SUPER CHAPTER 19

1262 Words
BEBE’S POV “HINDI ako makakapayag na saktan niyo si Bebe!” Nanlaki ang mga mata ko sa taong iniligtas ako mula sa sampal ni Badet. “J-jiro!” bulalas ko. Titig na titig ako sa seryosong mukha ni Jiro na masamang nakatingin kay Badet. Kahit si Badet ay shock din. Alam ko kasi na isa si Badet sa mga babaeng nagkakandarapa kay Jiro dito sa Brgy. Taktak. I don’t know pero sa ginawang iyon ni Jiro ay parang bigla kong nakita sa kanya si Super Jiro. Palagi kasing dumadating si Super Jiro kapag kailangan ko ng tulong or nanganganib ako. Binitiwan na ni Jiro ang kamay ni Badet. “`Wag niyo nang aawayin si Bebe dahil kahit babae kayo ay baka patulan ko na rin kayo. Hindi na tama ang ginagawa niyo sa kanya, ha! May ginawa ba sa inyo si Bebe?” ani Jiro. “`W-wala n-naman… A-ano k-kasi…” nagkandautal-utal na nga si Badet. “Badet, tara na,” narinig kong bulong dito ni Sonia. At umalis na nga ang tatlong babae na palagi na lang akong inaasar. Magpapasalamat pa sana ako kay Jiro pero bigla na lang siyang tumalikod para umalis. Ang akala niya siguro ay tatarayan ko na naman siya katulad ng ginagawa ko sa kanya palagi. “Jiro, sandali!” at hinabol ko siya. Kung hindi ko pa siya hinawakan sa braso ay hindi pa siya titigil para lingunin ako. Parang napapaso na binitawan ko ang braso niya. “Bakit, Bebe?” tanong niya. “T-thank you. Thank you sa pagligtas mo sa akin kanina.” Hindi `yong kaplastikan, ha. From the heart iyon. “Ginawa ko lang naman `yong tama. Sige, aalis na ako.” Tatalikod na naman sana siya nang pigilan ko ulit siya. “Wait lang! Gusto mo, libre kita ng… kwek-kwek? Makabawi lang ako sayo.” “ANG sarap talaga ng kwek-kwek, `no? Ay, ubos na pala. Wala na akong pera… So sad…” sabi ko nang kukuha pa sana ako ng pera sa purse ko. “Sayang naman, wala akong dalang pera, eh. Next time, dala tayo ng madami. Uwi na tayo?” ani Jiro. “Sige, uwi na nga tayo,” sagot ko. Hindi ko talaga alam pero nagbago na ang tingin ko bigla kay Jiro nang iligtas niya ako kanina. Lalo na nang sinabi niya na hindi niya hahayaan na masaktan ako nina Bebe! Tagos na tagos talaga siya sa heart ko, eh. Naglalakad na kami pauwi at panay kwentuhan lang kami. Parang close na close na nga agad kami. At dahil sa pag-uusap namin na iyon ay nakita ko ang good and funny side ni Jiro. Hindi lang siya isang simpleng tambay kundi isang tambay na may pangarap sa buhay. Siguro, isa sa dahilan kung bakit hindi ako naiinis sa kanya ngayon ay dahil sa hindi siya umaakto na may gusto ito sa akin. Nakita ko siya bilang isang kaibigan. “Buti na lang hindi mo ako tinarayan ngayon.” Kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Jiro nang nasa harap na kami ng bahay ko. “Bakit? Gusto mo ba na tinatarayan kita?” Kunwari ay nakairap na sagot ko. “Hindi naman… Nanibago lang ako ako sa’yo ngayon.” “Hayaan mo na po. Pa-thank you ko na rin sa’yo iyon kasi iniligtas mo ako kina Badet. Kilala mo naman sila, talagang nambubugbog ang mga iyon, `di ba?” “Sabagay. Sige, alis na ako, Bebe.” “Okey. Ingat ka, Jiro!” After no’n ay pumasok na ako sa bahay namin at agad akong sinalubong ni Mommy Chanda. “Si Jiro ba ang naghatid sa’yo? Nanliligaw ba `yon sa’yo?” urirat niya sa akin. “Mommy, hindi po. Kaka-break nga lang namin ni Super Jiro, `di ba? It’s so panget naman po na magpapaligaw agad ako. Saka… mahal ko pa po si Super Jiro…” Alam na rin kasi ng mommy ko ang break up namin ni Super Jiro. Masakit pa rin hanggang ngayon ang decision ko para sa relasyon namin ni Super Jiro. Pero, for me ay iyon ang tama kong gawin. Superhero siya at marami akong kahati sa kanya, malaki din ang responsibilidad na nasa kamay niya. Ayoko naman na dumagdag pa ako sa responsibilidad niya. Maya maya ay may biglang kumatok sa bahay namin. Mabibilis ang katok at halos gibain na ang pinto namin. Kaloka, ha! “Sino ba `yan at parang sisirain na ang pinto?” Medyo naiiritang sabi ni Mommy Chanda. “Naku, mommy, baka si Aling Blesie! Bayad na ba kayo sa pabango na inorder niyo sa kanya?” “Bayad na ako do’n, ha! Noong isang araw pa. Sandali nga…” Kumilos na si Mommy Chanda para buksan ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas niya ay agad na pumasok ang dalawang napakapanget na nilalang! Sina Baklang Uod at Baklang Biritera! At nabuhay na naman ang dalawang baklang halimaw. Ano na naman kaya ang drama ng dalawang ito? “Sino kayo?!” gulat na tanong ni Mommy Chanda. “Dito ba nakatira si Ivy Marie Dimaculangan also known as Bebe?” mataray na tanong ni Babaeng Uod. Nag-step forward at nakipagsindakan talaga ako sa kanila. “Oo, dito nga! Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ko. “Ikaw. Ikaw ang kailangan namin. Kikidnapin ka namin at ipapatubos kay Super Jiro at ang kapalit ay ang Super Ring!” ani Baklang Biritera. “Hala naman! Bakit ako pa?” “Dahil love ka niya kaya sigurado kami na kapag ikaw ang kinidnap namin ay pupunta talaga siya!” at malakas na tumawa ang dalawang baklang halimaw. Nag-flip hair ako. “Sorry mga bakal, break na kami ni Super Jiro! Nakaka-stress ang magkaroon ng superhero na boyfie, eh. So, kung ako sa inyo, aalis na lang ako kasi—“ “Hindi mo kami maloloko!!!” sigaw ni Baklang Uod ang biglang humaba ang buhok niyang uod at pumulupot iyon sa katawan ko. “Bitiwan niyo ang anak ko, mga baklang halimaw!!!” sigaw ni Mommy Chanda. Sumugod pa talaga siya kina Baklang Biritera para iligtas ako pero agad siyang pinukpok ng microphone ni Baklang Biritera sa ulo kaya nawalan siya ng malay. “Mommy kooo!!!” malakas kong sigaw. “`Wag kang OA! Nawalan lang `yan ng malay!” ani Baklang Uod. At wala na nga akong nagawa nang tangayin na nila ako. Gusto ko sanang tawagin si Super Jiro pero hindi ko na lang itinuloy. Hindi na niya obligasyon, break na kami… SA isang abandoned building ako dinala nina Baklang Biritera at Uod. Patayo nila akong itinali sa isang poste. “Pag ako nakawala dito, sasampalin ko kaya ng severe!” banta ko sa kanila. “Kung makakawala ka pa! Saka, `wag ka ngang maingay diyan—Ano nga palang pangalan mo?” “Ako si Bebe! Bebe!” “Okey, `wag kang maingay at parating na ang aming reyna!” sani Baklang Uod. “Oo nga. Shut up!” Sabay-sabay kaming napalingon nang mula sa kung saan ay may isang nilalang na dumating. Well, unang tingin ko pa lang sa nilalang na iyon ay alam ko na agad na kalahi siya nina Baklang Uod at Biritera—isa ring beki! Para siya `yong kalaban ni Darna na Planet Woman ang peg. Sino naman kaya ito? Siya na kaya ang sinasabing reyna ni Baklang Uod. Wala naman akong pake kung sino siya. Ang gusto ko lang talaga ay ang makatakas ako sa lugar na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD