Chapter 18

1659 Words
Dalawang araw. Dalawang araw kong pinag-aralan ang magiging buhay ko. The people he knows and has connections with. Ang tungkol sa trabaho niya at anong klase siyang tao. Ang dami pa at kahit ang mga maliliit na detalye ay inalam ko. Kailangan pa rin 'yon. "Ganito ulit karami ang mga kailangan kong tignan?" Nakatingin ako sa mga papel na nakakumpol sa lamesa ko. Halos wala na akong pahinga kagagawa ng ganito sa dalawang araw habang pinag-aaralan ang mga kailangan kong alamin. 'Yung iba pa nga ay inuwi ko kaya late na akong natutulog. Hindi ko na rin maharap ang trabaho ko sa ospital bilang doctor. Grabe talaga. "Yes, doc. Kung tutuusin nga po kalahati pa lang 'yan." "Kalahati?" mahina at pigil ang reklamo kong usal kay Beam. "Yes, doc. Ako na ang nagreview sa mga applications ng mga aplikante kaya medyo nabawasan ang trabaho mo. Pati 'yung mga dapat sa patient care." Bumuga ako ng hininga saka tumango. Okay, I get it. "Thanks, Beam." Lumabas na siya ng opisina ko dahil may operasyon pa siya. I was actually happy for him. Bumalik nga siya kinaumagahan nu'n. "I want to operate alone. I could have any assistant but I want to be the main doctor for my patient," matapang nitong imporma. I smirked. Now, he has the guts. "Alright. Good luck, Doctor Beam." He finally realized everything I told him. Good for him. But he's still me secretary. Alam kong mapagkakatiwalaan siya at kapag umalis siya, mahihirapan akong maghanap ng kapalit niya. Hindi rin naman pwede si Marley dahil isa siya sa director ng ospital. Kung titignan ay parang hindi siya isang director. The way he acts and talk. He's friendly and he doesn't mind if other doctors disrespect him. Iyon ang nakita ko sa kanya. "Gifflet my friend!" Speaking of the devil. Naparolyo na lang ako ng mga mata. He's here again. "Huwag ngayon, Marley. Baka masipa kita palabas ng bintana nang mamatay ka na." "Grabe ka naman sa'kin. Huwag naman ganyan. Porket inggit papatay na. Sa bagay, mas gwapo nga naman ako sa'yo." "Anong pinagsasabi mo? May ginagawa ako kaya huwag mong subukang kulitin ako." "See this?" Tinaas ulit niya ang papel na hawak niya na may medyo kakapalan. "You have to finalize this s**t thing. Alam mo, iniisip ko kung bakit ka nagpapaalipin sa tatay mong demonyo." "What?" "'Di ba siya ang nag-utos sa'yong magpagawa ng ibang branch ng ospital? At talagang apilyedo pa niya ang ipapangalan mo. Whitlock Hospital." "Give that to me." Alam ko namang nagpapaalipin siya pero 'yung ospital pala na magagawa ay utos ng ama niya? What the f**k. "Huwag na. Aalis na lang ako since you don't want me here." "Give it to me then get out." "Tangina mo rin, 'no. Nagiging mabait ka lang kapag may kailangan ka sa'kin." "At kailan pa ako nagkaroon ng kailangan sa'yo? You volunteered to help me, you ass." Tinaliman niya ako ng tingin dahil alam niyang totoo ang sinabi ko. "Whatever. You are the worse friend I've ever had." "I'm not you friend." Masama ang tingin niyang nilapag ang papel sa table ko. "I'll come here later. As usual, makikikain ako. You can't stop me anyways. Just give that paper to Beam and you're done." Sinamaan ulit niya ako ng tingin bago tuluyang umalis ng opisina ko. Oh yeah. Ang kapal din ng mukha niyang nakikikain sa amin. Porket hinahayaan ni Adrienne. Kahit tinatamad ako ay ginawa ko ang trabaho ko. I did that for hours. "You look like you're depressed." Napasinghot ako sa sinabi ni Adrienne. "Ang daming papeles ang inasikaso ko." "Naniniwala ka diyan, Ads? Nakita ko kanina si Trinity." Sinamaan ko ng tingin si Ley na nauna pang kumain sa amin. Wala na talagang papantay sa kakapalan ng mukha niya. Nang tignan ko si Adrienne ay walang emosyon siyang nakatitig sa akin. Napalunok ako. Magsasalita na sana ako para sabihing hindi iyon totoo nang unahan ako ni Ley. "Nakita ko siya sa labas ng ospital. Since you blocked her here, hindi siya makakapasok. No worries, Ads. Good boy na si F ngayon." Napangiti si Adrienne kay Ley at nakita kong kumalma ang mukha. I was relieved. I don't want her to think that I was a cheater like her husband. "You blocked her?" I nodded. "Yeah." "That's why she's always here and desperate of F's attention. Grabi siya makapagwala. Halos araw-araw na." "Seriously?" Tumigil si Ley sa pagkain. "Hindi mo alam? Araw-araw ngang nandito 'yon." Oh, really? I almost forgot of that asshole's mistress. At araw-araw nandito? Tahimik lang si Ad na nakikinig sa amin. She's not talking but I know she's observing. "I don't even know her," bulong ko. Hindi ko nga siya nakita sa personal. Sa pictures lang na nasa cellphone ng may-ari ng katawang ito. Naumay ako sa mukha niya kaya dinelete ko na lang. Ad is way prettier than her. "Imposible. Pinatulan mo nga, e." Bigla siyang napatingin kay Ad nang marealize ang sinabi niya. He was panicking a little bit pero parang wala lang iyon kay Ad. Everyone knows about this body owner's mistress. Dahil bulgar niyang dinadala rito sa opisina niya. Kaya rin pala may private room. Hindi ko iyon ginagamit at si Ley ang gumagamit. Umuuwi naman ako kaya hindi ko rin magagamit. Ayos lang naman sa'kin kung gamitin ni Ley basta huwag lang siya magdala ng babae niya roon. Pumayag naman siya dahil alam niyang rumespeto. Kahit madaldal ang lalaking 'to ay may laman din ang utak tungkol sa mga ganoong bagay. Kaya bukod kay Beam, siya rin ang naging kalapit ko rito sa ospital. Tahimik ulit na kumain si Ley dahil baka may masabi ulit siya. Kung kami lang dalawa ay halos sabihin na niya kung paano magtalik ang may-ari ng katawang ito at ng kabit niya. Alam ko namang nirerespeto niya si Ad kaya hindi niya sinasabi ang mga iyon sa harap niya. "Kain ka ulit dito bukas, Ley. Magluluto ako ng marami," alos ulit ni Ad. Magrereklamo na sana ako pero inunahan ako ni Ley. "Oo ba! Basta ikaw, Ads!" masaya naman nitong tanggap. "Ba't mo 'yon inalok ulit? Napakadaldal nu'n." Siya lang ang halos nagsasalita sa amin. "Bakit? He's a good friend. He's so friendly and funny." Yeah. Kaya laging sila ang nagtatawanan at ako ang inaasar nilang dalawa. I rolled my eyes. "Whatever. Let's go. Ihahatid kita sa trabaho mo." "Marami ka pang gagawin." "Pwede namang maghintay 'yang mga papel. Matatapos ko rin 'yan mamaya. Tara na." I grabbed her by her waist and started walking. "You're wearing dress." "Yeah. I felt like wearing it. Ayos lang naman, 'di ba? This isn't the revealing type of dress." Hanggang baba nga ng tuhod niya at hindi masyadong hapit sa katawan niya. "Yeah. It suits you." "Really? But you said before I was like a trash wearing this." "I never said that. I like this dress more than the others in our closet." "I'll buy dresses like this next time!" malawak ang ngiti niyang sabi. I can see her excitement saying that. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Samahan pa kita." "Ano ba! Ilang beses ko bang sasabihing girlfriend ako ng CEO ng ospital na 'to!" Natigil kami sa paglalakad at napatingin sa sigaw na iyon. Malapit lang kami kung nasaan iyon kaya namukhaan ko kaagad ang babae. "Pasensya na, ma'am pero iyon po ang utos ni Sir," saad ng isang guard sa kanya. Tatlo ang pumipigil sa kanya at walang-wala siya kumpara sa tatlo. Humigpit ang braso ko sa baywang ni Adrienne. Napapatingin na rin ang mga nurse at doctor sa banda namin. "Don't mind her," I said to Ad. "Gifflet!" sigaw ng babae. Malamig akong tumingin sa kanya. I can see the hope in her eyes when she saw me. "Mauna ka na sa sasakyan. Aasikasuhin ko lang ito, okay?" May pagdadalawang isip na tumango si Ad. Binitawan ko ang baywang niya at sinabing sa likod ng ospital dumaan. Mas malapit din iyon sa parking lot. Hinintay ko munang makalabas si Ad bago nilapitan ang babae. "Pasensya na, Sir. Paaalisin na lang namin," magalang na sabi ng isang pumipigil sa kanya. "Ayos lang. Let me handle it." I looked at Trinity with no emotions. "Follow me." Lumabas ako ng ospital at nagtungo sa isang gilid na wala masyadong taong dumadaan. I waited for that b***h. "What are you doing her, Trinity?" malamig kong tanong na hindi sa kanya nakatingin. Tumawa siya ng sarkastiko. "Really, Gifflet? What do you mean what I'm doing here? Girlfriend mo ako, Gifflet! And you really blocked me here!" Sobrang lakas ang sigaw niya na halos magliparan ang mga ibon. I sighed. "Look, I broke up with you already. Haven't you received my message?" "Broke up? I'm here to ask why you want a break up! Alam mo bang araw-araw akong pumupunta at naghihintay sa'yo para lang tanungin ka?" "Not my fault. It's your choice to come here." Napamaang siya at hindi makapaniwala. "Kailan ka pa natutong kausapin ako ng ganyan? How about your plan? Tumatagilid ka na ba sa plano natin? Wow, Gifflet! The way you touch that b***h earlier." I was irritated so I turned my back on her. This conversation will take us to nowhere. Walang silbi. "Don't you ever turned your back on me! Kailan mo pa natutunan ang mga 'yan?" Humarap ako sa kanya. "Don't ever come near me and my wife again. Stop coming here and forget that we had an affair before." Walang pagdadalawang isip ko siyang tinalikuran at pumasok ulit sa ospital. Humabol pa siya sa'kin at paulit-ulit niyang sinigaw ang pangalan ko. I let the three guards handle her again. Sa likod ako dumaan ng ospital palabas dahil baka sundan ako ng babaeng iyon. Nang makita ko ang sasakyan ay dumiretso ako doon at pumasok sa driver's seat. Nang tumigin ako kay Adrienne ay parang ang lalim ng iniisip at hindi man lang ako tinignan. I tookw her hand that made her look at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD