Chapter 59 Allison's POV “Saan tayo pupunta?” tanong ni Justin sa akin. Katabi ko siya ngayon pero bakit pakiramdam ko mag-isa pa rin ako? Should I be thankful that I was saved? Or am I the one who purposely placed myself in that situation so that I could justify why I’m giving everything up? Ang dali na lang kasing sumuko kapag hinang-hina na. “Kahit saan basta malayo rito...” I silently smiled. I feel safe when I’m with him. Ngunit hindi tulad noon, malamig ang pakikitungo sa akin ni Justin ngayon. Kahit mahirap para sa akin, kailangang kong tanggapin na may magbabago talaga sa pagitan namin. Hindi ako pwedeng maging selfish at asahan kong magiging okay ang lahat sa amin pagkatapos ko siyang ipagtabuyan sa buhay ko. Mahigit isang oras na rin kaming bumabyahe pagkatapos kong sabihi

