Chapter Twenty-Seven Facing our Fears Reys "Sa'n ang punta mo?" Papunta na sana ako sa locker room dahil tapos ko na ang trabaho pero hinarang ako ni Sir Emil. Sa mga titig pa lamang niya ay parang may ideya na ako sa gusto niyang sabihin. S'ya ang pinaka-boss dito at sa kanya dumadaan lahat ng mga customers na nagte-take out ng babae o 'di kaya ay nagbi-VIP. Alam ko ang mga nangyayari sa VIP Rooms at kung lalabas sila, marami ako'ng nakausap na babaeng nagtratrabaho rito sa bar. Ilang beses na niya rin akong sapilitang ibinigay sa isang customer pero mabuti na lang nandiyan si Rowin at siya ang suki ko sa VIP. "Sumunod ka muna sa akin," bigla niya ako'ng hinawakan sa braso ko. "Huwag po, Sir! Nangako po kayo sa akin na si Rowin lang ang customer ko!" Pilit ako'ng kumalas sa pag

