THREE YEARS AGO… ALAM NI MIRA HINDI NA NIYA kaya ang magpalutang-lutang pa. Mamaya ay sisikat na ang araw at swerte na buhay pa siya sa ilang oras niya na nasa dagat. Pagod na siya pero hindi niya pwedeng hayaan ang sarili na sumuko. Pagod, gutom at uhaw na siya. Habol-habol na ni Mira ang hininga niya. Kailangan niya makaligtas mula sa pagkalunod para kay Art pero hindi na niya kaya ang pagod at hirap sa paglangoy na magdamag na niyang ginagawa. Pagod na siya. Napapikit na lang siya at nanalangin na sana ay maging maayos ang kalagayan ni Art sa mga naiwanan niya at kung sakali ay sana matagpuan ni Rex ang anak nila kung mamamatay na rin lang siya. She felt guilty sa nangyari, sana ay hindi na niya itinakas ang anak. Sana ay hindi na lang niya sinubukan iwan si Rex. Unti-unti ay hind

