"Saan ba kayo pupunta?" kuryusong tanong ng asawa ni Beam habang nag-aayos kami.
We're going to take Aris' daughter from that island where he hid his daughter. Doon niya tinago para maprotektahan niya ang anak kahit wala ang presensya niya.
Sabi kong kami na lang ni Beam ang kukuha ng bata pero mapilit si Ley at gustong sumama. Hindi na rin ako tumanggi dahil baka may panggagamitan ako kay Ley mamaya.
Bumuntong huminga ng malalim si Beam bago sumagot. "May kukunin lang kami, Hon. We'll her here okay? Para makita mo."
"Her?" taas ang kilay ng asawa niya. "Babae siya kung gano'n."
Si Ley ay hindi pa rin umaakis sa upuang kaharap lahat ng monitor na kunektado sa mga cctv. He's enjoying himself watching every angle tha cameras can catch. Kung umakto pa nga siya ay parang sa kanya ito.
This ass. Umiiling-iling na lang ako kay Ley na parang batang naaaliw sa mga nakikita.
"Yes. You'll meet her later, okay?" masuyong ani Beam. Tumango-tango ang asawa niyang naiintindihan naman.
Tangina. Ang tagal naman nito. Nagsisimula na akong mairita dahil kanina pa kami rito dahil sa kanilang dalawa. Si Ley na halos ayaw nang umalis dito at si Beam naman na hindi matapos-tapos ang pagpapaalam sa buntis na asawa.
Nananadya ba ang dalawang ito? Kahit gayon man, pinapanatili ko pa rin ang kalmadong impostura.
"Tara na para makauwi tayo agad. May naghihintay sa'kin sa bahay ko," I announced.
Nagtanguan sila. "Babalik kami mamaya agad, okay? I love you!"
"I love you more!"
Nilapitan ko si Ley at hinila ang kuwelyo niya. "Let's go, Dickhead."
"Gago. Ano ba! Kung kaladkarin mo ako parang anak mo ako, a!" angal pa ni Ley. Natatawa pa si Ara—Beam's wife, habang naglalakad kami palabas ni Ley. Nauna na kami kay Beam.
Binitawan ko rin si Ley nang makalabas na kami. Ang talas ng titig niya sa'kin na tila sinasaksak ako gamit ang kanyang mga mata. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Tinatanga ka na naman sa loob," salita ko. His sharp glares at me sharpened more. "Nasaan na si Beam? Ang tagal naman ng lalaking iyon."
"Aba ewan ko sa lalaking iyan, pabagal-bagal," inis na sambit ni Ley na parang doon binaling ang inis sa'kin.
Magsasalita na ulit sana si Beam nang may marinig kaming boses. "Pinag-uusapan niyo ako? Traydor kayong dalawa, a. You're talking about me behind my back."
I rolled my eyes at that. Ang drama amputa. Parehas sila ni Ley, tangina nila.
"Tara na bago pa tayo maunahan. We're doomed if possible," sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ko.
The gate automatically opened and I drove all the way as soon as the gate opened. Nauna ako sa dalawa at sundan na lang nila ako.
Kailangan din naming mag-ingat. They might caught us. Sigurado ako na ngayon ay pinaghahanap na nila ang kaisa-isang kahinaan ni Aris.
Dalawang oras ang biyahe at walang tigil kaming nagmaneho. We can't rest even for seconds. Sayang ang oras.
I stopped when we reached the island. Not exactly the island dahil kailangan pa naming sumakay ng bangka or anything para makarating doon.
Beam already readied everything. May Nasco Yacht siyang hinanda bago pa kami karating dito. Malaki naman iyon at kasya kaming tatlo at bata namam ang isasakay namin kaya kasyang-kasya kaming lahat.
Lumabas ako ng sasakyan at kita sa gilid ng mata kong gano'n din ang dalawa. Diretso lang ang tinging ko sa karagatan. Ang ganda ng view.
Humarap ako kay Beam. "Lead the way."
Tumango siya at naglakad kung saan. Ayaw sana ni Ley at marami pang reklamo pero sumunod din naman.
"Bakit siya? Para tuloy tayong alalay ng gagong 'yan. Alam ko naman ang daan, e. Ako na lang ang sundan niyo," reklamo niya. Susunod lang, e. Ang dami pang reklamo.
Kung tinulak ko kaya 'yan sa tubig para malunod. Walang may pakialam sa kanya. Kidding.
"Ang dami mong reklamo mo. Maiwan ka na lang kung gusto mo," bato ng salita ni Beam. They are starting again. Ako itong kawawa na laging nakikinig sa kanila sa tuwing nag-aaway sila.
Sampalin ko itong dalawa. Nagbabangayan ang dalawa habang naglalakad kami kung nasaan ang yacht. Nakarating kami sa kinaroroonan nu'n na nagtatalo pa rin ang dalawa.
Napailing-iling ako at mas nauna nang umakyat sa deck. Since si Ley ang mas may alam sa ganito, siya ang magmamaneho. Hindi naman gano'n kahirap pero wala akong ideya kung paano nga.
"Tumahimik ka nga Beam. Naiinis na ako sa pagmumukha mo."
"Sa tingin mo ako hindi?"
"What now? Maiiwan kayong dalawa? Mag-aaway na lang kayo riyan? Sinasayang niyo ang oras ko," inis kong singit. Kanina pa sila at talagang naiinis na talaga ako.
I wanted to choke them to death and just throw their disgusting body in the water. Bahala na silang mabulok diyan. Wala akong pakialam.
Ang bunganga ba naman ng dalawang ito. Kaya rin naiinis sa kanila si Aris, e. Tahimik iyong tao at ayaw ng maingay. Hindi lang iyon nagsasalita pero sa totoo, sobrang naiinis na iyon.
Nakakahiya ang dalaqang ito.
"Aba, kasalanan ito ng lalaking iyan!" sisi pa ni Ley kay Beam at tinuturo-turo pa.
"Anong ako? Ikaw nga itong reklamo nang reklamo," hindi nagpatalo si Beam. Ang tataas ng pride at ayaw talagang magpatalo.
Inis ko silang tinaliman ng mga tingin. "Maiwan na lang kayong dalawa riyan. Nagsasayang kayo ng oras. Hindi ko na lang kayo sana sinama, 'no."
Natahimik sila at hindi na sinubukan pang magsalita. They both looked at each other sharply. Iyon na lang ang nagawa nila sa takot nilang gilitan ko sila ng leeg.
"Ikaw na ang magmaneho, Ley," utos ko nang maakyat na silang dalawa.
"Malamang, bobo naman kayong dalawa," bulong pa nito na rinig naman namin. Hinayaan ko na lang iyon pero si Beam ay hindi nakayanan iyon kaya simpleng batok ang binigay niya kay Ley.
Ley showed his middle finger to Beam before entering inside the yacht to drive. Umiling-iling na lang ako sa dalawa.
Umupo ako sa wood lounge chair sa kabilang gilid. I let my body laid on it and feel the heat that the sun gives. Hindi gano'n kainit at hindi rin gano'n kalamig. Sakto lang naman at idagdag pa ang magandang tanawin.
"Anong plano pagkatapos makuha 'yung bata?" tanong ni Beam nang makaupo sa katabing lounge ng hinigahan ko ng bahagya.
I was about to answer when we heard Ley's voice. "Ako naman ang tatraydurin niyo? Mag-uusap ako ng wala ako?"
"Hindi namin kasalanang ikaw ang nagmamaneho. Bobo kami sa ganyan, hindi ba? Not our fault," kibit balikat na pambabaliktad ni Beam.
Well, it's kinda true. Bobo kami sa ganyan, right? Hindi na namin kasalanang nasa loob siya.
"May maliit na living room sa loob, we can talk there. Talagang tinatraydor niyo ako, 'no," sabi niya at umakto pang masama ang loob sa amin.
"Drama mo. Tinanong ko lang kung ano ng susunod kapag nakuha na natin ang bata," paliwanag ni Beam.
Tumango lang si Ley bago tumingin sa akin. "Oo nga naman, F. Ano ng sunod pagkatapos?"
"Like what we planned. Mananatili siya sa bahay mo, Beam hanggat hindi pa natatapos ang lahat."
"Ano 'yung inutos mo kay Aris?" tanong ulit ni Beam. Lahat talaga nang tinatanong ni Beam ay may sense.
He keeps asking if he couldn't read the situation and what will happen next anymore. Gano'n ang ginagawa niya saka niya pagtatagpiin lahat.
Si Ley naman ay ang tao lang ang babasahin at malalaman niya kung paano mag-isip ang isang tao at mahuhulaan niya kung ano ang susunod nitong gagawin. But not to me.
"Steal something for me. We could use that and if he betrays me, hawak natin ngayon ang anak niya," walang emosyon kong sagot sa kanila.
Confusion plastered on their faces. "I thought we're going to protect his daughter. Why use her against him?"
I looked at Ley. "We're not going to use her because I know, he won't betray me, us. Hindi niya iyon gagawin. I'm not really planning to use his daughter against him, kailangan lang natin ng panghahawakan laban sa kanya kapag traydurin man niya tayo."
Alam kong hindi naman talaga kami tatraydurin ni Aris. Hindi niya iyon gagawin dahil hindi naman niya sasabihin kung nasaan ang anak niya kapag gagawin niya.
Napatango-tango sila na parang nakuha nila ang sinabi ko. Wala na kaming imikan at naging malalalim na ang iniisip ng dalawa.
I'm just chilling but I'm thinking deep too. Naghalo-halo na. Hindi ko hinayaang lumalim pa ang iniisip ko dahil ayaw kong sumakit ang ulo ko.
Dahil sa maraming maiisip ay hindi ko na alam ang uunahin ko. Mas lalo na ang mga tanong na hindi ko alam ang sagot at walang nino man ang makakasagot.
Fuck this. But I never regretted what happened to me—that I switched with someone's body. Hindi ko na ulit makikita pa si Adrienne kapag nagkataon.
Hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa eksatong isla kung nasaan ang anak ni Aris. Natatanaw namin ang hindi kalakihang bahay pero malaki na para sa dalawang tao lamang.
Dalawa itong palapag at maganda ang disenyo. Hindi ko na kinilatis pa ang bahay at bumaba na lang ng yacht nang tumigil na ito.
Sumunod ang dalawa at bumaba na rin. Patingin-tingin kami sa paligid at nag-oobserba. This place is quiet and chill.
So he was hiding here for so long. Habang naglalakad kami palapit ng bahay ay may naririnig kaming sigaw mula sa loob.
Hindi pa kami nakakalapit ay dinig na namin ang maliit na boses ng isang batang babae.
"Daddy!" malakas na sigaw mula sa loob kasabay nang pagbukas ng pintuan.
Bumungad ang maliit na batang babae at bakas ang sobrang kasiyahan sa mukha pero kalaunan ay nawala rin nang makitang hindi ang Daddy niya ang dumating. Disappointment was all over her face.
She got a long cute hair and she's so small. Sa tansta ko ay baka nasa mga apat o limang taon na siya.
Bagsak ang balikat niyang sumimangot. Hinintay niya kaming makalapit sa kanya.
Si Ley ay pangisi-ngisi sa bata habang si Beam ay nakangiti. Hindi nagbago ang reaksyon ko. Malamig at walang emosyon sa mukha.
"What are you doing here? No one knows our house. Are you one of the Daddy's enemy?" mataray pero maliit ang boses niya. Bigla akong napangisi, she's fierce, huh.
Mataray din. She's still young but she knows how to be one.
"Chill, little girl, we're your Daddy's friend. He told us to take you from here and bring to the city. You want that?" si Ley. I forgot, he loves kids so much.
Lumuhod siya para mapantayan ang bata. Lumiwanag ang mukha ng bata at tila kumikinang pa ang mga mata.
"Really? You're taking me to the city?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Yes! We can take my things now po! Come on!" excited niyang aya na may paggalang. Kung kanina ay nagtataray pa pero ngayon ay halos purihin na niya si Ley.
Dali-daling tumakbo ang bata sa ikalawang palapag na ikinatawa lang ng dalawa.
"Chill, little girl. Don't rush," malumanay na ani Ley pero sinundan din ang anak ni Aris.
The kid was cute and adorable. I feel bad she was locked up here for years tapos mag-isa lang siya.
Si Ley ang unang nag-react nang sabihin ni Aris na mag-isa pang siya at walang nagbabantay ang anak niya. Since Ley loves kids, nainis siya kay Aris dahil kesyo daw ang bata ng anak tapos iniiwan mag-isa.
"He sure loves kids," bulong ni Beam pero may awa at sakit sa boses niya. We both know.
"Yeah," naisagot ko na lang. Kita namin kung gaano kamahal ni Ley ang mga bata, iisipin pa nga lang namin, nasasaktan na kami para sa kanya.
Beam can relate more than I do. Hindi ko pa naman nararanasan at kung iisipin ko pa lang ay sobrang sakit na iyon para sa'kin.
Hinayaan naming tulungan ni Ley ang anak ni Aris mag-ayos ng mga gamit niya. Nanonood na lang kami ni Beam sa pinapanood ng bata bago pa kami makarating.
I was amazed when the movie she's watching was John Wick, the last part of his movie. She's into action, huh. Does she even understand it?
...