Chapter Thirteen Escape With You Reys Ngayon lang yata ako naging maingay at masaya nang ganito. Gamit ang 4 X 4 nina Rohan ay naglibot kami rito sa Ilocos. I'm starting to be addicted with this place, Ilocos Norte keeps surprising me. Nakaka-amaze dahil nasa likod ako at nakatayo. Kitang-kita ko sa malapitan ang mga naglalakihang Windmill na sa TV ko lang napapanood dati. "Shocks! Ang Laki! Parang pabagsak na siya sa kin," napahiyaw ako sa tuwa. Napatingin naman ako kay Rohan na nakatayo lang sa gilid at nakatitig lang sa daan. He is so silent today. "Hoy! Picture tayo!" lumapit ako bigla sa kanya at parang nagulat pa ito. "Mahulog ka!" bigla itong nagalit. Sinimangutan ko lang siya at nagpicture pa rin kami. Ako nga lang ang nakangiti at parang sinusumpa ako ni Rohan sa pict

