Chapter 27 Allison’s POV Ang sarap sa pakiramdam na makasamang muli ang pamilya ko. Kahit na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawan noon, hindi na ito malaking bagay pa ngayon. My family accepted my love for photography and right now, I know they’re also trying their best to accept Anthony completely. Pagkauwi ko pa lang kasi sa bahay ay ito agad ang kinamusta ni Papa. “Kapag sinaktan ka niya, wag mong kalimutan na nandito kami para sa ‘yo,” Ito ang sinabi ni Papa at muntikan na akong maiyak dahil minsan lang siya magsalita ng ganito sa akin. Gustong-gusto kong ipagtapat sa kanila ang totoo pero hindi ko magawa dahil alam kong masisira ko si Anthony sa kanila. Kapag ginawa ko ito ay mas tututol sila sa relasyon namin. Actually, all along I thought I was a disappointment in our famil

