Chapter 4- (Touching Only)

2355 Words
“DON’T OVERDO IT LIKE I CAN’T TOUCH HER?” tanong niya kay Rex at nakita niya na nangunot ang noo nito. Mukhang nagsisimula na naman itong mainis sa mga sinasabi niya. Ang ginagawa niyang pang-aasar kay Rex ay dahil inoobserbahan niya ito sa tuwing si Isabel Alfonzo ang topic nila. Nakikita niya kasi ang kakaibang concern nito para sa babae, parang ang gusto nito ay protektahan sa kung ano man na kapahamakan si Isabel. Pagpoprotekta na katulad ng sa isang magulang sa anak, katulad ng isang nakatatandang kapatid sa bunso nito. “You can hold her hand, just her hand!” sabi ni Rex na parang naiinis na sabihin iyon sa kaniya. “What about touching her hair? Am I allowed to do that?” dagdag na tanong niya na lalong naging dahilan para maningkit ang mga mata nito at nakita niya na nilalaro na nito ang dagger knife na nasa mesa nito. Hindi naman siya kinabahan na gamitin sa kaniya ang kutsilyo. Rex could be hot-tempered pero hindi naman siya nito papatayin ng dahil lang sa pambubuska niya. “You have too many questions, Allejo…” pabuntong-hiningang sabi nito sa kaniya. “I was just allowing you to hold her hand and now you are asking for more,” inis na sabi nito. “I am just asking because flirting requires touching,” nakangisi na dagdag sabi niya rito. “Alright! You can touch her but don’t ever try to–” hindi naman nito maituloy sabihin ang gustong sabihin sa kaniya but of course he knew what he meant. “What do you mean? Not to try to f*ck her?” tanong niya para mang-asar lalo. Ibinaba ni Rex ang hawak na dagger knife nito pero dinampot naman ang caliber 45 na nakapatong din sa mesa at itinutok sa kaniya. He knew him kaya natawa lang siya lalo sa naging reaksyon nito. “I’m just asking, boss!” natatawa na niyang sabi. “Stop messing with me, Allejo! I will kill you once I learned you did your ways with your women to Isabel,” seryosong sabi nito sa kaniya at mukhang tama nga ang hinala niya na may malalim na sikreto itong tinatago tungkol sa kaugnayan nito kay Isabel. “I won’t f*ck her, boss! She’s all yours…” natatawang sabi niya na lang sabay paalam at lumabas na sa opisina nito para mawala na ang inis nito sa kaniya. I can hold and I can touch you, Isabel. I can make you c*m with my touches but sadly you are a forbidden fruit I cannot dare to taste. HE SIGHED TO CALM HIS SENSES DOWN. May tiwala naman siya na hindi basta-basta magkakagusto si Isabel kay Allejo. He knows his sister, mataray ito at hindi basta nagtitiwala sa kahit sino. Kahit gaano kagwapo si Allejo ay hindi naman siguro mahuhulog ang kapatid niya rito. Isabel may be young but she is a smart one. Muli niyang dinampot ang larawan ni Isabel at Mirabella na nakapatong sa mesa niya. Napatiim-bagang siya habang tinitingnan ang kapatid, kung hindi dahil sa kaniya ay hindi mapupunta ito sa pangangalaga ni Martha. Nang mabaling ang atensyon niya kay Mirabella ay lalong naningkit ang mga mata niya sa galit na nararamdaman para sa ate nitong si Martha. Hindi man niya gusto ang naiisip na gamitin ito para magantihan ang ate nito ay kailangan niya gawin para makapatas sa ginawa nito sa kaniya. Pasensyahan tayo, Mirabella! Wala ka man kasalanan pero kailangan kita gamitin para maramdaman ni Martha ang simula ng paghihiganti ko sa kaniya at kay Basti! Next day… “Mira, mabuti at pinayagan ka ni Demonyitang Martha na isama ako ngayon…” sabi ni Isabel sa kasama na mas kapatid ang turing niya kaysa kaibigan. Kanina sa bahay ay nakamukmok lang siya sa kuwarto niya habang iniisip kung paano tatakas sa birthday party niya nang bigla siyang yayain ni Mira na mag-shopping. Agad siyang pumayag dahil mas gusto pa niya sa labas kaysa sa loob ng bahay nila dahil may mga demonyo siyang kasama roon. Alam niya ang plano ni Martha na ibenta siya sa kung sinong business associate nito at hindi niya sinasabi ang plano niyang pagtakas kahit kay Mira, mag-isa lang siyang nakakaalam ng plano ay mas mabuti para siguradong magawa niya. Kailangan niya lang umarte na tila wala siyang alam sa lahat. “She told me to look for a gown that will make you look radiant on your birthday and I said we need to have a spa too so you will look fresh and not just radiant only,” nakangiting sabi ni Mira sa kaniya sabay kindat. “Your birthday is next week and I want to buy you some gifts too,” nakangiti pang dagdag nito. She smiled, kung wala lang talaga si Mira ay baka noon niya pa naramdaman ang pag-iisa. Mabuti na lang at kahit papaano ay may Mira siya na takbuhan kapag masama ang loob niya sa gawa ng ate nito. Mula nang mawala ang kuya niya pagkatapos ng aksidente ay ito na ang nakasama niya. Hindi niya ito gusto noon dahil kapatid ito ni Martha pero lahat ay nagbago nang makita niya na kahit ito ay pinagmamalupitan at pinagpaplanuhan din ng masama ng sarili nitong kapatid, na kung wala lang siguro addendum ang last will ng mother nito ay noon pa ito pinatay ni Martha para makuha ang mana na mayroon ito. Binalewala na muna niya isipin ang mga kinakaharap niyang problema at patuloy silang tumitingin sa mga establisyemento na nadadaanan at pumapasok sa mga sikat na stores para mamili ng mga damit at sapatos. Tambak-tambak na ang pinamili nila na courtesy lahat ni Mira dahil kahit malupit si Martha rito ay hindi nito mahigpitan sa finances ang kapatid dahil may sarili nga itong mana, may sarili itong pera mula sa pamana ng ina nitong mayaman na Australian at iyon ang dahilan kaya kinukupkop pa ito ni Martha. Sa oras na makahanap ng butas si Martha para makuha ang yaman ni Mira ay siguradong balewala na ito sa paningin ng ate nito. Habang tumitingin sila ng mga damit ay nagpaalam siya kay Mira na titingin lang ng mga sapatos, that was her weaknesses kapag nagsa-shopping. She was a shoe lover and collector. Nagpaalam siya sa kaibigan na may titingnan lang siya na high-heeled shoes sa favorite shoe store niya na nasa dulong parte ng mall at sinabi naman nito na susunod na lang ito sa kaniya dahil may tinitingnan pa itong gown na nagustuhan. Sinabi niya na hihintayin niya ito roon at mabilis na iniwan ang kaibigan. Tuwang-tuwa na pakiramdam niya ay malaya siya dahil nataon na wala silang kasamang driver-bodyguard ngayon. May transaksyon sigurado si Martha at dinala ang lahat ng tauhan kaya nang nagpaalam si Mira kanina ay wala na itong nagawa maliban sa bantaan ang kapatid na siguraduhin na walang gagawin na kalokohan dahil wala rin ito magagawa para tumakas dahil sigurado na mahahanap din sila. Iyon ang totoo, isipin pa lang nila ang pagtakas ay natatakot na sila sa oras na matagpuan sila ni Martha. Hindi sila natatakot na masaktan, natatakot sila sa banta nito na ipapagahasa sa mga tauhan nito kapag inubos nila ang pasensya nito. Banta na alam nila na kayang-kaya nito totohanin dahil ano ba ang negosyo nito at ni Basti kung hindi prostitusyon. Nakaramdam siya ng inis sa naisip na mga iba pang banta ni Martha sa kanila ni Mira. Mga banta na alam nila ni Mira na mas gugustuhin pa nila ang mamatay kaysa gawin sa kanila ang mga nakakatakot na bagay na sinasabi nito. Huminga siya ng malalim at binura ang takot na nararamdaman nang maisip ang mga banta ni Martha. Inaliw na lang niya ang sarili sa mga nakikitang bagong display na mga sapatos sa favorite shoe store niya. Hindi niya pwedeng hayaan na puro takot ang nasa isip niya kung hindi ay baka hindi niya magawa ang pagtakas na pinaplano niya sa birthday party niya na isang linggo na lang ay magaganap na. Kinuha niya ang isang pares ng yellow and black colored na strappy sandals at isinuot. She was happily looking at the strappy sandals fitting her feet perfectly. She really love it. Naisip niyang subukan ilakad ito at nakailang hakbang na siya at paikot na para bumalik sa upuan nang bigla magkabanggan sila ng isang matangkad na lalaki. Gulat si Isabel na muntik matumba pero naagapan naman siya nitong naalalayan. Inangat siya nito na parang baby bago ibinaba para sigurado na hindi na siya tuluyang matumba. “Careful,” sabi nito sa kaniya. Para naman siyang nabato-balani na nakatingin dito dahil pamilyar sa kaniya ang lalaki, parang nakita niya na ito. Hindi Pilipino ang lalaki, ang mga mata nito ay kakulay ng laot, he has an aqua blue eyes and the man doesn’t only have an attractive eyes but he was a very handsome man. She smiled stupidly, shyly. Nakatitig naman ang lalaki sa kaniya at naging dahilan para mailang siya. Iniisip niya kung okay pa ba ang itsura niya at baka oily na ang mukha niya o baka nagkalat ng ang eyeliner na gamit niya. Napalunok siya dahil hindi niya mahagilap ang boses. “T-thank you…” nahihiyang sabi niya at mabuti na lang ay marunong pa pala siya magsalita. Pilit na ngiti na naman ang ibinigay niya rito nang maisip na nakahawak pa rin pala ang isang kamay nito sa bewang niya. She doesn’t like any man touching her kahit mga kaibigan niya pa na lalaki but the hand of man holding her waist made her felt something unusual to her. “Si Allejo Serra ‘yan ‘di ba?” narinig niyang tanong ng isang babae sa kasama. Ang mga ito ay nakatingin sa lalaking nasa harap niya at nakangiting nakatitig sa kaniya. Naramdaman niya na inalis na nito ang kamay na nakahawak sa bewang niya. “Oo, siya nga! Pa-picture tayo,” kinikilig na sabi ng isang babae na kausap ng nauna. Allejo Serra? Saan ko ba narinig ang pangalan nito? Is he some celebrity? A model or a foreign actor? Why it seems he is familiar pero hindi ko maalala kung saan ko ba siya unang nakita. “Hi!” sabi ng naunang babae na nagsalita kanina na dahilan kaya napunta rito ang atensyon niya. Binabati nito ang lalaki na kaharap niya pa rin at tila nahihiyang nakangiti sa kaniya, mukhang hindi nito nagugustuhan na nakilala ito ng mga babaeng nataon na nasa shoe store rin kung saan naroon sila. Nakita niya na nakangiti ang babaeng bumati sa lalaki at nasa mga mata ang paghanga sa kaharap niya nang lumapit ito at sumunod na rin ang kasama nito. “Can we have a photo with you?” nakangiting tanong nito sa lalaki. Ngumiti naman ang lalaki sa mga ito at pumayag sa picture na hinihingi ng mga fans nito. Kinikilig ang dalawang babae na nag-picture kasama ito at hindi pa nakontento at nilapitan siya ng isa para utusan. Gusto niya magtaray pero wala siyang magawa dahil nakakahiya naman at may mga ilang kababaihan pa ang lumapit at nagpakuha ng picture. Nagmukha na tuloy siyang photographer ng lalaki at ng mga fans nito. Nahalata naman ng lalaki na naiinis na siya at nag-excuse sa mga babaeng pilit yumayakap dito at nilapitan siya. “Sorry for that… I never expected that they will notice me,” sabi nito sa kaniya. Parang tanga na tumango lamang siya. Hindi niya maintindihan ang sarili pero pakiramdam niya ay nagpi-feeling fan na rin siya nito. Nakita niyang lumingon ang lalaki at may sinenyasan na dalawang kasama. Pagkatapos nitong senyasan ang dalawa ay lumapit ang mga ito sa mga babaeng tagahanga nito at pinatigil ang mga babae. “Sorry, girls. I will have a press conference on the next day after tomorrow, I hope to see you all there,” paalam nito sa mga babae na tinatawag ang pangalan nito. “Who is she, Allejo?” tanong ng isang babae na siya ang tinutukoy. “She’s my girlfriend,” Allejo said pagkatapos siyang lingunin at bigyan ng isang makahulugan na ngiti. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi nito pero hindi na siya nakapagsalita at sumunod na lang dito nang hilahin nito ang kamay niya. Lumalakad na sila palayo sa mga tagahanga nito nang maisip niya na wala pa pala niya nabayaran ang suot na high heels at ang paborito niyang sneakers ay naiwan niya doon sa tabi ng upuan kung saan siya naupo kanina para isuot ang sandals na suot niya ngayon. “Wait!” sabi niya rito at pinigilan ito sa paghila sa kaniya, “I need to pay this first,” tukoy niya sa suot na high heels. Kumunot ang noo ng lalaki at natawa dahil sa sinabi niya. “No worries. My assistant will pay for that,” sabi nito at kinausap ang isang lalaki na sumusunod sa kanila sa wikang hindi niya maintindihan. “No, I need to get the sneakers I was wearing earlier…” nahihiyang sabi niya sa lalaki at hinila ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Hindi iyon pwedeng mawala, that sneakers was the last pair of shoes na bigay sa kaniya ng kuya niya. Kahit luma na iyon ay importante sa kaniya kaysa sa ibang sapatos na nabili niya. Hinihila niyang muli ang kamay para sana bitawan siya nito at nang mabalikan niya ang sneakers pero hindi pa rin siya binitiwan ng lalaking nagngangalan na Allejo at nauna ito na lumakad pabalik sa pwesto kung saan sila nagkabanggaan kanina. Ang mga babae na kanina ay lumalapit dito ay wala na dahil pinalabas na ng guard. Kinausap ni Allejo ang isang sales agent at may inabot na card dito. Obvious na binabayaran nito ang sapatos niya at pagkatapos ay luminga-linga sa paligid na may hinahanap. Nakita naman nito agad ang sadya at binitiwan saglit ang kamay niya at nilapitan ang sneakers niyang luma at dinampot iyon. Hindi niya alam pero nararamdaman na niya ang kilig habang nakatingin siya dito. The man is so handsome and he was obviously famous but he was trying to impress her. Her young heart swooned over the man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD