Chapter 15 Allison’s POV Nandito ako ngayon sa unit ni Anthony para mag breakfast. Pinagluto ko siya ng pancake at pinagtimpla ng kape. Ngayon ay magkaharap na kami at kasalukuyang kumakain. Hindi na namin napagusapang muli ang nangyari sa Ivory bar kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin na hinalikan ako ni Justin. Baka mag-away lang kami o sisihin niya ang sarili niya sa nangyari. Either way, wala itong matutulong na maganda sa relasyon namin kaya mas gusto ko na lang na hindi na sabihin. Napaisip din ako sa mga nangyari. Bakit ako hinalikan ni Justin? Lasing daw siya nang makita ni Anthony. Lasing lang ba siya kaya niya nagawa ‘yon? Pero ayos pa naman siya nung magkita kami. Bakit bigla siyang naglasing? Anthony told me that they were able to su

