Nang matapos silang mag-usap ni Isabel ay iniwan na siya nito sa kwarto niya at naisip niyang muling panoorin ang press conference ni Allejo na naganap kaninang hapon. She felt envious sa nangyayari ngayon sa kaibigan niya pero nangingibabaw ang tuwa niya.
Habang pinapanood niya ang video ay saka niya lang napansin na may time pala na ang tinatanong ay ang manager ni Allejo na si Rex Pellegrini. He was asked if hindi na ba sia muling magkakarera. She got curious with that. Ibig sabihin ay car racer din pala ang lalaki katulad ni Allejo.
Kinuha niya ang phone at agad na nag-search ng tungkol kay Rex Pellegrini. The man really made her feel some goosebumps sa tuwing tinitingnan siya nito kanina. Agad naman nakahanap siya ng mga information tungkol dito pero karamihan ng mga articles na iyon ay noon pa, matatagal na, mga six years ago ang pinaka-latest na article tungkol kay Rex ang nakikita niya. It seems the man wanted to have a private life kaya wala na gaanog articles tungkol dito.
She was scrolling down when she saw an article about the man’s accident at nang i-open niya ang site para mabasa ay nabasa niya sa mga update information na na-comatose pala ito ng halos apat na taon at nagising lang noong August 11, 2017. That was two years from now at bigla siyang napakunot-noo dahil sa petsang nabasa.
“August 11, 2017? How odd! It was my eighteenth birthday!” natatawa niyang sabi sa sarili at naiiling sa coincidence nang maalala na iyon din ang birthday niya noong hindi nakapag-video call sa kaniya ang ate niya.
She was so sad that time at eighteenth birthday niya iyon. Ang pangako ni Martha ay darating ito pero hindi nangyari. Nag-aalala siya noon para sa ate niya na alam niyang may asawa na sa Pilipinas. Iniisip niya na baka hindi ito pinayagan ng asawa na madalaw siya.
She wanted to call Martha pero pinigilan niya ang sarili dahil baka makaistorbo lang siya. For the last two years na lagi siya nito pinupuntahan ay iyon lang ang panahon na hindi ito nakapunta. Pakiramdam niya ay hindi na siya gusto nito at muli ay umiyak siyang isipin na mag-isa na naman siya sa mundo.
Nang sumunod na araw ay umiiyak na Martha ang tumawag sa kaniya through video call. Her ate was saying sorry dahil hindi siya napuntahan nito dahil may nangyaring aksidente sa asawa nito. Ang lungkot niya para sa sarili ay napalitan ng awa sa nakikitang anyo ng ate niyang walang tigil na umiiyak habnag kausap siya at sinasabi na sana ay makasama siya. That was the time she told her Ate Martha that she will be going to the Philippines at doon na maninirahan kasama nito. Kailangan niya damayan ang ate niya sa pagluluksa nito dahil noon siya ang nag-iisa ay dinamayan din siya nito.
She smirked with the thought at muling ibinalik ang mga mata sa pinapanood na presscon. The odd of her birthdate really made her smile bitterly, iyon ang birthday niya na nagpadalos-dalos siya sa nararamdaman at iyon ang petsa kung kailan naganap ang aksidente at pagkawala ni Rex Alfonzo. Nakakatawa na ngayon ay may dumagdag pa, na iyon din ang petsa kung kailan nagising mula sa comatose si Rex Pellegrini. The date was significantly odd and that made her smile more to taunt herself.
Two days before Isabel's birthday…
“Someone messaged me and I know you will be interested,” sabi sa kaniya ni Allejo nang pasukin siya nito sa opisina niya sa mansion na nakangisi.
“Get direct to the point for I am busy today,” sabi niya rito at muling hinarap si Don Gabriel na kasalukuyan niyang kausap through video call.
May pinag-uusapan silang importante ni Don Gabriel tungkol sa mga Agosti. May pinapasabi sa kaniya si Julianna na sa ama niya ipinapaabot. Ang mensahe ay kung gusto niya malaman ang mga operasyon nito sa Pilipinas ay dapat makipag-usap na muna siya tungkol sa kasal na inaalok nito. Iyon ang ikinaiinis niya at sinabayan naman ni Allejo na baka tungkol lang sa pakikipag-chat sa kapatid niya ang ipagyayabang nito sa kaniya.
“Does Martha Alfonzo’s name interest you?” tanong nito.
Muli niyang binalikan si Don Gabriel at sinabi rito na tatawag na lang siya ulit mamaya at may pag-uusapan lang sila ni Allejo. Agad na nawala si Don Gabriel sa screen, nauna na nitong pinindot ang end call button.
“Tell me more,” sabi niya kay Allejo na nakaupo na sa couch at nakapatong ang isang paa sa coffee table.
“Martha Alfonzo was the reason you wanted Mirabella and Isabel, right?” tanong ni Allejo na nakangisi sa kaniya.
“Why did she message you?” he asked without answering the query of Allejo.
“I think she was the sister-in-law of Izzy and half-sister of Mira. She’s hot, Rex! You might like her too,” sabi ni Allejo sa kaniya at halatang binalewala rin nito ang tanong niya, gumaganti.
He scoffed sa sinabi nito. Napailing. Kung alam lang nito ang nangyari sa buhay niya noong pinakasalan niya si Martha ay ewan na lang kung magagawa pa nitong diretsong biruin siya sa babae.
“What did Martha do to you and you are so eager to get Mira and Izzy?” seryosong tanong na ni Allejo sa kaniya. Hindi na niya nakikita ang kalokohan sa mga mata nito.
“I think she is the connection of Julianna Agosti in this country,” sahe niyang sagot.
Tumango naman si Allejo pero nakikita niya sa mga mata nito na hindi ito naniniwala na iyon lang ang dahilan niya. But Allejo knows him, na lahat ng mga plano niya ay may ibubunga para sa organisasyon ng mga Pellegrini.
“Martha Alfonzo… She’s really exquisite and I searched for her profile on the net. She was a beauty queen before and doing charity work when she met Rex Alfonzo, her missing husband. Isn’t it amazing that you have the same name as her husband?” natatawang sabi pa nito.
“I don’t like someone’s wife, Allejo. Not interested in her but I really like Mirabella Ocampo, her sister. I want her to be my woman,” diretsong sabi niya rito. That was not his plan at all pero kailangan niya maiba na ang usapan.
“What if I tell you that I am serious with Izzy?” tanong nito. Nananantiya. Nakatitig sa kaniya.
Hindi naman siya agad na umimik. Iniisip kung ano na naman ang nasa isip nito. “Maybe you are but we know you can’t,” kapagkuwan ay sabi niya.
“I wanna save her,” sabi pa nito at tumingin sa malayo.
“I wanna save her too and get Mirabella.”
“Why do you hate Martha to the point you want to hurt her sister?” tanong nito.
Napabuntong-hininga naman siya sa kakulitan ng kasama. “What does Martha messaged you, Allejo?” ulit niyang tanong.
“You were looking at Mira like how you used to look at some people you killed. She’s the best friend of Izzy, her only true friend, and I can’t think of any reason that is reasonable for letting you hurt the only friend of the woman I care about,” madamdamin na sabi ni Allejo sa kaniya.
Napatitig naman siya rito. Iniisip kung paanong tila nababago na ng presensiya ng kapatid niya ang katauhan nito. Allejo became more serious and he can see through his friend’s eyes that he is becoming sad. Sad because of Izzy? How absurd?
“Izzy is my mother’s niece so she is my cousin,” sabi niya na kay Allejo. Mas mabuti na unti-untiin na niya ito sa mga sikreto sa pagkatao niya at sinabi niya na ang bagay na iyon para maiba ang atensyon nito at tigilan na ang pangungulit sa kaniya tungkol kay Martha.
Nanlaki ang mga mata ni Allejo dahil sa narinig na sinabi ni Rex. Hindi niya sukat akalain na hindi lang pala basta gusto nito iligtas si Isabel mula kay Martha kung hindi ay dahil kadugo nito ang babae na kauna-unahan na nagpagulo sa isip niya.
“Do you wanna hear some story?” tanong ni Rex sa kaniya.
Hindi naman siya umimik at hinintay lang itong magsalita. Hindi niya akalain na ang isang tulad nito na kayang bayaran ang lahat ay may mga nakatago rin palang sikreto katulad niya.
Rex get a glass of wine at kinuha ang bote ng whiskey na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. Bihira niya lang makitang umiinom ito. Iyon ang isang ugali ni Rex na hinahangaan niya, never nito hinayaan ang sariling malasing samantalang bago ito na-comatose ay palagi ito nasa inuman kasama ang mga dating barkada nito.
“My mother, T–Miranda Alfonzo, is the only sibling of Izzy’s father,” simula ni Rex sa kwento. Hindi siya sumasabat dahil gusto niya na hindi magbago ang isip nito at baka maputol ang pagkukwento tungkol sa ina nito. “My mother worked in Italy before as a nurse and she was the one who took care of my paternal grandfather’s health in the hospital that is owned by the Pellegrini’s. My father fell in love with her and my mother felt the same. They got married without my mother knowing about the secrets of the Pellegrini’s clan.
“When I was an infant, my mother almost got killed by some of the henchmen of another mafia clan, she then learned about her husband’s family background more than what she knew. She thought that papa was just an heir of some rich business man when they met but never expected to learn that her husband is the next mafia king of the Pellegrinis. My mother wants a simple life but nothing is simple with the Pellegrinis.
“They talked and papa told my mother that if she wants to leave him then he would understand but she needs to leave me as well. Papa said that mama never wants to leave me and wants to take me with her so he decided to use his connection so my mother will be deported. Since then, papa contented himself asking the people he paid to look for mama. She was still in Cebu, according to the investigator I hired.
“Because of her, I learned about my cousins and their issues. I learned that Martha Alfonzo are in syndicate and they are into white s*****y, human trafficking and drugs. They are k********g women to sell with their contacts in black market and I learned about the plan to auction my s–cousin Izzy. I think that Martha’s syndicate is connected with Julianna’s business,” mahabang salaysay ni Rex sa kaniya.
“You knew that Izzy is about to be auction and you let me look so stupid when Mira told me that?” naiinis na tanong niya. Nang magkausap sila ni Mira ay wala siyang alam tungkol sa auction kaya noong oras ng press conference ay siya na ang nagplano para sa kaligtasan ni Izzy.
“Does it matter?” tanong ni Rex sa kaniya. “I planned to buy Izzy’s freedom anyway and to abduct Mira to get even to Martha’s bad deeds. Telling you more about what I learned from doesn’t help us with the plan,” balewalang sabi nito sa kaniya na parang sinasabi na hindi naman siya importante para kailangan malaman niya pa ang lahat.
Napailing na lang siya. Ano pa nga ba kasi ang ini-expect niya sa tulad ni Rex ay kilalang-kilala niya naman ang ugali nito. He was a cold-blooded yet hot-tempered mafia prince.
Totoo naman ang sinabi niya na pinsan niya si Izzy bilang siya na si Rex Pellegrini. Nang malaman niya kung sino ang ina ng bago niyang katauhan ay isa lang ang naisip niya na kahit ano ang mangyari ay napunta siya sa katawan ng kadugo niya, ang nag-iisang anak ng Tita Miranda niya.
Naalala niya na noong kabataan niya ay si Miranda na halos ang nagpalaki sa kaniya, palagi siya nitong hinihiram sa magulang niya lalo na noong naipanganak na si Izzy. Naalala niya pa na si Miranda ang nagbigay ng pangalan niyang Rex. Ngayon ay alam na niya ang dahilan, ang lungkot nito nang malayo sa nag-iisang anak ay sa kaniya naibuhos sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kaniya. Na kaya pala kahit marami ang nanligaw rito sabi ng daddy at mommy niya ay hindi nito nagawang mag-asawa dahil ang nag-iisang lalaki na minahal nito ay nasa Italia at ganoon na rin ang anak nito.
He really felt sad for his Tita Miranda when he learned the story from Don Gabriel. Ikinuwento sa kaniya ng kinikilalang ama ang lahat dahil sa pag-aakala na wala na siyang maalala dahil sa epekto ng pagka-comatose niya.
“Cousins…” pabuntong-hiningang sabi ni Allejo. “How I just wished that I knew it from the beginning and also the fact that the one I cared about is for an auction,” Allejo said in his sad tone.
“Stop being dramatic, Allejo.”
“Isabel’s older brother is named Rex too?” kunot-noong tanong ni Allejo na nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit tila parang nakaramdam siya ng pagkabalisa dahil sa sinabi nito. Siguro ay dahil hindi niya gusto maungkat ang tungkol sa dating siya.
“Yes, his name is Rex too.”
Nawala naman ang malungkot na aura ni Allejo at bumalik na ang malokong tingin at ngiti nito.
“And what is funny?” tanong niya.
“Just some weirdness of your family. It seems your family likes the name Rex so much,” pang-aasar na sabi nito at tuluyan ng natawa.
“Rex means king, Allejo…” inis na sabi niya rito.
“Yeah, I know of course. I just find it funny because your name is Rex and Izzy’s missing brother's name is Rex too. Isn’t it boring?” natatawa pa ring sabi nito.
Allejo was right, boring nga ang parehong pangalan nila, siya bilang si Rex Alfonzo at ang pinsan niya na katauhan na niya ngayon na si Rex Pellegrini, pero wala naman siya magagawa sa trip ni Miranda kung bakit ipinangalan sa kaniya ang katulad sa pangalan ng anak nito na ngayon ay siya na ang umaako.
“Stop making my name a laughing stock or I’ll smash your face now,” kunwa ay inis niyang sabi para matigil na ito sa pagtatawa.
“A’ight! Apology, boss…” sabi nito na natatawa pa rin.
“Can you tell me now what Martha Alfonzo messaged you?” tanong niya para mabalik na sila sa tunay na sinadya nito sa kaniya.