NANG MATAPOS MAKIPAG-USAP si Rex ay niyaya na siya nito bumalik sa kwarto nila na nasa ika-walong palapag ng hotel. They were already in the elevator at nabibingi siya sa katahimikan dahil walang nagsasalita, Rex was serious at gano’n din sina Giovanni at Flavio. Nang naglalakad na sila sa hallway papunta sa VIP suite na ni-rent ni Rex para sa kanila ay narinig niya na may sinabi si Rex sa mga ito sa wikang Italian. Nakapasok na sila sa loob ng suite at naupo na siya sa couch nang makita niya na nag-uusap pa rin ang mga ito. She tried to understand dahil hindi pa rin siya makaintindi ng Italian kapag mabilis ang pagsasalita ng mga nag-uusap but she got curious when she heard na binanggit ni Rex ang pangalan ni Rex Alfonzo at ni Louise. Kung tama ang pagkakaintindi niya ay sinasabi nito

