya na nagbabantay sa labas ng pinto ni Izzy at binilinan ang mga ito na maiwan at hahanapin niya lang si Mira. Leandro and Alessandro followed him at nasalubong naman niya si Giovanni at sinabihan ito na bantayan si Izzy dahil aalis na siya. Tango lang ang isinagot nito at lumakad na para pumunta sa kwarto kung nasaan ang kapatid niya. Ang sabi ng nurse sa kaniya kanina ay bukas na ng madaling-araw magigising ang kapatid niya kaya okay lang kahit iwanan na muna niya ito. He kept on walking along the hallway pero hindi pa rin niya makita si Mira. Dumiretso na siya sa chapel ng ospital pero wala si Mira roon, hinanap niya rin ito sa cafeteria pero wala r

