"Pasok na po kayo, doc." Naiiling na lang ako sa pagbukas niya ng pintuan ng office ko raw. Ang dami niya pang sinabi bago kami nakarating dito. He even invaded my personal life. Who is he to do that? Hindi ko naman nakikitang malapit sila ng lalaking may-ari ng katawang ito pero masasabi ko talagang mapagbiro siyang tao. Magkatangkaran kaming dalawa at sa tantsa ko ay magkasing edad kami. Too bad, I don't know his name. Peke siyang nakangiti sa'kin habang hawak pa rin ang pintuang binuksan niya. The office was located at the top. Nasa gilid din at nakakatamad maglakad para pumunta rito. Kung ako lang siguro ang pumili ng office, 'yung nasa first floor ang pipiliin ko. He's the CEO but doesn't mean his the boss. Right, he pays the employees well but he should repay their respect for

