MATAPOS MAKAUSAP NI REX si Rowanne ay bumalik na siya agad sa villa para makasama si Mira at ang anak nila. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil lagi niya naiisip na ayaw niya malayo sa mga ito. Na natatakot siya na baka isang araw ay mawala na sa kaniya ang mga ito kapag bigla siya nagising na wala na siya sa katawan ni Rex Pellegrini. Mula nang malaman niya kay Anna na buhay ang dating katawan niya at may ideya na siya na nagkapalitan na talaga sila ni Rex Pellegrini ng katawan ay naging balisa na siya sa bawat gabi at nananalangin na kapag nagising siya ay sana makasama niya pa rin si Mira at ang anak nila. Inaamin niya na ayaw na niya bumalik sa dating katauhan, na mas gusto niya na ipagpatuloy ang buhay bilang si Rex Pellegrini. Kung noon ay kailangan niya lang ang katauhan ni

