Chapter 20 Justin's POV Sa sumunod na gabi, imbes na magbaliktanaw ay mas pinili kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataong magpahinga. Alam kong mahirap dahil nasa loob kami ngayon ng show pero iyon lang ang alam kong paraan para kahit papaano’y mabawasan ang bigat sa loob ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Sarah. Paulit-ulit ko ring pinaalala sa sarili ko na may dahilan kung bakit ako nandito sa show na ito. Kailangan kong gawin ito dahil sa parang gusto ko na lang tumakas at iwan ang lahat ng ito. And I know that if I do that, I would also be placing my sister in a bad situation and I wouldn’t want that to happen. Kaya naman ngayon ay tinanggap ko na sa sarili ko na hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko kundi para na rin sa kapatid ko. I wouldn’t leave her out to dry. Nagk

