NAALIMPUNGATAN NA NAGMULAT ng mga mata si Mira at agad napapikit nang matamaan ng liwanag ng ilaw ang paningin niya. She wanna go back to sleep, masama ang pakiramdam niya dahil sa nararamdaman. Masama ang loob niya pero wala siyang magawa, wala siyang karapatan. Muli siyang nakatulog at muli siyang nagising nang maramdaman na parang may dumuduyan sa kaniya. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at nagulat nang makita ang mukha ni Rex na diretsong nakatingin sa kung saan. She moved at saka niya lang na-realized na buhat siya nito. “Hey…” she said in her voice na namamalat pa dahil sa bagong gising. “I could walk,” she added at nagpilit na ibaba siya nito. Hindi naman nagpatinag si Rex at dahil mas malakas ito sa kaniya ay wala na siyang nagawa nang magsalita ito, “stop moving kung gus

