It's been 3 days since I've accepted Rex offer, tatlong araw rin kaming hindi nagkikita. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo dahil sa pagod na naramdaman ko dahil sa pangangampanya namin dito sa stage. Ngayon malalaman sino ang mananalo at ngayon din mag peperform sila Rex.
Naalala ko naman ang mga sinabi ko sa kanya tungkol sa paggugupit nito ng buhok. He probably won't do it then, finally!
"We will now know who win for being the president in campus but first we would like to give you an entertainment from the band of Zeus. Around of applause please" Rinig kong sabi ng MC.
Nagsigawan naman ang mga estudyante. They're probably glad to see the band. Who would not? I mean except me, they're waiting to see their crushes. Ewan ko ba at nag sama-sama ang mga lalaking sikat dito sa school. Cain, Xenon, Night and of course Rex.
Maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanila at may naririnig rin ako na pati lalaki ay nagkakandarapa rin sa kanila. I don't if they're all a bunch of gays but I guess they are pero sa narinig ko tanging si Xenon lang ang pumapatol pabalik sa kanila, Si Night naman he said he already had someone and I know who it is. Cain is very mysterious, someone confessed to him but he rejected that person without telling the reason and lastly Rex, a guy who keeps bothering me.
Kaagad ko naman isinuot ang earphones ko para di marinig ang nakakairita nitong boses.
"Omg! Is this for real?! "
" Omyghod! Pinutulan ni Rex buhok niya! "
"Mas bagay niya! "
"He's so hot! "
Inalis ko ang earphones ko at napatingin sa stage. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. He really did cut his hair and I admit he's more handsome with his new hair. Ang buhok nito na hanggang balikat ay wala na.
His hair is literally short but messy, medyo natatakpan nito ang mga mata niya at mas lalong napapansin ang bughaw nitong mga mata. Umiling ako at pinilit na balewalain ang pagbabago sa kanyang itsura isusuot ko sana ang earphones nang magsimulang magpatugtog ang kasamahan niya ng isang pamilyar na musika.
Tulala akong nakatingin sa kanila habang siya ay nakangiti at kinakawayan ang mga estudyante. Maraming nagsipagtilian lalo narin siguro na nagpaputol ito ng buhok. He never cut his hair before but now.
"Saan darating ang mga salita~"
Halos kilabutan ako sa boses nito. Ang lamig at sobrang lalim nito, dinaramdam ang bawat musika.
"Na nanggagaling saaming dalawa~"
I never heard his voice before kasi ang ginagawa ko ay imbes na panoorin sila ay umaalis ako at pupunta ng library para magbasa.
"Kung lumisan ka wag naman sana~"
I have to admit that he really does have a great voice. Napatingin naman ako sa kanya na ngayo'y nakapikit habang hawak ang microphone.
"Ika'y kumapit lang ng hindi makawala~"
Nakaramdam naman ako ng kakaiba saakin. Napahawak ako sa puso ko na tumitibok ng sobrang bilis. What's happening to me?
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo.
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo.
Mundo'y magiging ikaw.~"
My eyes widen when he looked at me. Our eyes met, nagpatuloy ito sa pagkanta habang hindi pinuputol ang tingin saakin. He's staring at me intensely like he can see through my soul. I slowly looked away at nararamdaman kong saakin parin ito tumitingin
.
.
.
.
Nang matapos na silang kumanta ay kaagad na nagsipalakpakan at sumigaw ang mga estudyante, nagulat ako ng mas lumalakas ang sigawan sa aking tabi nilingon ko naman sina Rex at laking gulat ko na nasa harapan kona itong nakangiti.
He leaned closer against my ear "It's just a hair. There's nothing more important than having you go out with me" He whispered.
Tiningnan naman niya ang mga campaign members saka nginitian bago tumingin ulit saakin at kinindatan saka iniwan akong tulala.