Chapter 17 Mainit ang buga ng hangin dito sa metro, taliwas na taliwas sa masarap at preskong hangin kung nasaan ako isang bwan na ang nakakalipas. Nangagkalat ang mga tao para sa kani-kanilang trabaho para sa susunod na mga oras. Alas dies pa lang ng umaga ngunit tingin ko’y pupunuin na ng usok ng bus at dyip ang aking baga. Masyado ko yatang minahal ang syudad na iyon kaya naman medyo naninibago ako sa dating tahanan. Kagagaling ko lang sa dating opisina ngunit nag-inquire lang naman ako kaya maaga ring nauwi. Kababa ko lang sa babaan ng dyip at swerte dahil walking distance ito sa lumang apartment namin ni Lacey. I’ve missed her. Naiwan kasi ito dahil tinatapos pa ang proyekto. I am so proud, no worries. Nang makarating sa apartment ay naabutan ko si Aling Percy na nagdidilig ng m

