“Happy Birthday sis!” Hindi ko inaasahan na pupunta sila kuya France, Fern at Leo dito sa bahay. Buti pa sila naalala ang birthday ko kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. May dala silang cake at inihip ko ang candles and they clapped their hands. “Salamat mga kuya,” Masayang sabi ko. “Gusto mo bang mag paparty? Kami na bahala.” Sabi ni Kuya Leo at umiling ako. “Huwag na kuya, hihintayin ko nalang si Caleb mamaya.” Sabi ko sa kanila tumango naman sila at nilaro si Emory. “Bakit hindi ang absent si Kuya Caleb sa trabaho? Birthday mo Violet.” Sabi ni kuya Fernando at napayuko naman ako. “Baka busy lang talaga siya kuya,” Sabi ko. “Ang maliit na prinsesa,” Sabi ni kuya France habang nilalaro si Emory, napangiti naman ako sa kanila at nagsimula na akong magluto ng mga binili ko kahapon.

