" Kevin! Hindi ito biro! " Inis yong boses ko ngunit yong puso ko naghuhurumintado. Siguro nga'y di na magbabago yung epekto niya sa akin kahit simpleng banat nito nagugulo na buong pagkatao ko. "Hindi rin naman ako nagbibiro. Ayoko lang magsayang ng oras kung may magagawa naman tayo. Remember Chezka, walong taong di ko nakasama anak ko tapus malalaman ko na posibleng isa o dalawang taon ko na lang siya makakasama kung di ako hahanap ng lunas. " He looks serious. Ako lang ba yong napipilyuhan sa akto nito. Dang! Nakakahiya. " Kung ang lunas ay ang gumawa ulit ng bagong Kier bakit di natin gawin? Kahit beyte kwatro oras na walang pahinga gagawin natin nakabuo lang agad. " Sobra na pagiinit ng magkabila kong pisnge dahil sa pinagsasabi nito. Napaiwas ako ng tingin sa doctor nakakahiya

