NANG LUMAPIT KAY RONAN ang lalaking kumukuha sa serbisyo niya ay bahagya siyang natigilan nang makita ang mukha nito. The man looks familiar pero hindi siya sigurado kung saan niya ito nakita dati. Ang sabi ng kontak niya ay isa itong mafia boss at naghahanap ng malinis tumrabaho at siya ang nirekomenda ng mga kasamahan niya dati sa ahensya na natanungan ng kausap niya. Nagtataka siya rito dahil isa itong mafia boss pero kakaiba ito sa lahat ng nakilala niya na naghahari sa mafia world. Ito ang gustong makipagkita sa kaniya at pinapunta siya sa isang restaurant na hindi man kadalasan dinarayo ng mga ordinaryong tao ay nasa publiko pa rin na lugar. Muli niyang pasimpleng inobserbahan ang lalaking kaharap niya ngayon at wala siyang makitang kahit bahagyang takot mula rito. The man in fr

