"WOW! GOOD JOB!" Tuwang tuwa si Wevz habang nagpapaligsahan ang kambal sa pagpapakita sa kanya ng mga artworks ng mga ito sa paaralan. Dinala siya ng dalawang bata sa silid ng mga ito. Nasa ikalawang palapag din iyon ng mansyon. Kasama nila si Lilly, na napag-alaman niyang taga-pangalaga ng dalawang kambal sa bahay. "Miss Wevz, nakakatuwa naman at halatang gustong gusto ka nila." Wika ni Lilly. "Ang kulit mo din no? Sabi ko ng wala ng 'Miss', Wevz nalang." Aniya rito habang naka-ngiti. Napakamot ito sa ulo. "Pasensiya na, hindi ko yata makakasanayan iyon." "Can you tell us more about snow later?" Tanong ni Thea sa kanya. "Yes! I want a snow story too!" Ani Rence. "Okay, but you need to do your homework first." Wika niya sa mga ito at nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ng mg

