Chapter 45 Allison's POV Napakalaki ng utang na loob ko kay Xander. I owe my life to him. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay matagal nang nasira ang buhay ko. "Ayos ka lang ba Naomi?" bulong ni Xander sa akin nang maiwan na kaming dalawa sa kwarto. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita kong hinila na ni Arnold si Justin palabas. Wala rin kasi akong ideya kung paano siya nakapasok dito. Dahil ba sikat din siyang artista? Yes, I’m expecting this confrontation - but not this soon. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Xander at agad niyang pinunasan ang basang pisngi ko. Napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. Mukhang napakalma na naman ako ng simpleng pagyakap ko sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko rin talaga maipaliwanag pero siya lang ang nakakapagpakalma at

