Chapter 20

4610 Words
“Yeah so, nakapagpadala na ba ng rescue?” ani Klein sa telepono habang nakasandal sa mesa niya at nakaharap sa malaking glass wall. “Okay, make sure na nadalhan ng supplies and other needs ang seamen. Prioritize them.” “Coffee Luna, please.” Tawag sa akin ni Justin habang nakataas ang kamay. “Yes, Sir.” Tugon ko at naglakad papunta sa maliit na kusina ng opisina. May maliit na kusina at mini bar si Klein dito sa loob ng opisina niya. Nasaktuhan lang talaga na sa baba ako kumuha kahapon dahil may pantry akong nakita na malapit lang sa meeting room. “Rum please.” Ani naman ni Klein. Inuna ko muna ang pagtimpla sa kape ni Justin. Medyo busy sila dahil nakabalik na sa byahe ang mga barko. Si Klein, inaasikaso ang pagpapadala ng rescue at supplies sa bawat barko. Habang si Justin naman inaasikaso ang shipment since mga barko niya na ang gamit. Matapos kong timplahin ang kape ni Justin ay pumunta naman ako sa mini bar na katabi lang ng mini kitchen at binuksan ang cabinet sa taas. Muntik na akong mapanganga nang makita ko ang sobrang daming alcohol beverages na isa-isang nakalinya ng maayos. Saan dito ang gusto niyang rum? “Klein? Saan dito? Ang dami naman…”napahawak ako sa magkabilang bewang at tumagilid ng konti. Pare-pareho lang naman siguro ang lasa ng mga ‘to, hindi ba? Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Inabot niya ang isang bote ng rum na nasa pinaka-tuktok. "It's Mr. Montero, Miss dela Fuente." pagtatama niya sa akin. I felt his breath land on my neck when he sighed. Pagkatapos ay umikot siya papunta sa harap at umupo sa isa sa mga high stool. Bahagya kong hinimas ang batok ko dahil di pa rin bumababa ang mga balahibo ko sa parteng ‘yon. Wha-what the hell? >__< He doesn’t need to do this. It’s not necessary for him to take care of me, his secretary. Hence, it's my job to take care of the both of them. Yes, I like how he’s acting right now. Pero, hindi niya naman talaga kailangan eh. “Hey?” nag-angat ako ng tingin sa kanya. “What am I supposed to do to cure hand burn? “ seryoso ang mukha niya habang hawak ang cellphone sa tenga. Hindi naman pala ako ang kinakausap. “Just tell me, moron.” he threw me a glance and immediately looked away. Mukhang humingi siya ng tulong sa kakilala niya para magamot tong paso ko. It’s making my heart smile. Bakit ba ang effort bigla, Klein? “Okay. ”tinagilid niya ang ulo at inipit don ang cellphone niya. "Kuha ko na. Then?”kinuha niya ang hydrogen peroxide, ointment, cotton, gauze pad at bandage mula sa maliit na box. Mukhang may alam din tong tinawagan niya, someone who knows about medical care. “Okay. Should I cover it after?” tanong niya. “Okay. Thanks Aeros. Bye.” Binaba niya na ang cellphone. Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig. Aeros? I know Iheard that name before, hindi ko lang matandaan. Kinuha niya ang hydrogen peroxide at nagbuhos sa cotton, pagkatapos kinuha niya ang kamay ko at pinahid dun sa namumulang bahagi. Napapangiwi ako dahil sa hapdi at medyo nahahatak ko rin ang kamay ko palayo. “Damn, stop moving.”saway niya at tiningnan ako ng masama. After that, he tried to move the cotton e slowly and gently. Nag-aadjust siya para hindi ako masaktan, napangiti tuloy ako. Naka-focus lang siya sa ginagawa niya.Hanggang sa paglalagay ng ointment sa namumulang bahagi. Pagkatapos ay tinapalan niya ng gauze pad. “Hindi na yan lolobo dahil nagamot agad—sabi ni Claude. ”sabi niya habang binabalot ng bandage ang kamay ko. “O-okay, salamat.”nakangiti kong sabi. Nag-angat siya ng tingin sakin matapos niyang balutin ang kamay ko. Tumingin siya sa aking ng diretso at ngumiwi nang makita akong nakangiti. Patapon niyang binitawan ang kamay ko. May sinabi pa siya pero di ko narinig dahil mahina. "Stand up. "aniya na agad ko namang sinunod. Nga pala. "Salamat ulit." nakangiti kong ulit bago tuluyang lumayo. “Let me see...” Nagulat ako at natigilan sa paglalakad nang biglang sumulpot si Mr. Villanueva sa harap ko at inabot ang kamay ko. Tiningnan niya ng maigi ang naka-bandage kong kamay. “Okay lang ako, Sir.”sabi ko at ngumiti ng konti. “Ang pangit naman ng pagkaka-benda.”nakangiwi niyang sabi at talagang nilakasan niya. “Then don't look at it. ”naiiritang sabi ni Klein. “Whatever, I would've done better. ” Itong si Mr. Villanueva, grabe makapag-react, akala mo talaga close na close kami eh. Kahit todo iwas at Raboy ako sa kanya, lapit pa rin siya ng lapit. “At least we're matchy-matchy now. ”nakangiti niyang sabi bago binitawan ang kamay ko. Saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin nang himasin niya ang tiyan niya. Natawa tuloy ako. Napaso ko nga pala siya kahapon. “Back to work. ”mautoridad na singhal ni Klein. Sinilid ko ang mga gamit ko sa shoulder bag, mag-aalas nuwebe na. Pupunta pa kasi ako sa hospital. Pero problema nga lang, hindi pa rin ako nakakapag-paalam kay Klein. Balak ko sanang sabihin sa kanya kanina kaso lang masyado siyang busy nakalimutan ko pa. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Siguro ite-text ko na lang siya. Sasabihin ko na lang na makikipagkita ako kina mama ngayon. Siguro naman hindi na siya mag-iisip ng masama tungkol ron. I sent him a message containing a lie. Pinaalam ko na pupunta ako kina mama at papa dahil gusto nila akong kausapin. Bumuntong hininga, tinignan ko muna at chineck ang table ko kung may trabaho pa ba akong hindi nagawa. I also made sure na nakakain na sila bago ako tuluyang umalis. Pagdating ko sa hospita ay dumiretso agad ako sa opisina ni Dr. Avendano. “You came Miss Luna, please have a sit. ”bungad niya pagpasok ko. “So, ano po ang pag-uusapan natin?”tanong ko. “Actually, tayong pag-uusapan. Hindi tayo ang mag-uusap. ”nilapag niya ang isang invelope sa harap ko na may nakasulat na pangalan ko sa bandang taas. “I transferred you to a new doctor who specializes in neuro-practice and tumors. ” “Ho?” “These are all of the records and assessments tungkol sa case mo. Give this to Dr. Aeros, he’ll be your new doctor. ”lintaya niya. “He will give you the medications you need and will assist you throughout.” Tila nagmamadali niyang sabi. “Puntahan mo na siya, he’s impatient. ”taboy niya. “Si-sige po.”dinampot ko ang envelope at bintbit ‘yon palabas, tinulak-tulak niya pa nga ako palabas eh. Pagkatapos ay sinabi niya rin sa akin kung saan ko matatagpuan ang opisina ni Doc Aeros. Matapos kong sumakay ng elevator papuntang 5th floor ay dumiretso ako sa nurse station. “Saan ang opisina ni Doc Aeros?”tanong ko sa isang nurse. “Bakit po? May appointment ba kayo?”sagot niyang tanong. “Wala, pero kasi, siya na daw ang magiging doctor ko sabi ni Dr. Avendano, kailangan ko siyang makita. ”isplika ko. “You are—”binasa niya ang maliit na papel na nakadikit sa mesa. “Miss dela Fuente? “ “Yes.” “Follow me po.” Sinunod ko ang sinabi niya at sinundan ko nga siya. Dumaan kami sa isang hallway na maraming pinto na magkaharap. Dumiretso kami sa dulo. 'Dr. Claude Aeros, Neurologist, Psychiatrist’ Basa ko sa template sa labas ng pintuan. Aeros...? “Pasok na kayo ma’am. “ani ng nurse na sinundan ko kanina. Pumasok nga ako sa kwarto, sa loob, bumungad sa akin ang isang lalaking nakatutok sa papeles na hawak niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. Saka ko lang nakita ang buong mukha niya at naalala kung saan ko siya nakita. He’s the doctor who gave me his handkerchief the last time I was here,csiya yung doctor na kasama ni Dream. “Take a sit Ms. dela Fuente. ”aniya, umupo ako sa harap niya at inabot ang envelope sa kanya. Pinasadahan ng tingin ang records ko. Maya-maya lang ay unti-unting umiba ang ekspresyon ng mukha niyang kanina lang ay seryoso. "Second grade brain tumor?”kunot noo niyang sabi. Para bang gulat na gulat siya sa nalaman. First time niyang makasagupa ng pasyenteng may brain tumor?? Tumango-tango ako bilang sagot. “Moderate stage. Sabi ni Dr. Avendano, maliit pa daw. Parang bean. ”lintaya ko. “s**t. ” malutong niyang mura na kinagulat ko. “H-huh?" “f**k that moron.”mura niya uli. Anong klaseng doctor ba ‘to? Mura ng mura, ang anghang magsalita. Kung makamura siya wagas, di man lang siya nahihiya sa akin na bagong pasyente niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid habang busy pa rin siya sa pagsuri ng mga papeles ko. Malaki at puros puti ang nakikita ko, may malaking tv at sofa, mayron ding shelf na puno ng libro tungkol sa mediko. Sa ding-ding ay may nakasabit na mga certificates at achievements na nakapangalan sa kanya at pictures. Nahagip ng mga mata ko isang malaking shelf sa gilid ng table ni Doc. Aeros. Puno ito ng mga trophe at plaques at sa pinaka taas nun ay mayroong malaking picture frame ng apat na lalaki. Nakita ko siya sa frame, mga kapatid niya ata ang kasama niya. Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa pinaka-dulo. Saka nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong si Klein iyo na nakangiti. That's when it hits me, Claude Aeros, siya ang tinawagan ni Klein kanina sa opisina. Kaya pala sobrang pamilyar ng pangalan niya sa skin. Namawis ako at kinabahan dahil sa nalaman. They’re friends, at alam niya na ang kondisyon ko. Baka sabihin niya kay Klein, s**t! Pero nung kasal namin, hindi ko naman nakita ang isa sa kanila, lalo na siya. Baka hindi niya naman ako kilala? “Where did you get that?”napukaw ang atensyon ko nang magtanong siya. Nakatingin siya sa kamay kong nakabenda na nakapatong sa mesa niya. “Ahh e-eto?”tukoy ko sa nakabenda kong kamay. “Kanina kasi sa trabaho, aksidente kong nasagi ang heater tapos natapunan ako sa kamay.” “So he did it for you.”he smired. “Alam niya ba ang tungkol sa kondisyon mo?”seryoso niyang tanong. Nilapag niya ang mga papeles sa mesa at prenteng sumandal sa inuupuan. “I'm sorry, pero anong ibig mong sabihin?” kunot noo kong tanong. Kinabog ng malakas ang puso ko nang tignan niya ako ng masama. “Your husband. Klein Sage Montero. Alam niya ba ‘to?”nakatingin siya ng diretso sa akin. Hindi ko maitago ang gulat. “Don’t even try to deny it. I know who you are. Now tell me, alam niya ba?”ulit niya. “Aalis na ako.”mabilis akong umakto. Akmang palabas na ako nang magsalita na naman siya. “So, hindi niya alam.”sabi niyang nagpahinto sakin. “Kailangan niyang malaman.” “No!”singhal ko. Nilingon ko siya. “Hindi niya dapat malaman.”siil ko. “Ito ba ang dahilan kung bakit ako nilipat dito? Kung bakit ikaw na ang doktor ko?” “Lets just say—yes. Ito ang dahilan.”inangat niya ang likod mula sa pagkakasandal. “Kailangan niyang malaman na may sakit ka.” “Please, wag mong sabihin—” “At bakit naman hindi? Alam mo ba kung anong klaseng sitwasyon ang meron ka ngayon?” Napahawak ako sa sariling noo. “Alam ko, alam na alam ko kung ano ang sitwasyon ko. ”nabagsak ko ang shoulder bag. “Para saan pa kung wala naman siyang gagawin? Para kaawaan niya ako? Hindi ko sinabi sa kanya dahil alam ko namang wala siyang gagawin, walang pakealam sa akin ang asawa ko.”huminga ako ng malalim at napahawak sa magkabilang bewang. “Hindi mo alam kung gano ka hirap, kaya sana naman wag mo 'kong pangunahan. May dahilan ako at mga plano, wag mo akong pakealaman.” mahaba kong sabi sa kanya. Hingal na hingal ako sa sa lahat ng sinabi ko sabayan pa ng lakas ng kabog ng dibdib ko. “Nakikiusap ako, wag mong sasabihin sa kanya.” pagmamakaawa ko. Narinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan. I can see that he's thinking deeply. “Pero…”tinignan niya ako. I bit my lip as he lifted his eyes. He looked directly into my eyes. Tila ba naghahanap siya ng rason sa mga mata ko para hindi niya sabihin. “Okay, s**t. Hindi ko sasabihin. ”he heaved a sigh so as I. “Pero sa oras na may mangyaring masama sayo o tumindi na ang lagay mo, hindi mo na ako mapipigilan.” Tumulo ang mga luha ko dahil sa pag-gaan ng loob ko. I really thought I wouldn't be able to stop and convince him. “Makailang ulit ko nang narinig mula kay Klein ang mga problema niyo, lalo na ang mga problema niya sayo. ”umiwas siya ng tingin. “But I want you to know na kahit kailan hindi ko kinokonsidera ang ginagawa ni Klein sayo kahit na kaibigan niya ako. ”he cleared. “I never sided with him, but now I'll be on your side, because I know you need me. ”he assured. “Pano ko masisiguro?” “Just trust me.” Naramdaman ko ang sincerity niya, kahit ngayon lang kami nagkakilala ay alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. “Pero hindi mo na mababago ang katotohanang ako na ang doktor mo.”umayos siya. “I’ll do... everything to make your life longer. I will cure you. ” Damn this man, after making my heart burst, now he’s assuring me and he's including my life. Hindi na ako magtataka kung bakit magkaibigan sila ni Klein. Ayaw ni Klein sa taong hindi mapagkakatiwalaan and this man? He’s a sincere one, a sincere friend. I can tell it nor prove it. “Thank you, salamat ng marami. ”naluluha kong sabi. “No, thanks. Ako dapat magpasalamat sayo, hindi mo iniiwan ang kaibigan ko sa pinakamalalang stage ng pagkatao niya.” “Klein has been suffering since Samantha left him, but you picked him up while his throwing you away.” “How can I leave him? His miserable because of me. I'm trying to fix him. ” Matagal at marami kaming napag-usapan. Karamihan ng napag-usapan namin ay lahat tungkol sa kondisyon ko. He briefed me about my condition, explained what I should and not do. Matapos ng pag-uusap, we proceeded to the radiation therapy which lasted for half an hour. I was so ignorant but he was there til the whole session ended. Binigyan niya rin ako ng reseta ng mga gamot na kailangan ko. Apat na magkakaibang tableta ang kailangan kong inumin sa magkakaibang oras ng isang araw. Magpahinga rin daw ako, matulog sa oras at kumain sa oras. Pauwi na ako ngayon. Kanina habang pababa ako ng hospital ay dumiretso ako sa botika at binili ang mga gamot ko. I need to come for radiation therapy three times a week and it will continue three to nine weeks before it ends. It all depends on how the tumor reacts. “Dito na kuya.”sabi ko sa driver ng taxi at nag-abot ng bayad. “Salamat po.” Madaling araw na ng gabi nang makauwi ako. Hindi na ako nagulat nung hindi ko nakita ang kotse ni Klein na kakabili lang niya nung nakaraan. Ewan ko ba’t ang hilig niyang mag-aksaya ng pera para bumili ng bagong sasakyan eh maganda at maayos pa naman yung dark-gray niyang Lamborghini. Itim na Porche (718 Cayman GTS) ang pinamalit niya na halatang mahal at galing pa sa ibang bansa. For sure he'll stay up in his office to work. Pagkapasok ko sumalubong sa akin ang tahimik at madilim naming bahay. Sobrang bigat at lungkot ng aura ng bahay, siguro dahil walang tao palagi. Binuksan ko ang ilaw ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo saka nagbihin ng pantulog. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para kumain. Tinatamad man ay nagluto pa rin ako ng pritong manok. Pagkatapos kong kumain ay naghugas agad ako ng plato. Habang naghuhugas di ko maiwasang maisip si Klein. Nag-aalala na ako sa lagay niya, hindi na siya nakakauwi at nakakapagpahinga ng maayos ng dahil lang sa problema ng kompanya. Sana maging okay na ang lahat. Habang naghuhugas, napatili ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Tinignan ko ang bisig na nakapulupot sa tiyan ko, kilalang-kilala ko kung kaninong mga bisig iyon at alam kong siya talaga dahil sa tindig niya. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sakin kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko. Iniwas ko ang sarili mula sa kanya nang makiliti ako. “K-klein anong—“sinimulan niyang halik-halikan ang balikat ko hanggang sa leeg ko. “Klein please! Tumigil ka...ahh. “pinilit kong kumawala sa mga bisig niya pero malakas siya. “Miss na miss kita. ”bulong niya sa tenga ko at kinagat ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya mas pinilit pang makawala sa kanya. Naaamoy ko ang alak mula sa hininga niya, he’s just drunk. “f**k Sam, I want you now. ”he talked dirty. Hinawakan ko ang dalawang braso niyang nakapulupot sakin at buong lakas ko yung kinalas at tinulak siya palayo sakin. “Klein ano ba??” sigaw ko. “Hindi ako si Samantha!” Sinalubong ko ang mapungay at malungkot niyang tingin. “Samantha—hindi mo na ba ako mahal?”lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Klein hindi—“natigil ako nang mapusok niya akong hinalikan. Uhaw na uhaw. “K-klein—“tinutulak-tulak ko siya pero walang epekto sa kanya iyon, malakas siya at mas malaki pa sakin kaya walang-wala ako. Marahas na gumapang ang mga kamay niya papunta sa bewang ko. He's not up to something good. “Kl-klein wag m-mong—gawin to. ”I gasped when I was running out of breath. Pero Tila wala siyang naririnig, pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya sakin. Gumapang ang mga kamay niya sa pang upo ko at hinigit ang mga yon. “Ahh...Klein!”angal ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak na lang dahil wala talaga akong magawa para pigilan siya. Hindi sa ganitong paraan gusto kong mangyari ‘to. Hindi sa paraan na iba ang nakikita niya at hindi ako. Hindi sa paraan na marahas at di ko gusto. “Klein…“iyak ko. Natatakot na ako dahil sa inaakto niya. Hinalik-halikan niya ang leeg ko, kagat at sipsip ang ginagawa niya 'ron habang hinihimas niya ang pang-upo ko. Umakyat ang mga kamay niya at narating nun ng dib-dib ko. Pinagkrus ko ang mga kamay ko para dipensahan ang sarili pero winakli niya lang yun ng walang kahirap-hirap. Nagulat na lang ako nang warakin niya ang suot kong t-shirt na para lang papel. Mas lumakas ang ugong ng iyak ko nang ibangga niya ako sa sink at sinunod ang paghila pababa ng tube ko. Bumalik siya sa paghalik sakin habang ang mga kamay niya naman ay dumako sa dib-dib ko. Sobrang rahas at sakit ng ginagawa niya. Hindi niya ako pwedeng galawin ng ganito. Dahil sa ginawa niya, hindi ko na natiis pa. Buong lakas ko siyang tinulak kaya nalayo siya sakin ng tuluyan. Agad kong hinila pataas ang tube ko at niyakap ang sarili dahil tanging yun na lang ang suot ko bukod sa pj's ko at punit kong t-shirt. Napuno ng malakas kong hagulgol ang buong kusina. Napadausdos ako pababa sa paanan ng sink. Hindi ko inaakalang magagawa niya sakin to. Ang sakit, dahil binastos niya ako. Para sa akin ang gano’ng mga gawain ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan, yung ginusto at hindi pinilit o kaya napipilitan, at hindi marahas. Hindi pa 'to para sa amin ni Klein dahil ako lang ang nagamamahal saming dalawa, isa pa, ayaw kong gawin 'to sa ganitong klaseng paraan. Okay lang saakin na saktan niya ako ng pisikal at emosyonal, pero ang gawin niya sakin to? Hindi eh, hindi na yun okay. Lalo na at pinagkamalan niya lang akong maling tao kaya niya ginawa sa akin 'to. “s**t. “malutong niyang mura matapos niyang mapagtanto kung ano ang ginawa. “I didn’t—I didn’t mean to—” yumukod siya sa harap ko para magkapantay kami. He extended his hands to reach me, pero hindi ko yon hinayaang dumikit sakin, mas hinigpitan ko pa ang yakap sa sarili ko at humalukipkip palayo sa kanya. “f**k!” kumalapag ng malakas ang pinto ng cabinet matapos niyang suntukin yon. Natatakot ako sa kanya, sa takot ay hindi ko mapigilang manginig. Ang pakiramdam na 'to ay tulad nang naramdaman ko kahapon sa pantry, hindi ko akalain na mararamdaman ko din to kay Klein. Hindi ko inaakalang magagawa niya akong bastusin. Naramdaman ko ang pagtayo at paglayo ng prisensya niya. Saka ko pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang malalim na paghinga nang masiguro kong nakaalis na siya. Halos mapugto ang hininga ko sa kakaiyak. Hanggang sa di ko nalang namalayan ang pagbigat ng talukap ng nga mata ko na siyang nagpapikit sakin at nagpatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD