Chapter 71 Allison's POV “Ano nga ulit ang pangalan niya?” pabulong na tanong ni Papa sa akin sabay turo kay Justin. Mahimbing ang tulog nito at ngayon ay matamang pinagmamasdan ni Mama. Mabuti na lang at hindi na dumiretso rito ang mga kapatid ko dahil baka napalibutan na nila ito ngayon. I already told them that he’s my boyfriend the first time they saw him. Now, they’re both dying to talk to him and officially meet him. “Justin Kyler Dominguez,” ulit ko. Hindi pa sila nagkakakilala ni Justin dahil pagdating nila ni mama, kakatulog lang nito. Pinilit ko kasi siyang matulog dahil magdamag na siyang gising para bantayan ako. Nagi-guilty pa rin kasi siya sa nangyari. Kaya imbes na si Kuya Mark, siya ang nandito kasama ko. Ayaw nitong iwan akong mag-isa kahit sinabi kong magiging ayos l

