“HOW OLD ARE YOU?” tanong sa kaniya ng asawa ni Ali na alam niya na mukhang wala pa ring tiwala sa kaniya. “Twenty-two,” sagot niya sa tanong. The man looked so handsome na kanina niya pa iniisip na parang may kamukha o kahawig talaga ito na nakita na niya. Iniisip niya na baka artista ito o celebrity kaya pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “You are so young,” nakangiti na sabi ni Ali sa kaniya. “Nasaan ang asawa mo? Ang ama ng baby mo?” tanong nito na nahihiya siyang sagutin pero alam naman niya na concern lang ito sa kalagayan niya at ni Art na nakatulog na habang nasa byahe sila. “I–I was a victim of false love,” ayaw niya man magsinungaling ay kailangan niya gawin kung gusto niya na hindi matagpuan ni Rex at ng mga tao nito. “Nakilala ko siya sa Pilipinas at isinama niya ako rito

