Chapter 03

782 Words
CHRISTINE ----POV---- "Nanay, ko po!" Nakahiga na ako ngayon dito sa loob nang aking kwarto, pino-problema ko pa rin ang mga sinasabi ng Mark na 'yun. Ano daw?! Gan'on-gan'on na lang? Porket may nagawa akong mali, maging sunud-sunuran na lang ako sa kanya? Pero kung hindi ako papayag sa gusto niya, baka totohanin naman niya ang banta niya sa akin. Pero, infairness, kahit galit na siya kanina at seryoso ang mukha, mas lalo pa siyang gum-wapo. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang polo at short. Kahit siguro basahan ang isuot niya ay bagay pa rin sa kanya. Ano kaya ang pakiramdam nang mahalikan ng mapupula niyang labi, at makulong sa matipuno niyang katawan? "Grabe super bango mga, Mars!" tili ko sabay at yakap sa katabi kong unan. "Hoy, Christine! Ang laki na nga ng problema mo, puro kalandian pa 'yang nasa isip mo!" sita naman ng matino kong utak. "Hay, naku! Makatulog na nga. Bahala na bukas, ang importante... mahalaga." "KRING-KRING!!!" malakas na tunog mula sa mahiwaga kong alarm clock ang nagpagising sa akin. Senyales na naman ng panibagong umaga na aking tatahakin. Today is another day. Fight, fight, Tin! For the future! Dali-dali na akong bumangon at ginawa ang daily routine ko para sa pagpasok sa university. Pagkatapos magluto at maihain sa mesa ang mga pagkain ay saka namang paglabas ni Auntie Stella, Uncle Arman, at ng tatlong anak nila. Naka-ready na rin sila papunta ng trabaho at papasok naman sa eskwela ang kanilang mga anak. "Good morning, Auntie, Uncle!" masigla kong bati sa kanila. "Ready na po ang almusal!" "Good morning rin sa iyo, Tin!" sabay-sabay din nilang pabalik na bati sa akin. Habang abala kami sa pagkain ng almusal ay kinamusta naman ako ni Auntie tungkol sa aking pag-aaral. "Kumusta naman ang exam mo, Tin?" tanong niya "May nanliligaw na ba sa iyo? O baka may boyfriend ka na?" dagdag na tanong ni Auntie Stella na ikinagulat ko. Medyo kinabahan pa ako sa pagbanggit niya ng boyfriend, dahil baka may alam siya sa ginawa kong kalokohan. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya, nanatili lang akong ok sa harapan nila. "Okay naman po, Auntie. Nasagutan ko naman po lahat ng tanong sa exam. At tungkol sa boyfriend ho, wala pa sa isip ko 'yan. Pag-aaral po muna ang aatupagin ko. Tsaka na siguro ang lovelife na 'yan kapag nakapagtapos na ako." "Mabuti 'yan, Tin. Mas maganda na pag-aaral muna ang unahin mo. Kaysa sa iba diyan na high school pa lang naka ilang palit na ng kasintahan. Ewan ko ba sa batang 'yun napaka-pasaway!" Mahabang lintanya naman ni Uncle Arman, na ang tinutukoy niya ay ang anak niyang si Andrea. Kasi naman, nasa 3rd year high school pa lamang siya'y marami na siyang ipinakilalang kasintahan kina Auntie. "Pa, naman! Ang boyfriend ko po is for inspiration lang naman at hindi naman po ako humahantong sa jugjugan!" paliwanag naman ni Andrea. "Andrea!" sigaw ni Auntie na nagpatigil sa patuloy pa sana na pagsasalita ni Andrea. "Saan mo natutunan ang salitang 'yan? Hoy, ikaw, Andrea! Magtino ka nga! Kung ano-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo!" galit na sambit ni Auntie. "E, toto-" Hindi na natuloy pa ni Andrea ang sasabihin niya dahil pinutol na ulit ito ni Auntie Estella. "Hala, bilisan n'yo na kumilos at nang makaalis na kayo. Baka 'di ako makapag-pigil, mabatukan pa kita Andrea!" pagbabanta ni Auntie sa kanyang anak. HABANG naglalakad ako sa hallway papasok sa room namin, binuksan ko muna ang aking phone, baka kasi may message ang mga loka-loka kong kaibigan. At hindi nga ako nagkamali. "Mga bruha! Hindi halata na sobrang abala kayo. ah! Ni hindi man lang kayo bumisita sa mansyon." mensahe ni Margie "Hahahahahahaha! Hindi ba pwedeng nagpahinga lang, kasi kakatapos lang ng exam? sagot ni Glaiza. "Waley me tamode, hahahahahahaha!" reply naman ni Kath. "Kumusta kayo? Ano'ng balita?" si Ivy. Nagsimula na rin akong magtipa ng sasabihin ko sa kanila. "May sasabihin sana ako mga bruha. Kita tayo bukas, pwede?" "Importante ba 'yan? May boyfriend ka na ba? hahahahahaha!!!" Sabay-sabay na reply nila. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi nila. "Bukas ko na lang sasabihin. Sige na, malapit na ang time at parating na rin ang professor namin na parang nagbubuga ng apoy." paalam ko na mensahe sa kanila. Kakatapos lang ng klase at nandito ako ngayon nakaupo sa loob ng library. Gusto ko sanang mag-aral, pero hindi ako maka-focus dahil iniisip ko pa rin 'yung mga pinag-usapan namin ng damuho na 'yun! Ano kaya ang mangyayari sa akin habang nasa poder niya ako? Ilan lang na mga katanungan sa isip ko. "Hay! Naku, self, laban lang. Dapat maging positibo tayo sa buhay!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD