Chapter 7 Allison’s POV Nang imulat ko ang mga mata ko, hindi ako sigurado pero parang lumilindol. Sobrang bigat ng pakiramdam ko kaya mas pinili kong hindi muna gumalaw. Pinakiramdaman ko kung nasaan ako at nakitang nasa kwarto ko naman pala ako. Nakahinga ako ng maluwag at muling pumikit. Ilang segundo lang ang lumipas ay tyaka ako napaisip. Paanong nasa kwarto ako? Huling natatandaan ko nagsasayaw kami ni Sav sa Ivory bar at muntikan pang mamanyak nung isang arabo. Panaginip lang ba ang lahat? Agad akong napadilat. Nang balak ko sanang isipin kung ano ang nangyari kagabi ay mas sumakit lang ang ulo ko. Kaya naman pinigilan ko muna ang sarili ko. Narinig kong may kumatok sa pinto at nagulat ako dahil pagbukas nito, nakita ko si Kuya Mark. Hindi naman kasi siya mahilig kumatok per

