Chapter 4

1079 Words
Chapter 4   Dumiretso ako sa kalapit na mall upang magtingin na din ng mga nobelang karereleased pa lamang. Madalas ako sa National Bookstore nagiikot. Dito na rin ako nagpalipas ng oras dahil parang ayaw gumana ng utak ko ngayon. May ilang nagpapicture sa akin at iyon ang labis na ikinatuwa ko. Bandang hapon na nang ginusto kong magpuntang park na madalas naming daanan. Malaki ito ngunit madalang lang ang tao. May iilan nga batang naglalaro, some couples doing sweet nothings, anything that you can do in a public park. Humangin at inipit ko ang aking buhok sa tenga. Hinawakan ko din ang aking dress. Pinanunuod ko lamang ang isang matandang pinapakain ang mga bibe sa kalapit na lawa. Pilit kong tinatanggal sa aking utak ang pakiramdam ng tingin ni Ish kanina sa aking likuran. How his face was molded into something dangerous. Ganoong-ganoon siya tumitig sa akin tuwing ginagawa namin iyon. Parang pinaparamdam niyang mahal na mahal niya ako. Na kahit ang isang haring tulad niya ay kayang sumamba sa isang tulad ko. Walang pumapantay kay Ish, kahit hanggang ngayon. Wala silang binatbat pero alam kong dapat ay huwag na akong umasa dahil wala itong patutunguhan. The person who just despises more than anything just can’t, so better stop those inhibitions. “Hindi siya ampon, Angelina!” Isang matinis na timig ang pumukaw sa atensyon ko. Nakakita ako ng mga batang naglalaro sa playground. Mukang natigil na ang kanilang paglalaro at ngayon, they’re engaged with a heated discussion. Kumalabog ang puso ko. “Ampon siya, Justine. Kaya kung ako sa’yo, hindi na namin siya kabati! Wala siyang mama at papa!” Ang pasimpleng pagkunot noo ng anak ko ng anak ko ay sobra pa sa pakiramdam nang parang nanalo. Nasa kalapit lang siya at pupwedeng hawakan. And by God, she’s perfect. “No! Sabi ni Daddy, lahat ng tao ay may worth. Ako din wala akong mama, pero mahal ko pa din siya,” malambing niyang paliwanag. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. “E kasi nga, ampon ka din! Pinulot ka lang sa tae ng kalabaw! Kaya—” Humarang ang isang lalaking mukang bodyguard ni Justine kay Angelina. May sinabi ito sa mga bata at agad na dinala si Justine sa kotse. Wala akong nagawa kung hindi sundan iyon ng tingin. Kagat-kagat ko ang labi ko habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Ang laki-laki na ng anak ko. Ang ganda-ganda. Hindi ko alam kung kamuka ko ba siya o si Ish dahil nang lumambing ang ekspresyon nito ay sarili ko lang ang nakita ko. Nang kunot naman ang noo nito ay kitang-kita ko ang ama niya. I can’t help but to cry. Tatayo na sana ako ngunit may umupo sa tabi ko. Nanigas ako sa pwesto ko at hinarap ito. “Leaving so soon?” Nanunuya ang boses ni Ishmael. Puno ng iritasyon ang kanyang boses. What was I thinking?! Of course, kasama siya ng Daddy niya. “Kakadating ko pa lang. Gusto mo akong makausap. I’m sure. Nagpunta ka pa talaga dito sa Bukidnon.” Pumikit ako ng madiin at pinunasan ang luha ko. Ngayon ko lang ulit nakaharap si Ish at kung dati’y marahan ang pagkausap nito sakin at kumikislap ang mga mata, ngayon ay marahas at puros poot ang nakapinta sa muka. “So?” Tumaas ng bahagya ang kilay nito. Humangin ng malakas at naamoy ko ang kanyang pabango. Hanggang ngayon, ganoon pa din talaga ang dating niya. Matikas, malakas at maawtoridad. Pinilig ko ang ulo ko. “I don’t have to explain myself.” Tinasaan ko ito ng kilay kahit na nanlalambot na ang tuhod ko sa kanyang tingin. Nanatili akong nakatayo ngunit mali pala dahil pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. Nakadress akong abot bago magtuhod. Nanatili ang tingin niya doon, sinunog, bago kinunutan ako ng noo. “She’s mine. I don’t care kung bakit ka nagpunta rito. But she’s not yours anymore, Justice. You are dead long ago so don’t bother trying.” mabilis na sabi nito’t umalis na. Mabilis din akong tumalikod at umalis na sa lugar na iyon. Wala akong sasabihin sa kanya. Kahit na gusto kong isampal sa kanya ang katotohanan na ako ang nagluwal sa anak niya, hindi ko gagawin. Ayokong manggulo. I was the worst mother if that’s the case. Pero kung tadhana na mismo ang maglalapit sa amin, I will never ever throw that opportunity away. Umuwi na lang ako sa condo at tinype ang bugso ng damdamin. Kinabukasan ay nagising ako sa isang sumisigaw na si Lacey. Kakamot-kamot ako sa ulo nang bumangon. Pinapanuod ko lang si Lacey na talon ng talon. “Jus! Hindi ko alam ang isusuot ko! Sh it!!!” Worry was etched on her face. Napataas ako ng kilay at umambang matutulog muli pero pinigilan ako ng kaibigan ko. “Mamaya na ang party, Jus, matutulog ka lang?” Hindi siya makapaniwala. Napakunot ako ng noo. “Lacey...” “Jus....” Umikot ang mga mata nito at may kinuha saglit sa tabi. Marahas nitong pinakita sakin ang kulay silver na papel na halatang ginastusan pa. Umaariba na naman ang talangka sa ulo ni Lacey. In-adjust ko muna ang mga kamay nito upang makita kong mabuting kung anong nakasulat sa invitation. “Formal party mamaya sa Mirrors, kaming mga kataas-taasan at kagalang-galangan. Isasama kita kasi loner ako pag nagkataon. Sinabi ko na sayo ito ‘diba? Kagabi?” Nagkrus ang mga kamay niya. Napataas ang kilay ko ngunit napaiwas ako ng tingin. Ayoko. Umamba akong matutulog muli ngunit hindi na ako pinagsalita pa ni Lacey. Kulang na lang ay paliguan niya ako. * * * “Lacey...” Marahan ang boses ko. Nasa parking lot na kami ni Lacey at papasok na sa malaking gusali kung saan naroon ang party ng mga elites. Bakit ba ako napasama rito? Hinihila ko ang dress ko pababa dahil hapit ito. Bakat lahat ng kurba ko lalo na sa dibdib. Pinupulahan ako ng pisngi. “Lacey....” Tawag kong muli. “Jus. Nagiging over ka na. Ang ganda naman ng katawan mo. Parang Megan Fox! Please. Huwag mong hilahin.” Umirap ito at ngumuso. Umasim ang muka ko at bumulong ng reklamo. Sa mismong entrance na kami. May mga kasabayan din kaming pumapasok at halos lahat ng kalalahikan ay napapatingin sa suot ko lalo na sa hita ko. Panay ang kalabit ko kay Lacey kung bakit ganitong damit pa kasi ang pinasuot niya. Sophisticated yet sexy. That’s her term. Ginala ko ang mga mata sa loob. It has this classy look alright. Very very classy. I skipped a pair of eyes whose very very keen on watching me. Hindi. Hindi siya pinunta ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD