Violet’s POV “Come on now, kakain pa tayo.” Sabi ko nila Noah at tumango naman si Noah at papasok na sana kami ng bahay ng makita ko ang hindi ko inaasahang makakaharap ko ngayon. His hair is cut short and neatly styled, he is still as handsome as before but healthier. My heart beat faster at napalitan ito ng galit. Bakit siya nandito? Bakit niya ako nahanap dito? Bakit pa siya bumalik rito? Sisirain na niya naman ang buhay namin. “What are you doing here man?” Galit na tanong ni Noah. Hindi siya sinagot ni Caleb at napatingin siya sa mga anak namin. Seb was staring at him and examining his face at pati rin si Emory. “V-Violet.” Masayang sabi niya at akmang lalapit na sana pero pinigilan ko siya. “Huwag kang lalapit sa amin!” Galit na sabi ko. “Ilayo mo ang mga anak ko, Noah.” Sabi k

