Chapter Fifteen Make me stop Reys "So sinasabi mo sa akin na ni-rape ka kagabi? Mailalarawan mo ba ang taong gumahasa sa 'yo?" Hindi ako nakasagot sa pulis. Gulong-gulo ang utak ko at hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Sumugod ako rito nang wala man lang plano. Dahil wala ako'ng ibang maisip na hingian ng saklolo. Nangyari na ang kinatatakutan ko kagabi. Hindi ko man lang naipaglaban ang sarili ko. Pagkagising ko ay wala ako'ng nadatnan na kung sino man sa silid. Ang huling ala-ala ko lamang ay pinasok ako nang sapilitan ni Sir Emil sa silid. Hindi ko man lang maalala ang mukha ng lalaking gumahasa sa akin. "Hoy, bata, hindi ka makakapagsampa ng kaso kung ito lang sasabihin mo. Aba, ay hindi sapat na nagahasa ka lang." "Tulungan niyo po ako," nagpamakaawa ako

