Chapter 34 “Susuka ka pa, baby?” tanong ko kay Justine. Naglalakad na kami papalabas ng airport. Kanina noong lumalapag na ang eroplano ay maayos naman siya. Nitong papalabas na kami ay saka siya bumigay sa hilo at nagsuka na. “I don’t like planes...” mangiyak-ngiyak nitong saad nang umahon na sa sink. Hinagod ko ang kanyang likod tapos ay hinalamusan siya while telling her how brave she is nang sumakay kanina sa plane. Ayoko rin sumakay sa eroplano pero ayoko namang magreklamo kahit na bumabaligtad na ang sikmura ko. “Buhat...” Tumaas ang kanyang dalawang kamay sa’kin. Inayos ko muna ang kanyang mukha at damit bago ginawa ang gusto. Dear god, she’s heavy but I savored every single second of it. Nang makalabas na kaming public comfort room ay diniretso kaagad kami ni Ishmael. He

