Chapter 17 Allison’s POV "This is One Week With My Idol!" Nang sabihin ito ni DJ Jaja ay iniwan na niya kaming lahat sa sala – ako, si Justin, at ang iba pang participants. Lumabas na siya ng bahay kasama ang ibang staff dahil mukhang tapos na ang unang portion ng show. Nagsikilos naman na ang ibang kasama ko. As instructed to us, nakadikit ang pangalan namin sa pinto ng magiging kwarto namin kaya kami na ang maghahanap mismo. Iniwan na rin daw doon ang mga dala naming gamit kaya wala na kaming dapat pang ipagalala. Natigilan ako sandali dahil ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. I’m stuck in this house for one week because I am madly in love with my boyfriend to actually do this crazy thing. Gaya ng ibang kasama ko ay tumayo na ako. Pero imbes na umakyat agad sa kwarto gaya ni

