“ABA putangina Shye! Kailan ka ba mapapagod jan sa asawa mong ‘yan ha?! “napapangiwi at napapalayo ako sa cellphone nang dahil sa lakas at galit na boses ni Bea sa cellphone.
“Tapos ano ngayon? Magtatrabaho ka para sa kanya tapos may pagpapanggap pang mangyayari? Tangina lang Shye ah? Tangina lang. “ mura niya ulit. Dapat kasi hindi ko na sinabi sa kanya yung tungkol sa pagtatrabaho eh.
"Bea okay lang naman ako eh,” I made my voice sound assuring. “Alam mo namang ginagawa ko rin 'to para kina mama at papa. " sabi ko pa habang pinisil-pisil ang batok.
“Shye naman eh. Kahit minsan para sa sarili mo naman. “bakas sa boses ni Bea ang pagkadismaya. “I told you already, you first before anyone else’s.”
Hay, pakiramdam ko tuloy mali lahat ng desisyong ginagawa ko. As if may magagawa naman ako hindi ba? Bea sure always makes me realize how miserable my life is. At tama naman siya dun, and I was the one who’s wrong for letting this happen to me.
"I can't be selfish Bea. "katwiran ko. She know how much I can’t be selfish.
“But they can be when it comes to you, ganun? Tsk. Yan ang hirap sayo eh. Pagdating sa parents mo lalo na jan sa gago mong asawa, tiklop ka. Wala kang nagagawa.” She irritatedly said.
Ayaw ko lang namang maging makasarili. I just don't feel like I can’t do such. When it comes to my parents, I am selfless. I want to do things that will make them proud of me, because I never made them feel like that to me. I always disappoint them. Gusto ko lang i-prove sa kanila na worthy ako at kaproud-proud.
But when it comes to my marriage with Klein, I am both selfless and selfish. I didn't think twice of what our marriage may cause to him. I did it because of my parents too, but mostly I did it for myself because I loved him the moment I saw him.
Tama si Bea, kahinaan ko ang mga taong mahal ko at malapit sakin. Kaya parang ganun-ganun na lang ako sumunod sa mga gusto nila lalo na kina mama at papa. Masyado ko lang kasi silang mahal.
Gusto ko lang naman na maging masaya sila at gusto ko ring maging masaya. And my happiness is Klein.
“Ang tanga mo talaga kahit kelan.]she hissed. May bago ba? Haha. “Pag nakita ko yang Klein na yan Shye, di ko mapapangakong makakalakad pa yan, lulumpuhin ko siya. “bumuntong hininga siya sa inis. Umandar na naman ang siga-sigaan mode niya. “Hays ewan ko ba sayo't napaka selfless mo. Mas inuuna mo pa yung iba kesa sa sarili mo. “
Mas stressed pa si Bea sa sitwasyon ko kesa ako mismo. Mali ba yun? Mali bang mas unahin ko yung iba kesa sa sarili ko? Okay naman yun ah? Seeing them happy, makes me happy.
Hindi na ako nagsalita pa, kasi paniguradong hahaba at hahaba lang ang sermon niya sakin. She’s so like a mother of mine. Sa kanya lang ako nakaranas ng sermon na pangaral ang sinasabi, di pang-iinsulto o kaya naman ay pagdadagdag ng mali ko. Mom’s never like this. Sesermonan niya man ako, puros sumbat naman at lagda-down.
“Yah! Bukas, kailangan nating pumunta sa hospital para sa check-up mo. Remeber, the doctor wants to see you after a week at bukas na yun.” pag-iiba niya ng usapan.
Bigla kong naalala. Oo nga pala, pinapabalik ako ng doctor sa hospital para sa check-up after a week. Pero pano yan? Eh may trabaho ako bukas? Nawala sa isip ko, s**t.
"Ahmm, magpapaalam muna ako kay Klein." I answered.
“Tss, as if may pake yun. “kutya niya. “Okay. Bye. “sabay baba nito ng tawag.
Hays. Susubukan ko na lang siyang kausapin mamaya sa bahay. Pero ampanget naman siguro tignan kasi ke-bagobago ko pa lang sa trabaho, a-absent na agad ako. Siguro the next weekend na lang. Hindi naman siguro ganun ka importante yung check-up?
Tinext ko si Bea na next time na lang dahil sa trabaho. In-off ko rin agad ang cellphone ko para di ko na mabasa ang ire-reply niyang paniguradong pagtutol at para di niya na ako matawagan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga documents na pinasa sakin ng mga departments nung biglang tumawag si Bea. Buti nga walang ibang tao dito sa floor puwersa sakin at ni Klein. Mahigpit na pinagbabawal ang phones during work time, pero nagagawa ko pa rin dahil wala namang nakabantay sa akin.
Napasandal ako sa upuan. After all. Ganun parin si siya. Protective at palamura, pagdating sa akin. Noo pa man siya ganyan. Gandang babae pero ang siga, haha.
*toot*
Napaigtad ako sa pagtunog ng intercom sa gilid ko. Nanlalaki ang mga mata ko itong tiningnan.
"Come here." narinig ko ang baritonong boses ni Klein mula ron.
*toot*
Napatitig at napakurap-kurap ako sa intercom. He wants me to come over?
Ito ang unang pagkakataon na pinatawag niya ako mula nung nagsimula ako sa trabaho nung isang araw.
Agad akong tumayo at kinuha ang paper holder kung saan nakaayos ang schedules niya for today na kailangan kong ipaalam sa kanya.
Lumabas ako ng opisina. Inayos ko pa ang sarili for good impression. Sa harap pa lang ng malaking double door ay kinabahan na naman ako. Ewan ko ba kung bakit, palagi naman eh. Tuwing nasa malapit siya, naririnig ko yung boses niya, nakikita ko siya, bumibilis yung pagtibok ng puso ko. Char, teenager.
Pero syempre, may konting takot rin kasi pakiramdam ko aawayin niya lang ako sa loob. I hate his office, masyadong mabigat ang aura.
Huminga muna ako ng malalim bago maingat na pinihit ang door knob. Pagkapasok ko ay maingat ko ring sinara ang pinto. Yung tipong wala talagang creaking sound.
Sumalubong agad sakin ang bigat ng atmosphere sa loob ng opisina niya. May sa demonyo yung vibes. Haha, joke joke!
Mas kinabahan ako dahil sa isang liko ko lang mula sa kinaroroonan ko ngayon ay makikita ko na siya sa dulo.
Naglakad ako nga pasimple at sa pag-liko ko ay napukaw agad ang atensyon ko nang makita ko nga siyang nakaupo sa swivel chair. Nagkakalikot ang isa niyang kamay sa laptop habang ang isa naman ay nakatukod sa mesa at nakasabunot sa buhok niya.
Limang hakbang na lang ang lapit ko mula sa kanya nang biglang nabulabog ang opisina sa lakas ng pagkakabuo as ng pinto. Both me and Klein was shocked and surprised.
Mabilis kong nilingon ang likuran at dun ko nakita ang isang galit na babaeng nagmamartsa papunta sa direksyon ko, namin.
Sobrang sexy ng katawan, tipong umiindayog sa bawat hakbang niya. Lalo na sa suot niyang tube dress na hanggang hita lang, buhok niyang mahaba at straight at mukha niyang mala anghel pero fierce. Siya ata pinaka magandang babae na nakita ko ngayon linggo.
Ay tama, kailangan ko pa lang gawin ang trabaho ko.
"Hey, what are you doing here?” I tried to stop her. “Aray!"reklamo ko matapos niya akong banggain ng malakas sa balikat, muntik tuloy akong matumba.
"Next time, step aside as I pass by." mataray niyang sabi at inirapan pa talaga ako bago ako lagpasan.
Excuse me? Kaka puri ko lang sayo sa utak ko! Sama ng ugali. Pero teka nga, sino ba 'to?
"Klein! "galit na sigaw nung babae saka hinampas ang mesa ni Klein gamit ang dalawang kamay. Ustong manaket.
Nag-angat naman ng tingin si Klein habang nakasabunot pa rin sa sariling buhok. He already saw the woman but, he didn’t even budge nor give a damn.
"What are you doing here? "kalmado niyang tanong. Sobrang Chill lang, pwede ka magpalamig.
"Bakit kasama mo si Kim nung isang gabi? Anong ginawa niyo?! "the girl exclaimed.
Kim? Babae? Kasama ni Klein nung isang gabi?
Bago pa man makapagsalita si Klein ay nagsimula na akong maglakad palayo. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mga maririnig ko dito.
"Nag-s*x. "Klein answered, plain and simple. Dahilan para matigilan ako sa paglalakad at malingon maling on silang dalawa.
"B-but how about that night between us? "nanlulumong sabi ng babae.
So it means, may nangyari din sa kanila? Damn. I know that Klein’s a playboy but, I never thought that he change girls so fast.
"Our s*x doesn't make any sense. The thing is, we just enjoyed that. "nakita ko kung paano humulma sa isang mapanuyang ngisi ang mga labi ni Klein.
"But Klein, you enjoyed me! Sana tinawagan mo na lang ako! I'm better than that b***h! "protesta ng babae at halos mangisay na kaka-padyak.
Well this isn't new for me. Alam ko namang babaero siya at marami nang nakama. Pero masakit pa rin pa lang masampal ng katotohanan.
"Can you just get out? "iritadong taboy ni Klein at mariing pumikit. He looks already stress earlier, now he’s pissed.
"Klein—"
"Get out now Mandy! "sigaw niya na parehong nagpaigtad sa amin ng babae.
"It's Maddison not Mandy! "pagtatama niya kay Klein.
Gaano na ba karami ang mga babae niya dahilan para makalimutan niya ang pangalan ng babaeng nasa harap niya ngayon?
"Mandy, Maddison, Maddie, Doggy, it's just the same." He said, sarcastically.
"What the f**k?! Doggy!?"
"Oh my God. That came out from no where. " dag-dag niya pa. "Damn, I really have this problem with my mouth. It always says what I see. "he said like he is amazed with his own capability.
"Argh! f**k you Klein!"galit na mura sa kanya ng babae. For sure nainsulto siya sa sinabi ni Klein.
"Look, the this is, I don't f**k twice. Ain’t sorry." Klein shrugged that irritated her more.
Inis na naglakad palabas ang babae. Wala na itong nagawa dahil iba rin kung makapagsalita si Klein. Kahit ako, mapapa-walk out na lang talaga. Even though he's one of my husband's fling. I felt bad for her. Klein just insulted her after using her body and that’s really bad.
Paglingon ko kay Klein matapos kong sundan ng tingin ang babae.ay nakatuon na ulit ang atensyon niya sa laptop. Doesn't he even feel bad about what he just did? Parang wala lang nangyari.
Sana nagmadali akong lumabas, sana di na ako lumingon at nakinig. Kasi kahit tinaboy niya yung babae, nasaktan pa rin ako sa katotohanang nakama niya na rin yun.
Nakakainsulto lang kasi, ako nga na asawa ay halos di niya hinahawakan. Ni hindi ko nga siya mahawakan o makausap man lang ng matino. Nakakainggit kasi nagagawa niya sa ibang babae yung dapat kami lang ang gumagawa.
Nag-angat siya ng tingin kaya nagkatinginan kami. Wala siyang reaksyon. Tanging mapupungay na mga mata niya lang ang nasagupa ko.
Maya-maya lang at tinaasan niya ako ng kilay, naigtad ang kaluluwa ko at nabalik sa huwisyo. Mabilis kong iniwas ang tingin at pinahid ang luhang kumawala mula sa mga mata ko. After that I fixed myself and sniffed. I need to be professional.
Naglakad ako palapit sa kanya ng taas ang noo. I want to be confident and strong infront of him. I want him to see me strong.
"Wow, acting tough. " nakangisi niyang sabi. Ngayon ko lang napagtantong nakatingin pa rin pala siya sakin.
I stayed quiet. Kahit na gustong-gusto kong itanong kung bakit hanggang dito ba naman, kung sino yung babaeng yun at bakit ang kapal ng mukha nilang dalawa.
"First, let me tell you this," he started. He stood up and walked towards the front of his table where I am standing. He leaned on the table and crossed his arms in front of me. "I'm sure Mrs. Chen did not briefed you about this."
I gulped because of the way he's looking at me. It's sharp but somewhat nakakaloko. I tried my best to look at him but I ended up averting my eyes away.
"Bitches has been visiting me every now and then. Just like that one who entered just now and threw tantrums," he said. "Now, part of my past secretaries job is to push them all away and not let them see me. And now that you're my newest secretary, it's now your job."sabay turo niya sa akin.
Is this serious? Is he really briefing me about this? Parang pinagkakatuwaan niya lang ako. I'm also your wife Klein, not just your secretary! Naka nakakalimutan niya? For sure he’s doing this on purpose para masaktan ako.
"And yes, I'm telling you this to insult you too, Luna." matigas niyang sabi. I tried my best not to break down in front of him. Nainsulto ako masyado eh.
"Try to push them away okay? Hindi yung tatanga-tanga ka lang tulad ng ginagawa mo sa bahay tuwing may dinadala ako. Understand?"
"Ye-yes sir."
"Good girl." He complimented. "That's why your the most special b***h for me."
I bit my inner lip. I just want this to end already. Ayaw ko na. Gusto ko nang tumakbo palabas ng silid na 'to.
"Si-sir may k-kailangan pa po ba kayo? "I asked because of my urge to go out.
Nakatingin pa rin siya sa akin ng diretso. He should stop doing it, baka bumigay na talaga ako. I Just want to cry right now. I want to get myself a good weep.
"What's my schedule for today? "he asked while still looking at me directly.
Inangat ko ang clipboard at binasa ang schedule niya.
"Wala kayong meeting ngayong araw, pero bukas meron. You have one big meeting tomorrow with... "siningkitan ko ang mga mata ko para mabasa ang maliit na mga letra. "Mr. Villanueva, CEO of the Villanueva Group of Companies."
"What? "kunot noo niyang tanong. Para bang di naging malinaw sa kanya ang sinabi ko.
"You will have a meeting with Mr. Villanueva of—"
"That's enough. "Anito na nagpatigil sakin.
Narinig ko ang pagmura niya ng mahina. "Ma-may problema po ba?"mahina kong tanong. Nakita ko kung pano niya kinuyom ang kamay. Hala, galit na naman.
"Leave. "He commanded. “Fuck.”
Dali-dali naman akong lumabas sa opisina niya. Mahirap na at baka ako pa ang mapagbuntungan niya ng galit.
Ano na naman kayang nagpaandar sa topak niya? Wala naman akong ginawang masama diba? Wala naman na akong sinabing iba bukod sa meeting niya with Mr. Villanueva.
Kanina lang ay todo insulto siya sakin tapos ngayon galit na naman siya. What he told me keeps on repeating in my mind.
I’m his most special b***h, huh?