NANG ARAW na iyon ay niyaya siya ni Syke na lumabas. Mag-date daw sila. Pumayag naman siya at ngayon nga ay lulan na sila ng sasakyan nito at tanging ito lamang ang nakaka-alam kung saan sila tutungo. Nitong mga nakaraan na araw ay masasabi niyang okay naman sila ng kasintahan. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Ngunit hindi pa rin niya ito pinapayagan na hawakan siya at halikan siya. Ngayon ang ika isang linggo, simula ng mangyari iyon. "It's been a week love." Anito habang nagmamaneho. "Edi happy weeksary!" Aniya rito at tinawanan ito. "Tsk! I'm serious." Tila frustrated na saad nito. "I'm serious too." Aniya ngunit naka-ngiti pa rin. "So, I'm allowed to kiss you now and touch you?" Tanong nito. "Nope." She said popping the P. Nakita niyang bahagya itong sumulyap sa kanya at muling

