"You're okay here? Gusto mo bang samahan kita sa loob?" maiging tanong ko. Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan. Medyo malapit lang ako sa kanya.
"You don't have to. I can do it alone. You don't have to worry you know. I'm not a kid."
"Are you sure? You look like a kid to me." Halos patayin niya ako sa tingin niya. She was looking at me sharply.
I chuckled. She looks like a witch. Ang gulo-gulo na naman ng buhok niya. Tinali niya 'yan kanina, a. Ba't gano'n kagulo?
I walked towards her and removed her ponytail. Ang lapit ng katawan ko sa kanya pero hindi ko pinansin. Inayos ko ang buhok niya at ako na ang nagtali. Napayakap pa ako sa kanya dahil sa posisyon namin. Magkaharap kaming dalawa at nakapalibot ang mga braso ko sa kanya. Ang liit niya.
"There, it's done." I petted her head that made her pout. Pigil ang tawa ko sa kanya. Para siyang bata. "You keep pouting. Do you want a kiss?"
Mas humaba pa ang nguso niya. "Yes, please."
Ngayon parang ako naman ang ngumuso. I'm just kidding. Hindi ko naman alam humalik. How would I know? I'm virgin after all. Lahat ng bahagi ng katawan ko.
Tumitig ako sa kanya na nakapikit at nakanguso ang mga labi. Pinigilan kong humalakhak pero may kumawalang tawa sa bibig ko na ikinamulat niya. Inis niya ako tinignan at tinalikuran.
"Saan ka pupunta?" Pigil pa rin ang tawa ko. She's just too cute. The way she pout her lips.
Hindi niya ako pinansin at akmang maglalakad na palayo pero hinila ko siya paharap sa akin. Bakas pa rin ang inis sa mukha niya.
"Sorry, sorry. Ang cute mo lang kasi," tawa ko. Matalim ang tingin niya sa'kin at hindi nagsalita. Pinigilan ko ang tawa ko at kinalma ang sarili.
Hinawakan ko siya sa leeg at inangat ang ulo niya paharap sa'kin. Nasa magkabilang gilid ng leeg niya ang palad ko. Sakop na sakop ng dalawa kong palad ang buong leeg niya.
Diretso ang tingin ko sa mga mata niya at gano'n din siya. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya at napatitig ako roon. Napalunok ako sa katititig doon. Hirap akong mag-angat ng tingin sa mga mata niya. Nakatitig din siya sa'kin at naghihintay sa susunod kong gagawin.
Bumalik ang mga mata ko sa mga labi niya. Napadaing ako bago sakupin ang mga iyon. It was like her lips was inviting me. I felt her froze pero hindi ako umatras sa paghalik sa kanya. Wala na akong pakialam kung may nakakakita ba sa aming dalawa.
Mababaw lang ang halik ko sa kanya. Nakapikit ang mga mata ko habang nagsisimula nang igalaw ang mga labi ko sa kanya. I don't know how to kiss at ginagawa ko lang ang gustong gawin ng mga labi ko sa kanya.
Nakagat ko ang pang-ibaba labi niya ng marahan. Napasinghap siya doon pero hindi ako tumigil. Nilipat ko ang isang kamay ko sa baywang niya para mas mapalapit pa siya sa akin.
Hindi ko namalayan na sinisipsip ko na pala ang pang-ibabang labi niya. It's just feels good. Parang ayaw ko nang lumayo sa kanya. I keep sucking her lip. Ayaw ko mang tumigil pero tinulak niya ako ng marahan para makahinga ng bahagya.
Napalayo rin ako sa kanya. Sa labi niya ako diretso tumitig. It's already swallon. I never kissed someone before. Even when Shaniah and I were together. I'm not the sweet kind person and I prefer doing that stuffs till marriage. That's how conservative I am.
Akmang hahalikan ko ulit siya pero hinawakan niya ako sa dibdib para pigilan. Napadaing ako sa prustasyon.
"Gusto ko pa." I groaned. I tried to pull her head but she stopped me. My arm was still wrapped around her does my other arm on her nape.
"Maraming taong nakakakita, F," mahina niyang saway habang pasimpleng pinapalibot ang tingin sa paligid.
Napabuntong na lang ako ng hininga bago binitawan siya sa huli. Gusto ko pa pero tama siya. Marami pa rin namang araw para gawin ko 'yon sa kanya. Thinking of that makes me smirk in my mind. Tama, I can still do that to her more. You know, we're married after all. Who cares about her husband. Ako na ang asawa niya ngayon.
Inayos ko muna ang damit niyang nagulo. "Okay. Take care. Call me if you're going home. Alright?"
Tumango lang siya bilang sagot. "Understood."
"Sige na. Pumasok ka na."
Tumango ulit siya at tumalikod na sa akin. Pinanonood ko siyang makapasok sa loob ng building hawak ang application niya. Hindi ko napansin na hawak pala niya iyon kanina.
Nang makapasok na siya saka ko lang tinawagan ang doctor na laging tumatawag sa'kin. Narinig ko kaninang secretary ko rin daw siya.
Isang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. "Thank goodness you contacted me, Dr. Whitlock. Ang dami pong papers na kailangan mong icheck. You have to set the standards for operations. About the implementing clinical policies and procedures. And about the referance of physicians and the medias, Mr. Whitlock. And your operation should be started in 20 minutes ago."
Hindi ako makapagsalita sa rami nang sinabi niya. Natuptop ang bibig ko.
"The directors didn't know what do, Mr. Whitlock without your thoughts. Hindi po nila alam ang gagawin ng wala ka pong sinasabi. Since they are doing your supposedly works... I'm sorry, Doc."
Bigla niyang bawi sa sinabi niya. I sighed. Ang dami namang naghihintay sa'kin. Anong alam ko sa mga 'yan? I'm only a passed surgeon. I'm not even yet graduated. Tapos gano'n na magiging trabaho ko?
"Fetch me, please." Natahimik ang kabilang linya. Para bang may nahulog.
"C-Come again, Sir," he said stuttering.
"I said fetch me, please." I told him the place before ending the call. 'Yon lang naman ang gusto kong sabihin at wala na. Baka may sabihin na naman siya.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa may sasakyang huminto sa harap ko. May lalaking lumabas mula doon at nakita ang lalaking nakasuot ng doctor's gown. Gusot-gusot ang damit at nakataas ang salamin. Ang gulo rin ng buhok niya. Sa tantsa ko ay mga nasa mid thirties na siya.
"Sir, pasok na po kayo," humahagos niyang sabi at nakangiti ng pilit. I was confused. What's up with him? Para siyang kinakabahan na ewan. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat.
I assumed he's Dr. Viray. Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan. Mabilis siyang umikot at pumasok ng sasakyan.
"About earlier, Sir. I'm asking for sorry about it," kinakabahan niyang salita. Sinimulan na rin niya ang pagmamaneho.
"Anong sinasabi mo?" Tumingin siya sa'kin ng saglit na mag pagtataka. "Never mind. Tell me about the works I left."
"I said it earlier, Sir. Marami pong kailangan mong aprobahan bago po kumilos ang mga directors. Marami na rin po ang nagrereklamo at gustong tanggalin ka sa posisyon. They said you don't deserve the position. Total sa iba mo rin daw pinapagawa ang mga trabahong ikaw daw ang dapat gumagawa."
"What? I'm the CEO of the hospital. Gagawin ko ang gusto ko." Kahit hindi ko alam ang pinagsasabi ko.
"And they want to remove you from the position, Sir. Ang mga Whitlock lang daw naman ang dahilan kung bakit ikaw ang nasa posisyon. By the way po, galit na galit po ang ama mo sa nangyari. You weren't there yesterday and you're late today. Gusto ka raw pong makausap."
Ano ba 'tong pinasukan ko. Ba't ang gulo. Wala man lang akong naintindihan sa sinabi niya.
"Gano'n na ang sitwasyon dahil absent ako kahapon at late ako ngayon?"
Seryoso? Isang araw lang akong wala tapos gano'n na agad 'yung nangyayari sa ospital? Parang gusto ko ulit umalis sa posisyong iyon. Ang laking responsibilidad ang meron ang may-ari ng katawang ito. Pero anong pakialam kong pakialaman ang trabaho niya?
Wala akong pakialam. Akin na itong katawang ito. Ako na ang may karapatan sa lahat.
Binalingan niya ako ng tipid na tingin bago tumingin ulit sa daan. "Yes, Sir. And Trinity was making scandal in the hospital, Sir. Sinabi kong puntahan ka na lang sa bahay niyo pero naalala kong may asawa pala kayo..."
Humina ang boses niya sa huling sinabi niya. Who? "Trinity who? Sabihin niyong hindi ko kilala."
"P-Pero, Sir. Hindi ba siya 'yung..."
"I don't care who she is. Tell her I don't know anyone named what again?"
"Trinity, Doc."
"Oh, yes. Trinity."
"Sobra po 'yung galit niya noong hindi ka na po makontak, Sir. Sigurado ka po ba? You always let her come to your office and do that thing, Sir." Napatitig ako sa kanya. Naalala ko na. She's the mistress, right?
And what? They are doing it in his office? Ano pa bang kababuyan ang ginagawa ng lalaking 'yon?
"Sabihin niyong hindi na siya pwede sa office ko and can you block her to the hospital?"
Nagdadalawang isip man at nagtataka ay tumango siya ng mabagal. "Good."
Ayaw kong bastusin si Adrienne gaya nang ginagawa ng lalaking iyon. Kung ginagawa niya, pwes ako hindi. Siya pa rin 'yung asawa. At ang kapal ng mukha niyang ipaglandakang may kabit siya? Wala na ba siyang kahihiyan? Kahit konting respeto sa asawa niya?
Hindi ko napansin na nasa ospital na pala kami. Nang lumabas siya ng sasakyan ay lumabas na rin ako. Napatingin ako sa harap ng ospital. Sobrang laki ang ospital at kita kong pribado ito. Naglibot ako ng tingin at inalala kung alam ko ba ang lugar na ito. It was familiar but I couldn't remember what hospital is this.
"Sir, pasok na po tayo. Kanina pa po naghihintay ang ooperahan mo." Ilang siyang ngumiti at parang ayaw sabihing nagmamadali siya.
Tumango na lang ako. "Lead the way."