Chapter Eighteen The Drug in me is Him Reys Mayro'ng Job fair event ang kompanya nina Rohan ngayon kaya naman nasa malaking quadrangle kami sa isang university kung saan ito ginaganap. Taon-taon daw silang naglulunsad ng job fair dito sa paaralan na ito. Dumagsa ang mag estudyante, marahil ay mga graduating ang karamihan. Sino ba naman kasing may ayaw magtrabaho sa kompanya nina Rohan? Mataas ang bigayan at marami silang opportunities na ibinibigay. "Ayon ba 'yung may-ari, gosh, ang guwapo naman niya," bahagyang tumalas ang pandinig ko nang may marinig ako'ng boses ng mga babae sa likuran ko. Nasa Tent kasi ako kung sa'n ang mga freebies at foods. Pagkatapos mo sumalang kaunting interview at assesstment ay may pakunswelo ang kompanya nina Rohan gaya ng milk tea, burgers, at ilang

