MELK, AUSTRIA Nakatitig lang si Alyssa sa isang halaman na namumulaklak. Nasa isip niya ang nangyari noong isang araw. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit niya pa kailangan isipin ang sinabi sa kaniya ni Rex Pellegrini. She doesn’t need to worry about anything and anyone anymore. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya ito kailangan isipin maging ang sinabi nito. Hindi na rin naman ito nagpakita pa sa kaniya kaya hindi na niya ito dapat pang problemahin. Siguro naman ay hindi na rin nito ipipilit pa na siya ay ang babaeng si Mirabella na sabi nito ay mahal nito at ina ng anak nito. Napatitig siya sa kawalan, naisip ang sinabi ni Rex na kailangan nito mabawi ang anak. She sighed again, gusto niya mahabag dito pero wala siyang magagawa, hindi niya ito matutulungan sa bagay na iyon. Nap

