“ARE YOU THE REAL REX?” tanong ni Anna sa kaniya na dahilan para matigilan siya. Napatitig siya kay Anna, ayaw niya magsalita. Kung ano ang ibig nitong sabihin ay hindi niya lubos maisip, naiisip niya na maaring naghihinala na ito sa kaniya na hindi siya si Rex Pellegrini. Pero napakaimposible naman na pagdudahan siya nito dahil kung si Don Gabriel nga na ama ng katauhan niya ngayon ay hindi naghihinala, paanong mangyayari na maghihinala itong si Anna na naging kasintahan lang naman noon ni Rex Pellegrini. “What are you trying to imply with that question?” tanong niya rito. “You are no longer the Rex I loved before,” sabi nito pagkatapos ay pinatay ang sigarilyo na hawak nito sa ashtray matapos hithitin iyon at nagbuga ng usok. “You know what happen…” sabi naman niya. Hindi niya main

