Hate and love
"Sky you're finally here, how's school" Tanong ni ate Trisha.
Nagpalit naman ako ng damit at isinuot ang apron. "As usual, boring" Walang gana kong sabi.
"Well, ikaw na muna ang magbantay dito. I'll just have to check on Carlo he must be hungry" Aniya saka iniwan ako.
Bumukas naman ang pinto at nakita si Lucas, naglakad ito papalapit saakin at isinuot ang apron.
"Hi" He greeted.
"Hey" I greeted back.
Napatingin naman ako sa singsing na nasa kamay niya. Love huh?. Medyo matagal na nag tatrabaho saamin si Lucas, good thing na nakapasa siya sa interview. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang mga costumer. Inalis ko ang earphone na nasa tainga ko at sinumulang kinuha ang kanilang order.
Things never change, lahat ng ginagawa ko ay ganun parin. Gigising sa umaga, kakain, school then work. I'm starting to lose interest on everything that keeps happening into my life. I wanna do something that I never done before but I know can't. Well, probably pag malaman ng mga magulang ko ay pagsasabihan naman nila ako.
.
.
.
.
.
Nang matapos kami sa trabaho ay kaagad na kaming umuwi ni Ate Trisha sa bahay at halos nanlumo kami kung sino ang naabutan namin dito.
"Sky, Trisha you're home" Nakangiting sabi ni Sam at kasama ang mga magulang namin.
How lucky.
Tumuloy kami habang hindi parin pinapansin sina mama at papa hanggang sa lumapit ako dito at nagmano sa kanila. Tiningnan naman nila ng masama si Ate Trisha at humigpit ang hawak nito sa braso ko.
"We're here to tell you that we'll be staying here but not in this apartment" Seryosong sabi ni mama.
Walang nagsalita at tahimik lang kami. Tumingin naman ako kay papa na blanko ang ekspresyon. Pumasok naman sa loob ng kwarto si Ate Trisha. Maya-maya ay lumabas ulit ito habang iba na ang suot.
"How about we eat something? Nagluto ako ng pagkain" Sabi ni Ate Sam.
Pumunta naman kami sa hapagkainan at napatingin sa adobong niluto ni Ate Sam. Nakita ko naman ang nandidiring mukha ni mama habang si papa ay blanko lamang.
"You call this a food? Sa bahay namin ay puro Italian, Korea or di kaya Japanese food ang kinakain namin doon. Bakit ganito lang ang kinakain niyo? Aren't you using my money that I'm sending you? " She said and crossed her arm over her chest.
Sam gritted her teeth but I held her hand, she looked at me and relaxed bago kumuha sa adobong niluto niya at sunod naman ako. Nakatingin lamang sina mama at papa saamin kumakain. I really hate what it's happening right now.
"Btw Sky, how's school" Tanong ni mama.
"Still the same" I murmured.
"What did you do? "
"We just introduced ourselves"
"That's it? "
Hindi ako nagsalita at tumango.
"Well, tell me kung malapit na ang election niyo. You need to run for being a president in your campus para naman maipagmalaki ko kayo sa mga kapatid ko at hindi puro kahihiyan lang ang binibigay niyo saakin, di kagaya ng Ate niyo" Aniya at tiningnan ng masama si Ate Trisha.
Kaagad namang umiwas ng tingin si Ate Trisha at nakita kong ikinuyom nito ang kanyang kamao. Now, you know why I don't want them here. Kung hindi ako ay ang mga kapatid kong babae ang sinasabihan niya ng masama lalo na si Ate Trisha. She had enough, I know it's her fault why she become like this but instead na tulungan ito ay mas binababa pa ang dignidad nito.
"And Sky. Why don't you change your appearance, hindi ka mag kakagirlfriend niyan kung ganyan ang itsura mo. Those glasses, why don't you throw it away and wear some contacts " Dagdag nito.
"I hate contact lenses, they're hurting my eyes" I murmured.
"Still you have to look at yourself. Lalaki ka pa naman dapat matuto kang pumorma" Aniya saka tumayo.
"Since, I'm just here to check on you ay aalis na kami. Probably, buying some real food. " Sabi nito at naglakad papuntang pinto at lumabas habang si papa ay sumunod sa kanya.
Sam groaned. "Ghod, sometimes I just asked myself if she's really our mother"
"Tell me about it" Ate Trisha said and rolled her eyes.
"Well, good thing they're not here. " I dead panned.
"She just insulted my adobo. Does it really look bad? " Nakanguso nitong sabi.
Umiling naman kami ni Ate Trisha at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa narinig naming umiyak si Carlo. Tatayo na sana si Ate Trisha pero nauna na ako at kaagad na pinuntahan si Carlo.
Pumasok ako sa kwarto at binuhat si Carlo habang umiiyak parin ng malakas, tinahan-tahan ko ito at pinainom ng gatas hanggang sa tumahimik ito at nakatulog ulit. Dahan-dahan ko itong inilagay sa kanyang higaan at napatingin sa bintana.
Bumuntong hininga ako saka lumabas na ng kwarto ni ate Trisha at pumunta sa kwarto ko. Isinuot ko ang earphones ko saka inilabas ang isang novel book at nagsimulang basahin ito.
I hope this won't get any worse.