Luna’s Point of View
SA dami ng taong pwedeng magkaro'n ng ganitong kondisyon, bakit ako pa? Ang dami-dami ko nang pinapasang problema, bakit kailangan pang dag-dagan? This is too much. Hindi pa ba sapat lahat ng pinagdadaanan ko ngayon? Kulang pa ba 'to? Pakiramdam ko kasi isang problema pa, di ko na kaya. Konti na lang at baka hindi ko na makaya.
Lutang at bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad papasok ng building. Wala akong ganang gumawa ng kahit ano ngayon, pero kailangan. Kailangan kong pumasok at pilitin ang sarili ko.
Dadating talaga sa buhay natin ang mga problema, oo normal yun. Pero masasabi pa bang normal ang lahat ng problema ko? Naging makasalanan akong tao pero sobra-sobra naman ata tong pinaparusa sa akin? May sakit ako, kinakaila ako ng sarili kong pamilya, nag-iisa lang ako at hindi ako mahal ng taong mahal ko.
Bakit ba ang hirap sumaya sa buhay na 'to? Bakit kailangan mo munang makaramdam ng pait at sakit bago mo maramdaman ang kasiyahang yun? Tsaka hanggang kailan? Hanggang kailan ako sa stage na'to? Hanggang dito na lang ba ako? Hindi na ba ako aangat?
May mga taong dapat sila yung unang aakay sayo, yayakap sa mga pagkakamali mo at tutulungan ka sa lahat. Yan ang dapat na ginagawa ni Klein at nga pamilya ko ngayon, pero hindi nila ginagawa dahil wala naman silang pakealam. I badly need them.
Pero ayaw ko nang sabihin, di nga nila ako mabigyang pansin eh. Would they even care if I tell them? If I'm going to tell them about it, in the end, It'll be meaningless because nothing will ever change.
I have a tumor growing in my brain. Aware ako sa mga pwedeng mangyari sa akin ng dahil dito. As long as this condition is with me, it'll will slowly get bigger until it reaches its limit and kill me. It'll make my life way more harder than it already is.
"Alam niyo ba? Dito na daw magtatrabaho si Mr. Villanueva?"
"Oo, balita ko ngayon daw siya dadating. Excited na ako."
"Ayaw niyo nun? May dalawang gwapo tayong boss?"
Ang aga-aga nagbubulungan na naman sila. Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko na ma-curious na rin tungkol sa mga araw-araw nilang pinag-uusapan. Minsan talaga gusto ko nalang silang lapitan tapos makisali sa tsismisan nila.
Hindi ko na lang pinansin ang mga empleyadong nagbubulungan, kabanas. Nakakalungkot nga eh kasi walang ibang nakikipag kaibigan sa akin, tanging si MJ lang. Ina-approach naman ako ng ilan, pero para lang naman sa trabaho.
Naghihintay ako sa harap ng elevator nang lumakas ang bulungan at tila nagkakagulo. Habang ang iba naman ay impit na tumitili at todo pigil sa sariling sumabog.
Nilingon ko ang front desk kung saan maraming nagkukumpulan. Mga empleyado at media? Teka may Celebrity ba?
Nagsitabihan ang mga tao nang pumasok ang dalawang matatangkad at gwapong lalaki. Sinusundan sila ng mga camera men at todong pinagpi-picture-an.
Saka ko lang napagtantong si Klein pala ang isa sa mga pumasok. He is wearing his fierce and blank expression, just like always. He's walking like no ones watching him. Sobrang gwapong snob lang, haha. Ganito ba talaga nila wine-welcome ang asawa ko araw-araw? Naks, celeb na celeb si hubby ah?
My smiling face fade away when the other tall and handsome man entered the hall. Naka-shades pa nga. Bakit na naman siya nandito? Yan ang unang tumalima sa isip ko nang makita ko siya.
Last time I checked, tuwing nagkikita kami, nag-aaway kami ni Klein. Parang may kung ano siyang dala na nagpapaaway sa amin ni Klein eh.
It's not like I'm an anti. Pero bakit ba palagi na lang siyang lumilitaw? Simula nung araw na nakilala ko siya, naging sunod-sunod na ang pag-eksena niya sa buhay naming dalawa ni Klein. Ang dami niyang intro at mga pasabog.
Pero syempre alam ko ding work related ang dahilan. I was with Klein the time we had a meeting with him. Maybe he'll just do some work here? Sobrang nakakabigla at nakakaduda lang talaga kung paano maglaro ang tadhana.
I flinched when I realized that the both of them is coming to my direction. Kaya agad akong bumalik sa pagkakaharap sa elevator at pinindot ng pabalik-balik ang button para bumukas. Siguradong sasakay din sila, at ayaw ko yung mangyari. Baka ma-suffocate ako sa sobrang awkward!
"Bilis naman..."halos masira ko na ang button dahil sa bilis ng pagkaka-pindot ko.
Matapos ang makailang-dosenang pindot, bumukas na rin sa wakas ang elevator. Mabilis akong sumakay at agad na pinindot ang close button.
Pero bago pa man nagsara ang pinto, humarang na ang isang kamay ron dahilan para bumukas ito ulit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko silang dalawa sa harap ko.
Matamang nakatingin sa akin si Klein. Habang si Justin naman na nasa likuran ni Klein ay kinawayan ako.
Mabilis kong binawi ang umurong kong dila at nagsalita. "Good morning Mr. Montero and Mr. Villanueva." bati ko sa kanila. "K-kayo na po, "akmang lalabas na ako nang higitin ako ni Klein pabalik sa loob.
"It's more convenient if you'll ride with us. Sa iisang floor lang din naman tayo bababa, "malamig niyang sabi saka sila pumasok na ng tuluyan sa elevator.
Nang sumara na ang elevator ay pawaksi niyang binitawan ang braso ko. Buti na lang at di iyon napasin ni Superman. Nararamdaman ko ang paghahamon sa akin ni Klein. Alam kong gusto niyang makita ang reaksyon ko sa presensya ni Justin.
Ginagawa niya lang tanga ang sarili. I won't react like how he expects me to, Justin is nothing to me. I just feel awkward around him, that's all.
Napapagitnaan naming dalawa ni Justin si Klein. Siguro mga kalahating metro ang layo namin sa bawat isa, malaki din kasi itong elevator.
Pinindot ko ang 85th floor.
Alam ng Diyos kung gaano ko na ka-gustong lumabas sa elevator na 'to ngayon. Balot kami ng nakakabinging katahimikan at sobrang bigat na awkwardness sa loob, walang nagsasalita pwera na lang sa announcer ng elevator.
Eh ako lang naman ata ang hindi kumportable sa aming tatlo eh!
"5th floor. "
Bahagya akong dumikit sa railing nang magsimula na naman akong mahilo. Sobrang layo pa, wag ka munang bumigay self.
Napatingin ako sa likod ni Klein. Kahit na binagsakan ako ng langit at lupa kahapon, sumaya ako nang umuwi na rin siya sa wakas. It's not like it's the first time na hindi siya umuwi. Pero tuwing umuuwi kasi siya sa bahay after ng dalawa o tatlong araw na minsan umaabot rin ng ilang linggo, parang napapawi ang lahat ng kalungkutan ko sa loob ng mga araw o linggong yun kasi nakita ko na siya uli at umuwi pa rin siya sa akin.
Kahit ganito ang sitwasyon namin ni Klein, masaya ako kasi sa akin parin siya umuuwi. Kasi umuuwi pa rin siya sa asawa niyang hindi niya naman mahal, haha. :(
"35th floor."
Tuluyan akong napahawak sa railing ng elevator nang mas lumala pa ang pagkahilo ko. Humigpit pa ang kapit ko dahil dahan-dahan nang nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Gusto ko ring sumuka na ewan. Argh.
"Are you okay? "Justin asked breaking the silence and awkwardness just to ask me if I'm okay.
"Y-yes Mr. Villanueva." Sagot ko at ngumiti ng bahagya.
Bakit ba kasi kailangan ganito ka dami ang floors ng building na 'to?
"55th floor "
Pakiramdam ko ay maduduwal na ako anytime. Parang sinisigop ako pataas at naiiwan ang kaluluwa ko sa baba. Well I always react like this whenever I'm inside the elevators. Pero hindi naman ako ganito kalala tulad ng dati. Maybe it's because of my condition?
Biglang tumupi ang mga tuhod ko. Diyos ko naman, tulong. Pati mga kamay ko wala nang lakas, hindi ko tuloy magawang hilain patayo ng maayos ang sarili ko.
"You're not. "
His shoes made sound as he walked towards me. He held my hand and my waist then helped me too stand up.
But my knees keeps on giving up. Medyo nagdadalawa na rin ang paningin ko, my heart is starting to pound and I'm also starting to feel cold.
"What is wrong?" his voice sounded like his so worried. "Damn you're pale."
Bago pa man ako tuluyang bumagsak sa nga bisig niya ay mabilis akong hinila ng isang kamay. He held my waist and pulled me closer to his body, supporting me.
"Lean on me, "bulong ng baritono nitong boses. I know whose voice it is and it's tickling my tummy.
Sinunod ko ang sinabi niya, sinandal ko ang katawan ko sa kanya at pinahinga ang ulo sa dib-dib niya. Salo-salo niya tuloy ang lahat ng bigat ko.
He's so warm and his manly scent smells so good and it's somewhat soothing me. Pakiramdam ko naiintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko may pake na siya sakin.
Sana ganito palagi Klein.
—
Idinilat ko ang mga mata nang tumunog pabukas ang elevator. It only means nasa 85th floor na kami. Saka ko lang napagtantong nakasandal pa rin ako kay Klein at hawak niya pa rin ang bewang ko hanggang ngayon.
Nang bumukas ang pinto at mabilis niya akong nilayo sa sarili niya. He fixed his coat and then walked off like nothing happened, like he did nothing.
Grabe naman din talaga 'tong si Klein. He just showed me care then now he's acting himself again.
But then I'm thankful. Better look at the big picture nga diba? The whole ride was...heaven. Sana ganun palagi, ang sarap na tuloy ng pakiramdam ko, nakakagana bigla. Kung pwede lang talagang ulitin. Handa akong magpakahilo para sa kanya.
Mataman ko siyang tinignan habang naglalakad palayo.
"Are you not going off? The doors will close soon. " another baritone voice said. His American accent sounds so good. It sounds so natural and smooth.
"Ah, sorry. " I immediately get off the elevator so as he.
"Are you okay?" he asked.
"Yes sir, nahilo lang talaga." I answered. Medyo nawala na rin ang masamang nararamdaman ko. Siguro iinom ko lang to ng tubig then upo.
"Good thing your husband was there, huh?" sabi niyang nagpa-init sa tenga ko. Nanatili lang akong tahimik at di siya sinagot.
But yeah, good thing he was there.
We continued to walk. He's just walking silently ahead of me. He looks friendly and soft but his aura is screaming with authority. Di tulad kay Klein, he's more approachable but tough at the same time.
"I hope we'll have good times while working together, Ms. dela Fuente," he said as we reached our doors.
"Yes sir. I'm also looking forward for that. Have a good day!" I smiled.
Hinintay ko muna siyang makapasok bago ako pumasok sa sariling opisina. Weird but his presence is so light. And I'm also having this kind of feeling again that I know him.
Pagkapasok ko sa opisina ay agad akong nalutang. Buti na lang talaga at hindi ako namatay sa harap nilang dalawa kanina. Ewan pero sobrang awkward lang tapos nakakatakot na ewan.
Pero bukod pa don, mas tumatak pa rin yung ginawa ni Klein para sa akin kanina. Kung sana lang talaga palagi siyang ganun. Kung sana lang may pake siya sa akin.
In-on ko ang monitor at sinimulang magtarabaho. I started to arrange his schedule for today, printed it and attached it on my handy clipboard.
Then I started to check the emails and read them one by one. Kadalasan ay mga promotion and appointment arrangement requests ang naroon galing sa iba't-ibang business companies at personalities.
Buti na lang talaga at may alam ko sa mga ganitong uri ng bagay, such as arranging, setting, checking and etc. Kaya medyo hindi ako nahihirapan kahit baguhan pa lang ako.
Habang nagtitipa ay may nagpop-up na mga notifications sa gilid ng screen. Puros business headlines ang lumalabas. Ano naman kaya ang meron at sumasabog ang notification box ko? Binuksan ko ang isang headline at binasa ang article.
( O _ O)
Nilapit ko pa ang mukha ko para klaruhin kung tama ba talaga ang pagkakabasa at nakikita ko.
'Montero's and Villanueva's reunites in business again!'
'Justin Ford Villanueva will work at the Montero Industries with the CEO Klein Sage Montero.'
'Two Boss's of Montero Industries'
Binuksan ko pa ang ibang notifications and articles. Tungkol sa kanila ang lahat at pare-pareho lang ang pinagdidiskusyonan. Sila ngayon ang headline ng balita at ng mga dyaryo. God!
So it means Justin will work here, in here?! Ibig sabihin, magkakasama kaming tatlo sa trabaho sa iisang floor at palagi kaming magkikita??
No!
Nasapo ko ang ulo ko ng dahil sa frustration, literal na naging maliit ang mundo. Kung dito siya magtratrabaho, ibig sabihin nun ay magiging boss ko na rin siya? Wait, it doesn't mean that I'll be both their secretary right? Si Klein lang naman ang pagsisilbihan ko dito right?
'I hope we'll have good times while working together, Ms. dela Fuente.' So that's what he meant by that?
With this kind of situation mas lalo lang kaming gugulo ni Klein. Lalo na kasi iniisip niyang lalaki ko kuno si Justin.
I closed the articles and deleted them from my notifications. Sumandal ako, pinilig ang ulo at pumikit. Ang aga-aga pa. Why is this happening??
—
Hapon na nang maubos ko na lahat ng pwede kong gawin. Nakakapagod, nangugat ang mga mata ko sa maghapong kaka-tutok sa monitor. Sumasabay pa yung mga papeles na hinahatid ni MJ na kailangan ko mung basahin bago ipasa sa CEO.
Speaking of the CEO. Kanina ko pa hindi nakikita si Klein, pati na rin si Justine. Walang tawag sakin sa intercom at mga utos. Hindi din lumabas ang kahit isa sa kanila para kumain kanina. Ano kayang ganap sa dalawang yun ngayon? Baka kung ano ng nangyayari sa kanila.
Hindi rin naman ako lumabas kaninang lunch kasi dinalhan na naman ako ni MJ ng pagkain.
I tsked when I thought about Klein. Hindi na naman siya kumain. Siguro bukas pagbabaunin ko na siya o kaya naman dadalhan ko na lang.
Napaigtad ako nang mag-ring ang telephone na nasa gulid ng mesa ko. Agad kong klinaro ang boses at dinampot iyon.
"Hello good afternoon! This is Luna, secretary of the CEO. " Bati at pagpapakilala ko sa tumawag with a very energetic voice.
"Where is your goddamned boss?!" galit na tanong ng babae sa kabilang linya. hAluh!
"He's in his office, ma'am. May I know who this is? "tanong ko.
"Give this f*****g phone to him, right now!" galit niyang utos. Bakit ka ba galit?
"I can't do that. Unlees you tell me your name and your business with the CEO. "I stayed calm. "If it's personal, please directly contact him through his cell."
Hindi naman pwedeng ibigay ko 'to kay Klein kasi gusto niyang makausap, part of my job is to check the people that wants to talk to him. But if this is something personal and not business related which ic obvious naman, it's out of my responsibility
.
"Hey, you b***h!"
Umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. I shut my eyes tight.
"Just give this phone to your boss. Sabihin mo na tumawag si Suzaine Abueda, the one he left on the bed when we had s*x! "she exclaimed that made me stun. Nanlumo ang buo kong katawan sa narinig, parang anytime magbu-burst out na ako.
It's one of his girls, again. Damn Klein. At talagang sa linya pa siya ng kompanya tumawag? Why not on Klein's phone? Is this on purpose? Alam niya banag asawa ko ang kinalantari niya? Tang—Tang juice, orange flavor.
"Wait ma'am, "kalmado ko pa ring sabi at hinold ang tawag. Gusto mo siyang makausap? Fine!
I pressed the intercom. "Sir, someone wants to talk to you. Suzaine Abueda—"
"Come here. "
"Sir, I can just transfer the call directly to you—"
"I said, come here Luna." matigas niyang sabi.
Napalunok ako nang gamitin niya ang una kong pangalan. Ano na naman ba 'to Klein?
I shut the intercom and stood up. Makailang beses muna akong huminga ng malalim bago tuluyang pumunta sa opisina ni Klein, dala ang telepono.
Pumasok ako sa opisina niya nang mabigat ang loob, sobra.
Nadatnan ko si Justinnna nakahiga sa malaking sofa habang nanunuod ng TV at kumakain ng chichirya. Habang si Klein naman ay nasa table niya, kunot noong nakatutok sa laptop.
Tumingin uli ako kay Justin, nakatingin rin pala siya sakin habang ngumunguya. Wala sa sariling napangunutan ko siya ng noo.
"Hi. "Mahina niyang bati at tipid na kumaway.
"H-Hello po, "bati ko pabalik at pasimpleng kumaway. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawaging boss o ano dahil sa ginagawa niya. Parang nasa bahay lang eh.
"You're using that 'po' again. "nag smirk siya.
Narinig ko ang pagtikhim ni Klein kaya napatingin ako sa kanya. Nakataas ang isa niyang kilay habang masamang nakatingin sakin, yung tipong gustong-gusto niya akong lapitan at sampalin kung pwede lang. He's wearing a glass, na bagay na bagay sa naman kanya, he looks hot with it.
"Excuse me Sir." ani ko at nagsimulang maglakad papunta kay Klein.
Habang naglalakad palapit sa table ni Klein ay napansin ko ang isa pang mesa sa gilid na bago sa paningin ko. Saka lko lang nakumpirmang kay Justin yun nang mabasa ko ang name plate na nakapatong sa mesa. Dito na pala talaga siya magtatrabaho.
"Sir, may gustong kumausap sa inyo, " ulit ko. "Her... her name is... "nakalimutan ko bigla. "Her name is Suzaine Abuenda? "
"Oh, you mean Suzaine Abuenda. "sumandal siya sa upuan at bahagyang binaba ang antipara niya. "What'd she say?"
Parang nagustuhan niya bigla ang narinig at umayos pa talaga para makinig ng mabuti. Syempre, babae niya eh.
"Sabi niya gusto niya kayong makausap... sabi niya iniwan niyo raw siya, "sabi ko nang di makatingin sa kanya.
"And? "may halong paghahamon sa boses niya. He's making me say it.
Tumingin ako sa kanya ng may panlulumo sa mukha. Please stop making me do this.
"S-sabi niya, s-siya daw ang babaeng iniwan...iniwan mo sa kama...last time you two both had— "
I really can't say the word, too lewd.
"Had what?"
"Had s*x. "Napapikit ako ng madiin matapos kong sabihin 'yon. It's so bold.
"Tell her that I don't want to talk to her and that I don't have time for a w***e like her. "
Why don't you just say it on your own? Hindi ako sanay sa ganung klaseng usapan. Ni hindi ako nakakapag-mura eh pagsalitain ba naman ako ng masama?
Tsaka isa pa, I'm out with your thing with her!
"Pero—"
"Do. It. "He commanded. "I'm ordering you and it's your job to do it, remember? "
Tama, he briefed me about this. To push his bitches away. I hate how he's ordering me to do it as if naman talagang parte iyon ng trabaho ko eh gawa-gawa niya lang naman para masaktan ako.
I'm hurt and I know he knows that. And he's making me do this because he knows it's hard for me. Hindi na ako sumagot at agad na binalikan ang kaninang tumawag.
Kinuha ko ang telephone sa mesa niya at may kung anong pinindot roon para ma transfer ang tawag ko sa opisina, dito.
"H-hello ma'am."
"Where is he? Bakit ikaw pa rin ang sumasagot?" tumingin ako kay Klein na nakatingin din sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba yung gustong ipasabi ni Klein.
"He said. He doesn't want to talk to you at wala siyang oras sa isang...sa isang malanding katulad niyo. "sabi ko rito. I saw how Klein grinned after I said those words.
"f**k?! You stupid woman! Let me talk to him! Putangina mo para sabihin sa akin yan!" mura niya na naman sa akin. Hindi naman kasi ako eh!
"Ayaw niya nga kayong kausapin. Please just go away. "
"f**k you! Ano? You're flirting him no—"
I ended the call before she could finish her insult. Buong lakas akong tumingin kay Klein. Pinaglalaruan niya nga ako, ang lapad ng ngisi eh.
"Nasabi ko na po. "diniinan ko ang salitang 'po'. Ngumisi naman siya at bumalik sa pagkakalikot ng laptop niya.
Yumuko ako at bahagyang umiling. Wala talaga siyang pakealam sa nararamdaman ko.
Bumalik na ako sa opisina ko at napatitig sa buong silid. Kakayanin ko bang magtrabaho dito ng ganito? Kakayanin ko ba ang mga araw na ganyan ang pakikitungo sakin ni Klein?
Ang hirap, ang sakit.
Namilisbis ang mga luha ko. Nakakalungkot lang masyado. Nakakainis ang pagiging topakin niya. Bakit niya ba ako ginaganito? He's the one who's not being professional here!
I can't understand him. Nakakalito siya. Nakakalito ang pinapadama niya. Kaninang umaga lang, naramdaman ko ang aruga niya, ngayon heto na naman siya, pinaglaruan ako.
Alam kong naghihiganti siya sakin at tanggap ko naman ang mga yun, niyayakap ko pa nga eh. Nasasaktan lang ako nga masyado sa mga ganti niyang tulad nito. Pero di ko man lang magawang salagin ang mga pananakit niya dahil unang-una ginusto ko rin naman lahat at kasalanan ko lahat.
Hindi pa ba sapat sa kanya ang araw-araw na pananakit sakin at kailangan sa lahat ng oras talaga siya maghiganti? Wala bang pahinga?
Sobrang hirap umintindi ng taong tulad ni Klein, hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon nakakaya ko pa rin.
Sobrang hirap niyang mahalin.