AUSTRALIA Lorraine gasped upon seeing the pictures that Atty. Harris is showing to them. Ebidensya ang mga iyon na totoo ang sinasabi nito. Pero paanong… Tatlong taon na mula nang mawala si Mira na inakala nilang lahat na patay na, paanong nasa larawan ito na buntis at pati noong nasa ospital ito at manganganak ay may mga larawan din ito kasama si Basti. Tumigas ang anyo niya habang nakatigin sa lalaking kasabwat ng stepmother niya para mapahamak siya. “When did Mirabella died?” tanong ni Stefano na ikinatingin niya rito. “Three years ago,” sagot ng abogado. “Where is her child now?” tanong muli ni Stefano na natutral na natural, kung mag-aartista siguro ito ay hahakot ito ng award sa pagiging best actor sa galing nitong umarte. “Philippines,” sagot ni Atty. Harris. “Martha Alfo

