“REX!” nakangiting sabi ni Mira nang makita si Rex na nasa villa. Kararating lang nila mula sa pamamasyal. Nakangiti naman itong lumapit pasalubong sa kanila at kinuha sa kaniya si Art at hinalikan ang anak nila na ngumingiti rito. May itinanong ito kay Giovanni sa wikang Italian. Nag-usap muna ang mga ito habang karga nito si Art. Nakita niya si Izzy at Greta na tumungo na sa kuwarto na tinutuluyan nila. Hindi na muna siya umalis at naupo na lang sa couch habang hinihintay na ibalik ni Rex sa kaniya si Art, pero hindi nito ibinalik ang baby nila at patuloy lang na nakikipag-usap ito kay Giovanni hanggang sa napansin niya na nakatulog na si Art na karga nito. Nang matapos mag-usap ang dalawa ay lumabas muli si Giovanni at nagtataka man kung ano ang iniutos ni Rex dito ay hindi na si

