Chapter 37 “Hindi ko madalas gawin... pero babalikan ko,” utas niya. Cuarta ang takbo ng dibdib ko. Malakas ang intensidad ng kanyang mga mata. Ngumuso ako sabay tango. Tumagilid ang ulo ni Ish sa akin tapos ay bumaba na upang kuhanin si Justine. Kumaway pa ito sa mga turistang naroon bago makarating sa aking pwesto. “Tita, you know the surfing capital of CL?” aniya. “Surfing capital?” kibit-balikat ko. “Yup! Punta po tayo roon next time! Kahit super layo, pupunta tayo kasi happy three friends tayo.” Ngumiti ng malaki si Justine. Ngumiti rin ako. Bumilis ulit ang t***k ng aking puso sa kagustuhang sabihin sa kanya na hindi lang ako isang hamak na tita. Na hindi lang kami magkaibigan kung hindi nasa harapan na niya ang kanyang matagal na hiling. “Come.” Mababa ang boses ni Ish.

