THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nanginginig ang isang lalaking tutok ang telescope ng baril niya sa dapat na babarilin niya. Nagdadalawang isip siya kung gagawin ba talaga niya.
Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang lalaki habang nakikipag-usap ito sa kasamang babae na sigurado siyanc asawa nito. Bahagya siyang lumayo sa sniping gun niya at nagpabalik-balik ang lakad.
He should pull the trigger and finish the task but something's wrong. He can feel it. Impyerno ang patutunguhan niya kapag ginawa niya.
Iba ang kutob niya sa lalaki dahil kahit gano'n ang itsura niya na mukhang mabait na tao, may tinatago ito na kahit sino ay hindi inaasahan.
Tama, kailangan na niyang tapusin agad ito nang makaalis na. He's confident to his works dahil malinis ito magtrabaho pero iba pa rin kapag makapangyarihang tao ang kakalabanin mo.
Mahuhuli at mahuhuli siya. Hindi man ngayon pero sooner or later.
Bumalik siya sa pagkakadapa at binalik ang mata sa telescope ng baril niya para itutok sa ulo ng target. Kamatayan din naman ang patutunguhan niya kahit anong piliin niya sa dalawa.
Papatayin ang target o siya ang papatayin ng nag-utos. Dalawa ang pagpipilian pero isa lang ang patutunguhan—kamatayan.
Ayaw naman niyang mamatay agad kahit galit siya sa mundo. Napailing-iling na siya at bumuga ng malalim na hininga bago hinanda ang daliri sa gatilyo.
Tutok na tutok ang baril sa target at malapit na niyang hilahin ang gatilyo nang may naramdaman siyang braso sa balikat niya. Para siyang nabuhusan ng napakalamig na tubig na nagpaestatwa sa kanya.
Hindi siya makagalaw at nanatili sa posisyon niya. Lumuwag ang hawak sa gatilyo pero tutok pa rin ang baril sa target.
Hindi niya alam pero bakit wala siyang naramdamang presensya kanina? He was a well trained hitman but why didn't he feel any presence earlier.
Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi basta-basta ang taong nasa likod niya. Kapag wala kang naramdamang presensya ng tao at tunog ng paglalakad niya, you should stay away from that person immediately. He could be a killer or something not ordinary.
"Ang bobo naman nang nag-utos sa'yo," rinig niyang komento ng taong nasa likod niya ngayon at hawak pa rin siya sa balikat. Base sa boses nito ay isa itong lalaki. "Hindi ba bobo ka rin, B?"
"Gago, hindi naman kita katulad, wala na ngang alam, mahina pa," sabi ng taong tinawag niyang B.
Ngayon niya lang nalaman na hindi lang pala iisang tao ang nasa likod niya, dalawa sila at hindi siya sigurado kung meron pa silang kasama.
Tahimik siya at pinakiramdaman ang paligid. Sobra na siyang kinakabahan at natatakot sa susunod na mangyayari sa kanya.
Nahuli siya and that means death for him. Sabi na nga niya at hindi talaga magandang ideya ang tanggapin ang alok ng lalaking iyon.
"Sinong walang alam at mahina pa? Ikaw ba 'yon, pare?" Pasa sa kanya na tila malapit silang dalawa. Hindi siya nagsalita hanggang sa tinanggal ng lalaki ang kamay niyo sa balikat niya. "Well, I suggest you put that gun away now. Guns not a toy, pare."
Sa tingin ba niya bata siya at iyon ang sinabi niya. Unti-unti siyang lumayo sa sniping gun niya at tumayo mula sa pagkakadapa. Dahan-dahan ang bawat galaw niya dahil baka may baril ang dalawang taong nasa likuran niyang nakatutok sa kanya.
Dahan-dahan siyang humarap at nakita ang dalawang lalaki na kasing tangkaran lang niya. Ang isa sa kanila ay may suot na salamin at gulo-gulo pa ang buhok. Nakatingin ang dalawa sa kanya at ang tingin ng nakasalamin ang nag-iintimida sa kanya.
Ang isa naman ay may mapaglarong ngiti sa mukha niya na parang laro lang ito sa kanya. Walang emosyon niyang binalingan ang dalawa kahit kinakabahan na siya ng sobra sa loob-loob niya.
Walang kahit na anong maskarang suot ang dalawa, kahit na bunganga o mga mata lamang ang matatakpan. Parang nakapaconfident pa nilang ibalandra ang mga mukha nila.
Nakasuot ang dalawa ng Doctor's gown na halatang trabahador sila sa isang ospital. Doon niya lang napagtanto na maling-mali talagang banggain ang demonyong iyon.
Paano nila nalamang may plano silang ganito? Walang may alam nito kundi silang tatlo lamang kaya paanong nalaman nila?
Hindi talaga basta-basta ang lalaking iyon.
"Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras at bakit may laruang baril-baril ka?" tanong ng may mapaglarong ngiti na parang umaaktong inosente.
"Painosente ka, gago. Kung ikaw na lang kaya ang barilin niya? Magdidiwang ako panigurado," sabi ng may suot na salamin. Pinapanood niya lamang ang dalawang mag-usap na tila sila ang magkaaway.
Hindi siya nagsalita at tahimik lamang silang inoobserbahan. Sobra na ba siyang okupado kanina at hindi niya naramdaman ang presensya nila?
Gusto niyang gumalaw ng pasimple at barilin ang target para kahit mamatay man siya, napatay na niya ang dapat patayin niya. Gagalaw na sana siya nang agad bumaling sa kanya ang dalawa.
"Oh, aalis ka na agad? Ang aga pa. May alak kaming dala, makikiinom ka?" said the man with playful smile. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
The man chuckled while the other who was wearing eyeglasses shook his head. Hindi siya makapag-isip kung anong uunahin niyang gawin.
Tatakas ba siya o patutumbahin muna ang dalawa bago umalis? Hindi bale nang hindi niya nagawa ang dapat niyang gagawin, magtatago na lang siya.
"Wala ka ngang dala, e," kontra ng lalaking may salamin.
"Whatever," sabi ng isa bago dahan-dahan naglakad palapit sa kanya at nagulat siya nang walang sabing akbayan siya nito. Dahil magkatangkaran pang sila ay hindi siya nahirapang mag-adjust sa laki nito. "B, ikaw ng bahala sa laruan ng batang ito at ako na ang bahala sa kanya."
Hindi niya alam ang sasabihin sa tinawag sa kanya ng lalaki. Gusto niyang sumabog sa inis pero dalawa sila at iisa lang siya. Hindi rin sila basta-basta kaya talo siya.
"Hindi ko ako utusan, L." Tinignan niya ang ang lalaking tinawag niya ng L ng sobrang sama na nagkibit balikat lamang.
"Dahil utusan ka ni F."
Really? Nagtataka na siya kung bakit isang letra lamang ang tawagan nila. Is that there code name? Siguro nga. Hindi na bago ang pagkakaroon ng code para itago ang katauhan.
Padabog na sumunod ang lalaking may salamin sa utos nito. At ang lalaki namang may code name ng L ay hinila siya habang akbay-akbay pa rin.
"Saan niyo ako dadalhin?" sa wakas ay tanong niya nang hindi na niya makayanang hindi umimik. Baka dalhin siya sa basement nila o headquarters at totorturin siya roon.
Gusto niyang malaman para makapaghanda naman siya kahit papaano. Hindi siya takot mamatay pero hindi siya handang mawala sa mundong ito.
Gusto niya munang enjoyin ang buhay niya bago siya mamatay. Marami pa siyang kasalanang pagbabayaran.
"Diyan lang naman," sagot ng lalaki na parang wala lang. "Ano nga pa lang pangalan mo, bata?"
Kumunot ang noo niya sa inis pero hindi niya iyon pinahalata. One thing he knows about himself is he's good at pretending and hiding his emotions and expressions. Magaling siya sa bagay na iyon.
"I'm not a kid," giit niya sa malamig na boses.
"Masanay ka na sa gagong iyan, nagiging kaaway lahat ng tao dahil sa pang-aasar," singit ng lalaking nakasalamin na may buhat na black duffle bag, iyon 'yung pinaglagyan niya ng baril para walang makahalatang may gagawin siyang labag sa batas.
"You shut up, B, boss mo pa rin ako. Anyways, ano ngang pangalan mo?" tanong ng lalaki kahit alam na niya kung ano talagang pangalan niya. Gusto niya lang marinig mula sa bibig ng lalaki ang pangalan nito.
"Aris," tipid na sagot nito. Ang boses ay gano'n pa rin, nakakatakot ang paraan niya ng pagsasalita pero ang totoo ay nag-aalala rin siya sa mangyayari sa kanya.
Mukha man siyang walang pakialam, alam niya sa sariling takot din siya.
"Okay, Aris, we're going to the person you almost shot." Parang nagpantig ang mga tainga niya. What? Hindi pwedeng mangyari iyon.
"If you're going to kill me, just kill me," walang emosyong niyang ani. Nakangising umiling lamang ang lalaking nakaakbay sa kanya.
Nang mainis siya ay tinanggal niya ang braso nito sa balikat niya.
"Pagpasensyahan mo na, bakla kasi iyan," was the man with eyeglasses said.
"Tumahimik ka diyan, Beam!" and there he mentioned the man's real name.
Sumama ang tingin ni Beam sa kanya bago sininghalan ang lalaki. "Shut up, Marley Finnegan!"
"Beam Viray!" sigawan nila sa buong mga pangalan nila. Nagbangayan ang dalawa sa harap niya na ikinataas ng mga kilay.
Baliw ba ang dalawang ito at kung umasta ay parang walang attempted murder kanina? Kung titignan niya ay walang kaseryosohan sa dalawa.
Nang hindi na niya mapigilan ang sarili niya ay waiang sabi siyang naunang maglakad. Hindi na siya lumingon at hinayaan ang dalawa.
"Oy Aris! Hintayin mo kami!" Naramdaman niyang may braso ulit na pumulupot sa leeg niya. Naiinis na siya na tila gusto niyang ihagis ang lalaki sa kung saan.
GIFFLET'S POINT OF VIEW
Tulog na si Adrienne sa secret room dito sa opisina ko kung saan natutulog kadalasan si Ley. Since minsan ay wala siyang tulog dahil sa mga surgeries niya.
Nang masiguro kong hindi na magigising ng konting ingay lang si Adrienne saka ako lumabas ng opisina ko. I went where Ley's office.
We can't talk in my office. Nandoon si Adrienne at wala akong balak hayaan siyang marinig ang pag-uusapan namin. Sasabihin ko rin naman sa kanya pero hindi ngayon.
Siguro bukas na lang. Tahimik akong naglakad hanggang sa nasa harap na ako ng opisina ni Ley. Walang pasabi kong binuksan iyon at naabutan silang nagtatawanan habang naglalaro ng card.
Boses ni Ley ang pinakamalakas na naririnig ko. Bumaling lahat ng atensyon nila sa'kin at sa lalaking bagong mukha natuon ang atensyon ko.
Tumitig ako sa kanya at gano'n din siya. He's not wearing anything that covers his face.
Malamig ang tingin sa akin. Ngumisi ako nang makakita na naman ako ng katulad nina Ley at Beam. Hindi siya ordinaryong tao I can tell.
"So you're the hitman, huh," bulalas ko na hindi pa rin pinuputol ang tingin sa kanya.
Hitman. I can use him when the real war come.
'Come on, Gifflet. Just admit that he's the man you're looking for,' bulong ng isip ko.
Right. Siya 'yung lalaking hinahanap ko noon pa man. Hindi ko siya mahanap dahil magaling magtago.
"He's Aris," singit ni Ley.
"Hindi ikaw ang kinakausap, Ley. Know when to shut your mouth."
"Kung sampalin kita, Beam? Makakapagsalita ka pa kaya niyan?"
Hindi ko pinansin ang dalawa at naglakad palapit sa kinauupuan nila. I sat beside Beam at kaharap ni Aris.
Nanatili ang titigan naming dalawa na binabasa ang isa't isa. I know he can't read me like the two. Though I can't read him fully.
"You're Richard's puppet?" ngising tanong ko.
His forehead creased like he didn't like what I've said. Bakit? Medyo totoo naman. He was Richard and Shanaiah's puppet.
Bakit ko alam? Kilala ko na siya noong nasa totoong katawan pa lang ako. I've seen him many times at sa tuwing nakikita ko siya, may inutos ang dalawa sa kanya at hindi nga ako nagkamali.
Malinis siya magtrabaho pero isang trabaho lang niya ang hindi. Isang trabaho lang niya ang naipabalita. Alam ko dahil mautak na ako ngayon.
Ginagamit ko na utak ko ngayon hindi gaya noon na walang utak at mahina. I know better this time.
Aris Heckler
I've been looking for you since then. I know what you guys did.
Kahit kita ko ang disgusto sa mukha niya ay nagawa niya ring tumango. Tahimik ang dalawa at nag-oobserba lamang.
Tinitimbang kaming dalawa. I wanted to take him from the enemies side. Hindi siya ordinaryo na gaya ng dalawa. Kapah ito nakahanap ng katulad niya, nila, matatalo kami.
Ang alam ng lahat makapangyarihan ako and that was my advantage, pero ang totoo, tatlong tao lamang ang meron ako at kapag nakuha ko ang lalaking ito, pwede na kaming humarap sa gyera.
"Not really," he coldly answered.
"Uh-huh," I chuckled. Alam kong may hinahawakan si Richard at Shanaiah against him kaya hindi niya kayang umalis sa side nila.
Hindi lang dahil sa makapangkarihan din sina Richard at Shanaiah, may hinahawakan sila importante sa kanya.