“WHAT ARE YOU THINKING, MIRA?” tanong ni Izzy sa kaniya nang nasa veranda sila at doon nagpapahangin. Izzy was reading a novel at siya ay nasa harap ng laptop at may tinitingnan siya. “I am just looking at some info from the net,” she said. “Yeah, pero parang mas nakatulala ka pa kaysa sa naghahanap,” komento ni Izzy sa kaniya. Natigilan siya. Mukhang napaghahalata na nito na lagi siya natutulala. Pilit niya itong nginitian. “I was just thinking kung gutom na ba si Art,” sabi na lang niya. Si Art ay nasa loob ng nursery kasama si Greta at tulog ito kanina nang iwan niya. “Magfo-four months na pala si Art…” nakangiting sabi ni Izzy sa kaniya. “Akalain ba natin iyon na ang aksidenteng pagkakilala ko kay Allejo ay sobrang malaking pagbabago mabigay sa atin.” “Actually eh naisip ko nga

